SA UNANG GABI ng burol, maraming nakilala si Cadence na iba pa nilang kamag-anak sa side ng daddy nya. Ang iba pa kilala sya ay sinasabing kita nya ang mga ito noon ngunit wala talaga syang maalala.
Nasa gilid lang sya at nakaupo habang hawak ang isang aklat na kasalukuyan nyang binabasa. Alam ni Cadence na madalas na sa kanya napupunta ang atensyon ng iba nilang kamag-anak.
May nakasuot din na earphone sa magkabilaang tainga nya kaya wala talaga syang naririnig sa mga nasa paligid. Ang buong atensyon nya ay nasa aklat na binabasa.
Napalingon sya taong humawak sa kanyang balikat at kunot ang noo na hinintay itong magsalita.
"A-ay... Sorry kung naabala ka namin. Ano kasi... Aayain ka lang sana namin kumain."
Tiningnan nya ang pinsan na si Aliona. Nakangiti ito sa kanya pero hindi man lang nya ito ginantihan. Walang emosyon syang umiling.
"I'm busy."
Tila nahihiyang tumango si Aliona saka tumalikod at bumalik sa gawi ng iba pa nilang pinsan.
Wala sa sariling napalingon sya sa gawi ng mga mommy nya. Ngumiti nang tipid ang kanyang mommy habang ang daddy naman nya ay umiling. Lihim syang nagkibit-balikat saka muling ipinagpatuloy ang pagbabasa ng aklat.
Alas onse na ng gabi nang lapitan nya ang kanyang mommy at bulungan ito, "Inaantok ka na ba, mommy? Let's go na?" tanong nya.
Tumango ito saka hinarap ang mga tita at tito nya. "Mauuna na kami ni Cadence, ha?" Lumingon ito sa asawa. "Dad, mauuna na kami ng anak mo."
"Ihahatid ko na kayo." Tatayo sana ito pero kaagad syang nagsalita.
"Ako na lang po," aniya saka maingat na hinawakan ang wheelchair ng mommy nya. Dahan-dahan nya itong tinulak papasok sa loob ng mansyon.
"Naku, anak, dapat pala nagpahatid tayo sa daddy mo. Walang bubuhat sa akin."
Tiningnan lang nya ang mommy nya. Huminga sya nang malalim saka kinuha ang cellphone. Akmang tatawagan nya ang numero ang ama nang may lumapit sa kanila.
"E-excuse me, Ma'am. May problema po ba?" tanong ng lalaki na hindi masyado maaninag ni Candence ang itsura nito. Ang boses nito ay buong-buo.
"Aga, ikaw ba iyan?" tanong ng kanyang mommy.
Kumunot ang noo nya. Naaninaw nya na naglalakad ang binata palapit sa kanila. Takang-taka sya kung sino ito pero nang masinagan ito ng ilaw, kumunot pa lalo ang kanyang noo.
"Ikaw!?" tanong nya rito.
Ngumiti lang ang lalaki sa kanya saka tumalungko upang makausap ang mommy nya. "Ako nga po, Ma'am. Kailangan po ba ninyo ng tulong?"
"Naku, e oo. Busy kasi ang daddy nitong si Cadence."
"Ako na po ang bahala sa inyo, Ma'am."
Ngumiti ang mommy nya. "Naku, salamat, hijo—"
"Mommy, wait! Sya kanya ka magpapabuhat?" tanong nya. Hindi makapaniwala.
"Oo, anak. Huwag ka mag-alala, mabait naman itong si Aga."
"Pero—"
Tumayo ang lalaki at lumapit sa kanya. Wala sa sariling napaatras sya dahilan upang mabigyan nya ito ng daan. Pumwesto ito sa likod ng wheelchair ngunit ang mga mata nito ay hindi naaalis sa pagkakatingin sa kanya.
Napaiwas sya ng tingin.
"Ako na ang bahala sa mommy mo, Ma'am Ember."
