CHAPTER 1

886 Words
HABANG NASA byahe ay hindi nagawang matulog ni Ember. Mahigit pitong na oras na silang nasa daan patungo sa Hacienda Aitana sa Trece Martirez, Cavite. Ang kaniyang ama na si Franco ang nagmamaneho ng kanilang sasakyan habang si Catherine naman ay nasa tabi nito. Paputok na ang liwanag sa daan kaya naaaninaw na niya ang mga tanawin. Kahit nakakalibang na pagmasdan ang mga iyon, hindi magawa ni Ember ang mag-enjoy sa nakikita. Gulat na gulat pa rin kasi siya dahil sa nangyari sa kaniyang Abuela Aitana. Edad setenta'y uno lamang ito at base sa mga kinukuwento ng kaniyang ama, malakas pa ito at hindi kababakasan na may iniindang malubhang sakit. "Anak, pasensiya ka na kung nabigla kita." Bahagyang nabasag ang boses ng ama ni Ember. "Franco, h'wag kang mag-alala. Maiintindihan din ng anak mo ang mga nangyayari," ani Catherine na hinawakan pa ng braso ng esposo. Patay-malisiya si Ember sa naririnig at nakikita. Muli niyang itinuon ang atensyon sa labas ng bintana upang kahit paano, mawaglit sa isip niya ang mga nangyayari. Ang earplug na nakapatong sa kaniyang hita ay sinuksok niyang muli sa mga tainga. Napapikit siya nang makarinig ng malamyos na tugtugin sa cellphone. Hindi niya namamalayan na unti-unti na siyang nilalamon ng antok. NAGISING ANG diwa ni Ember nang nakarinig siya ng mga hiyawan. Pupungay-punay pa ang kaniyang mata kaya bahagya niya itong kinusot. Nakatigil na ang kanilang sasakyan sa isang pamilyar na lugar. Tinanggal niya ang earplug at isinilid ang cellphone sa kaniyang slingbag. Bago bumaba ay inayos muna niya ang suot na maong pants at pink t-shirts. Ang kaniyang natural na mahaba at itim nabuhok ay pinasadahan niya ng suklay gamit lamang ang mga daliri. May kumatok sa bintana ng kotse dahilan upang lingunin niya ito. Ang kanyang daddy na pala iyon at nakangiti. Sumenyas ito na bumaba na ngunit hindi siya natinag. Ilang sandali pa ang lumipas bago siya magpasiyang bumaba ng sasakyan. Umikot ito sa kabilang side ng kotse saka binuksan ang pinto. Kinarga nito ang mommy n’ya at iniupo sa wheelchair na dala rin nila. Sariwang hangin ang agad na sumalubong sa kaniya nang bumaba siya ng sasakyan. Ang presko nito sa pakiramdam at kahit nasisinagan siya ng araw ay hindi ganoon kainit sa balat. Ang mga hibla ng buhok niya ay tinatangay. Awtomatikong dumako ang kanyang mga mata sa isang daan kung saan siya naglalagi sa tuwing nandito sila ng mommy n’ya—ang hardin ng mga De Lara na siyang paborito nilang spot ng kanyang abuela. Kumunot ang noo n’ya nang mapansin ang isang lalaki na naglalakad galing sa hardin. Nakasuot ito ng maong na puro lupa, naka-sando ito na halatang marumi din. May suot ito sa kamay na gloves at hawak ang ilang mga bulaklak. Pawisan ito pero gwapo pa rin at hindi iyon maitatanggi. Nagtama ang kanilang mga mata kaya kaagad siyang nag-iwas ng tingin. "Ito na ba si Cadence? Ang gandang bata, ano?" tanong ng isang babaeng kamukha ng kaniyang ama. Hindi na kasi niya matandaan kung ano ang itsura ng mga kamag-anak ng ama niya. Ilang taon na rin kasi ang lumipas kaya limot na niya ang mga mukha ng mga kaanak ng kanyang daddy. "Oo, Ate Merceditas," nakangiting wika ni Franco sa nakatatandang kapatid. "Ilang taon na ba siya ngayon?" "She's ninteen, Ate." Ngumiti ang mga ito kay Ember pero siya, walang emosyon lang siyang nakipagpalitan ng tingin sa mga ito. Napansin niya ang isang grupo mga dalaga at binata na nakatunghay sa kanila. Nasa veranda ito ng malaking mansyon at tila mga nagtatawanan. Walang emosyon n’yang tiningnan ang mga ito pero mga kumaway pa sa kanya. Hindi n’ya iyon pinansin. Huminga siya nang malalim bago lumingon sa ina. Humawak siya sa balikat nito at mahinang bumulong, "Mom, I'm tired," aniya. "Ah sige. Teka, pakilala muna kita. Siya si Tita Merceditas mo. Ang panganay na kapatid ng Daddy mo. 'Yung ibang kapatid pa nila ay wala rito." Bumaling si Catherine sa hipag. "Ate, na saan nga pala sina Eliseo at Ericka?" Bumakas ang kalungkutan nito sa mukha. "Sila ang nasa p-punerarya at nag-aayos kay m-mama," nabasag ang tinig nito nang banggitin ang tungkol sa matanda. Nagkatinginginan silang mag-ina nang magyakapan ang magkapatid at tahimik na umiyak sa isa't isa. Mabigat sa dibdib ang tanawing iyon kaya bahagyang tumagilid si Ember para hindi niya masaksihan ang mga ito. Ilang sandali pa ang lumipas, tumikhim ang kaniyang ama at nagsalita naman ang Tita Merceditas niya, "H-halika't pumasok muna kayo at nang makakain ng agahan. Mamaya ay darating na ang serbisyo kasama si m-mama." Humawak si Ember sa likod ng wheelchair ng ina habang paakyat sa malaking bulwagan ng mansyon. Iginala niya ang paningin sa buong paligid. Malaki at malawak ang kalupaan na nasasakupan ng Hacienda De Lara. Mula sa kaniyang kinatatayuan, natatanaw ni Ember ang mga puno ng niyog at mga mangga. ngunit isa lang paborito n’ya, iyon ay ang malawak na hardin na punong-puno ng mga bulaklak. Iba-iba ang kulay at pati ang uri ng mga ito. "Anak, halika na," aya ng kaniyang ina. Noon niya napagtanto na naiwan na pala siya ng mga ito. Labag na labag sa kanyang isip at puso ang pagpunta rito. Ni ayaw nyang makita ang mga kamag-anak ng kanyang daddy pero wala syang choice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD