WALANG TAO sa sala nang bumaba si Ember. Sumilip siya sa veranda ngunit nabigo siyang baka may tao roon. Nakaramdam siya ng pagkauhaw kaya naglakad siya papasok sa loob ng malaking mansyon. Marami siyang nadaanan na mga pinto ngunit hindi siya nagtangkang buksan ang mga ito. Kung hindi lang sya nakaramdama ng gutom, wala talaga syang balak na lumabas ng silid. Isa pa, hahanapin nya ang kanyang ina dahil may itatanong sya rito.
Hindi nya kabisado ang pasilyong tinatahak dahil ang tagal na buhat nang huling mapunta sya rito. Ang hallway na ito any isa sa lugar na mayroon syang pinakapangit na ala-ala. Sa pagkakatanda nya, may mga ilang larawan ng mga kamag-anak ng buong angkan ng De Lara ang mahabang pasilyo na ito.
Napalunok at napailing sya nang may bumalik sa kanyang isipan...
Malakas ang ulan at halos may kidlat pa. Nakabibingi ang kulog kaya naitatakip ni Ember ang dalawang mga palad nya sa magkabilaang tainga nya. Tila nasa harapan at nakikita nya ngayon ang eksena na kinakaladkad ng Tita Merceditas nya ang kanyang mommy.
"Ang laki talaga ng mansyon na 'to," bulong niya sa sarili habang tinitingnan ang dingding ng pasilyong nilalakaran. May mga paintings na nakasabit sa kahabaan nito at may mga mwebles din gaya ng lamesita at mga silya. "Nasaan ba ang kusina? Na saan ba sila?" She sighed heavily.
Nagpatuloy siya sa paglalakad at nang makita niya ang dining area na kinainan nila kanina ay nakahinga siya nang maluwag. Naisip niya kasing baka naliligaw na siya sa sobrang laking mansyon.
May isa pang entrada sa gawing kanan ng dining area. Pumasok siya roon at hindi siya nagkamali, iyon na nga ang kusina. Kumuha siya ng baso at dumiretso sa ref upang kumuha ng tubig. Nang makainom siya ay kaagad gumapang sa kaniyang lalamunan ang lamig at kapreskuhan ng ininom.
Dala ang baso na may kalahating tubig pa na laman ay naglakad-lakad si Ember. She is wearing a floral dress with thin raffles in the lower part. Naka-flats lang siya sa paa ay nakapunggos ang mahabang buhok.
Halos mapanganga siya sa ganda nang hardin nang magawi siya sa rito. Ang laki at lawak nito. Ang mga bulaklak ay iba-iba ang kulay at uri.
"Wow!" bulalas niya habang patuloy sa paghakbang. Kaagad niyang kinapa sa slingbag ng cellphone at tinuyok sa hardin ang lente nito. Habang humahakbang ay panay ang kuha niya ng larawan sa napakagandang lugar na ito nang biglang may mahagip ang kaniyang camera.
Isang bulto ng lalaki na abala sa pag-aayos ng mga halaman sa isang sulok ng hardin. Wala itong damit pang-itaas at tanging maong pants at boots ang soot nito. May cowboy hat pa itong suot sa ulo. Naka-gloves ang mga kamay habang may hawak na malaking gunting at ginugupit ang mga halaman.
Maganda ang katawan ng lalaki. Ang bawat paggalaw ng mga biceps nito ay tila may sariling isip na sumusunod sa paggalaw ng kamay.
"Holly Gee!"
Halos malaglag ang kaniyang cellphone nang muntik na niya itong mabitiwan. Lumingon kasi ang lalaki sa gawi niya at nahuli siya sa kaniyang ginagawa. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya at rinig na rinig niya iyon. Naglikot ang mga mata ni Ember. Hindi malaman kung saan titingin at ano.
"Sino ka?" tanong nito habang nakakunot ang noo.
Dahan-dahan itong humakbang palapit sa kaniya. Natuliro si Ember. Akmang babalik siya sa loob ng mansyon ng magsalitang muli ang lalaki. Humarap siya paharap dito at halos maestatwa siya nang makita ang mukha nito.
Matangos ang ilong, kulay hazel-nut ang mga mata, manipis ang labi na kulay pula. Ang kilay na malago pati ang mga pilik-mata. His broad shoulder are perfect. Mukha siyang Diyos mula sa Olympus.
"Sino ka? Bakit pinagnanakawan mo ako ng mga litrato ko?" Bakas sa tinig nito ang iritasyon.
Ngunit wala siyang pakielam. Humarap siya sa lalaki at sinamaan ng tingin. "Anong sabi mo?"
"Bakit mo ako pinagnanakawan—"
"Hindi kita pinagnanakawan!"
"Talaga? Bakit mo ako kinukuhanan kanina gamit ang cellphone mo?"
"Aba! Ang yabang mo, a? Feelingero ka masiyado!" singhal niya rito.
"Huling-huli ka na kasi, nag-de-deny ka pa!" anito sa kaniya.
Nanlaki ang mga mata niya sa dahil sa narinig. "Excuse me!" Nag-angat baba ang dibdib niya dahil sa nararamdamang inis para sa kausap. "Ang kapal mo! Sino ka ba? Hardinero ka lang dito kaya umayos ka!" aniya bago tumalikod at pumasok sa loob ng mansyon.
'Ang kapal ng lalaking 'yon! Akala mo kung sinong Diyos ng kagawapuhan!'
Nang makapasok siya sa silid ay hinihingal siya dahil sa mabilis na paglakad-takbo. Naghahabol siya ng hininga at napapikit na lang siya. Kinuha niya ang cellphone at pinagmasdan ang lalaking hardinero.
"Sayang ang gwapo mo kung napakayabang mo naman!" singhal niya saka binitiwan ang phone sa kama. Pumikit siya upang ipahinga ang sarili. Ilang sandali rin siyang nasa ganoong sitwasyon.
Maya-maya pa ay tumunog ang kaniyang cellphone. Kinapa niya ito at nang makitang ang daddy niya ang caller, tamad na tamad siyang bumangon at naupo bago sagutin ang tawag.
"Dad?"
"Where are you? Galing ako sa kwarto mo kanina pero wala ka."
"Nandito na ako ulit sa kwarto. Bakit?"
"Nandito na ang Abuela Aitana mo. Nakaburol na siya rito sa garden," anito.
"Garden? Diyan ako galing pero wala naman kayo."
"Saang parte ka ba ng garden pumunta? Hindi sa Floral garden, anak. Sa Butterfly Haven nakapwesto ang burol."
Natapik na lang ni Ember ang sariling noo dahil sa katangahan. Hindi niya naisip na sa sobrang laki at lawak ng hacienda, baka may iba-iba itong hardin. Wala sa sariling pinatay niya ang tawag at nagpagulong-gulong sa kama.
HALOS HINDI maihakbang ni Ember ang mga paa niya papasok sa loob ng Butterfly Haven. Ang garden na ayon sa ama niya, pinakapaboritong lugar ng kaniyang Abuela Aitana. Nakaayos ang lahat. Red carpet ang sahig kahit land scaped na damo ang nasa ilalim. May mga upuan na napapalamutian ng mga bulaklak at kung ano-anong halaman. Maaliwalas ang lugar. Covered ang nasabing lugar at tanging net na kulay sky blue lang ang harang sa gilid at bubong upang hindi makalipad at makawala ang mga paru-paro.
Kung hindi lang niya alam na burol ito, mapag-aakalang isang kasalanan ang magaganap sa lugar. Ang mga nakikiramay at mga tao ay nakasuot ng kulay puti at rosas. Walang nakaitim.
"Mommy, bakit ganito ang burol ni Abuela? It's look like a wedding venue. Ang g-ganda!" aniya habang nakangiti at nakatanaw sa mga lumilipad na paru-paro.
"Ito kasi ang paboritong insekto at lugar ng Abuela mo—well, maliban sa floral garden na madals ninyong pagtambayan mag-lola. Mahigpit niyang bilin noon pa man na kapag namatay siya, ayaw niyang iburol sa loob ng mansyon o kung saan pa man. Dito lang daw. Ayon kasi sa Abuela mo, ang mga paru-paro niya ang magdadala sa kaniya sa tunay na paraiso sa piling ng Maykapal."
"Wow!"
"Saka ayaw daw niyang makaramdam ng lungkot ang mga taong iiwanan niya. Ikaw ba, nung unang kita mo? Nalungkot ka ba?" tanong ni Catherine sa anak.
Umiling si Ember. "No. Actually, ang sarap sa pakiramdam nang makita ko 'tong lugar. Nakaka-relax."
"Iyan ang gusto ng Abuela mo," nakangiting wika ng ina niya.
Lumakad sila sa gitna. Noon lang niya napansin na may malaking cross sa dulo. Sa harap nito nakapwesto ang kabaong na kulay puti. Marami itong bulaklak na nakadikit sa paligid nito.
Nang makita niya ang mukha ng kaniyang abuela, noon lang siya nakaramdam ng kakaibang lungkot. Pinipigilan n’ya pumatak ang mga luha sa kanyang nga mata ngunit nabigo siya. Bumuhos ang luha sa mga mata n’ya dahil ang hirap tanggpin na wala na ito ngayon.
Umusal siya ng maiksing panalangin para dito kasabay ng pagpatak ng mga luha.
'Rest in peace, abuela.'