Tumingin sya rito pero hindi na ito sa kanya nakatingin. Gusto nya itong kwestyunin sa pagtawag nito sa kanya gamit ang pangalawa nyang pangalan. Ito pa lang kasi ang tumawag sa kanya noon.
'At paano nya nalaman ang second name ko?' tanong nya sa sarili.
Tinulak nito nang dahan-dahan ang wheelchair hanggang sa paanan ng hagdan. Nakasunod lang sya at walang imik na nakamasid sa dalawa.
Maingat na binuhat ni Aga ang kanyang mommy saka nagsimulang pumanhik sa hagdan.
Napailing na lang sya. Naisip nya na kailangan na mapalipat ng silid ang kanyang mommy at daddy. Marami namang kwarto sa mansyon.
Nang mailapag sa kama ang mommy nya, noon natitigan ni Cadence ang lalaking si Aga. Hindi gaya kanina, ang lalaki ay may suot ng damit. Ngunit bakat na bakat pa rin ang muscles nat biceps nito.
Napailing sya dahil sa naiisip. Gusto nya tuktukan ang sariling ulo. Tumingin sya sa gawing pinto nang bumukas ito. Niluwa noon ang kanyang daddy na halatang tumakbo.
"Oh, bakit? May problema ba?" tanong ng mommy nya.
Tila nagulat naman ang daddy nya dahil nasa kwarto si Aga. Tila nakahinga ito nang maluwag. Maya-maya pa ay umiling ito.
"Wala naman. I'm sorry. Nawala sa isip ko na nasa second floor nga pala ang kwarto natin." Lumapit ito sa kama.
Si Cadence naman ay pasimpleng napaismid. Lumapit sya sa bintana at inayos ang pagkakasara noon.
"Maraming salamat sa pagtulong mo sa asawa ko, Aga," boses iyon ng daddy nya.
"Wala po iyon, sir. Mauuna na po ako," paalam nito sa mga magulang nya.
Hindi sya kumilos upang lingunin ito. Bagkus ay sa mga magulang nya sya tumingin.
"Mauuna na ako, Ma'am Ember," anito na syang kinabigla nya.
Sandali syang natigilan bago harapin ito. Tumango na lang sya saka nag-iwas ng tingin. Muli nya kasi naalala ang pagbibintang nito kanina sa kanya. Kung akala nito ay wala na sa kanya iyon—nagkakamali sya.
Lumabas na si Aga. Narinig nyang nag-uusap ang mag-asawa habang kapwa na sa kama. Tumikhim sya upang kuhanin ang atensyon ng mga ito.
"Pupunta na po ako sa kwarto ko. Goodnight."
Hindi na nya hinintay pa na magsalita ang mga ito. Lumabas na sya agad ngunit pagkalapat pa lang ng pinto, tila gusto nya bumalik ulit sa loob dahil nakita nya si Aga roon.
Nakasandal ito sa tabi ng pinto. Hindi sya nito nilingon kaya naman humakbang sya upang lagpasan ngunit nagsalita ito.
"Sorry nga pala kanina."
Natigilan sya. Ilang sandali dumaan ang katahimikan. Maya-maya pa ay nilingon nya ito. Maliwanag sa hallway na iyon kaya kitang-kita nya ang perpektong hugis ng mukha nito.
Ang mga mata nito ay tila may magnet. Hindi nya maalis ang tingin nya rito.
Umayos ito ng tayo at pumwesto sa harap niya. "Sorry kung inasar kita kanina."
Kumunot ang noo nya. Hindi nya alam kung ano ang sasabihin. Nag-iwas sya ng tingin saka tumikhim. "Okay lang."
Tumango-tango ito. "Hindi ako nakapagpakilala sa iyo nang maayos kanina. Pasensya ka na."
Nagtataka syang tumingin dito. "Hindi naman big deal kung magkakilala tayo o hindi."
"Talaga? Bakit naman?"
