PROLOGUE
"EMBER, UUWI na ang Daddy mo sa Hacienda De Lara," anunsyo ng ina ni Ember sa kaniya habang abala siya sa pagbabasa ng makapal na libro sa loob ng kaniyang silid. Hindi niya ito tinapunan ng tingin at pinagpatuloy ang ginagawa. "Anak," tawag ni Catherine. Kahit nasa mid-forties na ito ay mukhang bata pa rin dahil sa natural nitong ganda. Nakasakay ito sa wheelchair at gamit ang sariling mga kamay, ito mismo ang kumikilos upang maiusad iyon.
"What's new, Mom?"
"Anak, hanggang ngayon ba naman ay ayaw na ayaw mong umuuwi ang Daddy mo sa ancestral house nila?" tanong nito na nakakunot ang noo.
Sinara ni Ember ang libro at umayos ng upo sa kama. Inalis ang suot na reading glass at pinatong sa nightstand. "Look, Mom. Ayos lang na umuwi siya roon. Promise!" sarkatiko niyang wika. Unti-unting bumabangon ang inis sa kaniyang dibdib.
"Anak, it's been three months nang huling umuwi ang Daddy mo," turan ng kaniyang ina. Nakatayo ito sa kaniyang harapan habang nakapameywang. Nakatingin ito ng diretso sa anak.
"E, 'di umuwi siya, Mommy. Walang pipigil sa kaniya."
"Cadence Ember! Huwag kang magsalita ng ganiyan sa ama mo!" Bahagyang tumaas ang boses nito.
"Whatever. Iwanan na po muna ninyo ako at kailangan ko pang tapusin ang binabasa ko." She rolled her eyes out of irritation. Muli niyang inabot ang salamin sa mata pati ang libro. Umayos siya ng upo at sumandal sa headboard ng kama bago binuklat ang babasahin. Naramdaman niya ang mabigat na paghinga ng kaniyang ina bago lumabas ng kwarto at iwanan siya.
Ang tagal nilang hinintay na mabuntis ulit ito pero dahil sa kapabayaan ng ama n’ya, nakunan tuloy ang mommy n’ya.
"Anak, maghanda ka. Uuwi tayo ng Hacienda De Lara ngayon."
Lalong kumunot ang kaniyang noo. "B-bakit? Hindi ako sasama. Kayo—"
"Anak, your Abuela Aitana..." Hindi nito naituloy ang sasabihin dahil napayuko ito.
"Dad? Anong nangyari kay Abuela?"
"Anak, kailangan tayo roon. P-p-lease, sumama ka sa amin ng Mommy mo."