Huminga sya nang malalim saka sinalubong ang mga mata nito. "Dahil hindi naman kailangan." Tiningnan nya ito mula ulo hanggang paa. "Base sa itsura mo kanina at sa suot mo ngayon... Hardinero ka, di ba?"
Sumeryos ang mukha nito habang nakatitig sa mga mata nya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi ako nakikipagkaibigan nang basta-basta."
Tumango ito. "Gano'n po ba, Ma'am Ember!?"
"Isa pa iyan. Huwag mo ako tawagin sa second name ko dahil hindi naman tayo magkaibigan or magkamag-anak," aniya. Ngayon bumabangon ang inis nya para dito.
Hindi ito kumibo. Yumuko ito saka nilagay ang mga kamay sa sarili beywang. Pailalim sya nitong tiningnan.
"Iniinsulto mo ba ako?"
Nagkibit sya ng balikat. "May sasabihin ka pa ba? Inaantok na kasi ako."
Ilang sandali silang nagsukatan ng tingin. Alam nya at nababasa nya ang inis sa mga mata ni Aga pero wala syang pakialam.
"Mukhang wala ka ng sasabihin. Excuse me." Tumalikod na sya pero kaagad din nahinto nang marinig nya itong magsalita.
"Hindi ako makapaniwalang apo ka ni Doña Aitana," malamig ang boses nito pero pinagsawalang bahala nya iyon. "Ang layo mo sa kanya."
Pumihit sya paharap dito. "Anong sabi mo?"
Muli sya nitong hinarap. "Ang sabi ko, ang layo ng ugali mo kay Doña Aitana."
Kinuyom nya ang palad. Bumangon ang inis nya rito. "Ano bang problema mo!?" Gigil na tanong nya rito.
Ito naman ang nagkibit ng balikat. "Wala. Sige na. Matulog ka na." Tumalikod na ito at dumiretso sa hagdan.
Naiwan syang inis na inis para dito.
Hindi sya makapaniwala na may magsasalita sa kanya namg ganoon.
'Ang kapal ng mukha! Akala mo kung sino! Hardinero lang naman!'
Padabog syang pumasok sa kanyang silid at binagsak ang katawan sa kama.
MAAGA SYANG NAGISING kinabukasan. Ang sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha ang gumising sa kanyang diwa. Hindi muna agad bumangon si Candence bagkus kinapa nya ang cellphone saka tiningnan ang oras. Alas sais pa lang nang umaga.
Kumalam ang kanyang sikmura kaya naman napilitan din syang bumangon upang kumuha ng tubig ngunit wala na palang laman ang tumbler nya. Lumabas sya ng silid nya at dahan-dahan na bumaba ng hagdan.
Hindi nakabukas ang mga ilaw sa hagdan hanggang sa sa may sala papunta sa dirty kitchen. Mabuti at dala nya ang cellphone at binuksan ang flashlight. Iyon ang ginamit nyang tanglaw upang makita ang daanan.
Nasa kusina na sya at palapit na sa ref nang may marinig na kaluskos mula sa kung saan.
Bumangon ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi nya alam kung aalis ba sya roon o hindi papansinin ang bagay na mainga kanina. Ilang sandali syang nakiramdam. Maingat syang kumuha ng tubig sa ref at sinalinan ang tumbler.
Aalis na sana si Cadence roon ngunit mayroon syang nabunggo. Base sa anino nito, alam nyang lalaki.
"S-sorry," aniya.
"Bakit ang aga mong nagising?"
Ilang sandali nyang inalala ang boses na iyon. Hindi nya masiguro pero may isang tao ang unang pumasok sa kanyang isip. Kumunot ang noo nya.
"Kumuha lang ako ng tubig. Excuse me," aniya at akmang aalis na pero napahinto sya nang hindi man lang natinag ang lalaki. Humakbang sya pakanan, pero ganoon din ang ginawa nito. "Padaan?"
"Matulog ka pa. Maaga pa masyado."
Kumunot ang noo nya. Hindi nya alam kung nakikita sya nito at wala syang pakialam. Binitiwan nya ang tumbler saka ipinatong iyon sa mesa. Muli nyang hinarap any lalaki.
"Iyan naman talaga ang gagawin ko pero nakaharang ka," aniya. Humalukipkip sya saka ito tiningnan. Medyo lumiliwanag na sa labas kaya naman kahit paano, naaaninig na nya ito.
Tumango-tango pa muna ito bagp umatras upang bigyan sya ng daan.
Dinampot nya ang tumbler saka naglakad. Nilampasan ni Candence si Aga. Naiinis sya rito. Para sa kanya, mayabang ito.
PAGKAPASOK SA KWARTO, naupo sa kama si Cadence. Inis na binuksan nya ang tumbler saka uminom. Nang maikalma ang sarili, muli syang nahiga. Gusto pa nya matulog ngunit tila nawala naman ang kanyang antok.
Pumasok na lang sya sa banyo at nagpalit ng damit pang-exercise. Black leggings, white t-shirt and rubber shoes ang sinuot nya. Dinala rin nya ang kanyang earphone pati na ang phone.
May isang kwarto sa mansyon kung saan kumpleto ang mga kagamitan pang-ehersisyo. Malaki at maluwang ang silid na iyon.
Pumasok sya roon nang makitang walang tao sa loob. Sandali muna syang nag-warm up bago sumalang sa treadmill. Sinuot nya ang earphones at saka nagpatugtog. Ang buong atensyon nya ay nasa labas. Ang dingding ng silid na iyon ay gawa sa salamin. Tanaw nya mula roon ang swimming pool.
Nakakalimang minuto pa lang sya sa pagtakbo nang timigil sya dahil nakaramdam sya ng uhaw. Napangiti si Cadence nang makita ang mini ref na nandoon kaya naman kumuha sya ng maiinom doon. Dala ang towel, pinunasan nya sandali ang kanyang leeg nang maramdaman na may pumasok sa loob ng gym.
Lumingo si Cadence at namataan nya si Aga. May dala itong towel saka tumbler. Nagsalubong ang mga mata nila pero kaagad niyang binawi iyon at muling sumampa sa treadmill.
Si Aga naman ay nag-warm up sandali, maya-maya ay lumapit sa gawi nya. Hindi nya ito pinansin. Tinuon ang buong atensyon sa ginagawa habang nakikinig ng tugtog gamit ang earphone.
Lumapit si Aga sa elliptical bike na medyo malapit sa kanya at doon nagsimulang mag-ehersisyo. Naka-tshirt ito na kulay Navy blue saka naka-jogging pants.
Kumunot ang noo nya nang mapagtanto at napatanong sa sarili.
'Anong ginagawa nya rito?'
Nakatingin sya rito kahit patuloy pa rin sa pag-andar ng treadmill. Mukhang wala namang balak na tingnan sya ng binata dahil diretso lang ang tingin nito sa labas.
Hindi na lang nya iyon pinansin. Tumagal ng halos isang oras ang pananatili nya sa loob ng gym. Ang mga equipment na nahawakan ni Aga ay hindi nya sinubukan.
Pagkainom ng tubig, dinampot na nya ang towel saka lumabas ng gym. Noon nya napansin ang pinsan na si Aliona na may hawak na cellphone. Mukhang may kausap.
Wala naman syang balak na pansinin ito pero natigilan sya nang tumigil ito at batiin sya.
"Good morning, Cadence!" anito.
"Morning."
"Galing kang gym?"
Tumango lang sya.
"Well, obvious naman." Tumawa naman si Aliona. "Anyway, breakfast is ready in a bit. Galing na ako sa kwarto ni Tita Cathy at nasabihan ko na sila ni Tito. Good thing is nakasalubong kita."
Tumango sya ulit. "Thank you. Maliligo lang ako. Excuse me." Narinig nya ang mahinang 'okay' ni Aliona pero hindi na nya ito pinansin pa. Muli na syang naglakad pabalik sa kanyang silid upang maligo at magbihis dahil pawis na pawis sya.