CHAPTER 5

2113 Words
TAHIMIK AT WALANG kibo si Aliona habang nasa harap ng hapagkainan. Panay ang pag-uusap ng mga kamag-anak nya pati na ang kanyang mga magulang. Paminsan-minsan din syang nagsasalita ngunit kapag kailangan lang talaga nya sumagot sa mga tanong. "Pagkaraan kumain, halika na sa burol at baka hinahanap na tayo ng mga bisita," ani Tita Merceditas nya sa kanilang lahat. "Mommy, pwede ba kami mamasyal mamaya sa sapa nila Apollo?" paalam ni Azariah sa ina na kumunot ang noo. "Bakit? Anong gagawin ninyo roon?" Lumingon ito sa mga pinsan na tahimik lang. Halata sa mga mukha ng mga ito ang kaba o takot. "N-nakakamiss po kasi mamasyal doon. Di ba, doon kami namamasyal dati—" "Pag-usapan natin to mamaya sa library, anak," ani Tita Merceditas nya na hindi man lang nililingon ang anak. Seryoso ito sa paghiwa sa karneng nasa pinggan. Kitang-kita ni Cadence kung paano nanlumo at bumagsak ang balikat ni Azariah. Hindi rin nakatakas sa kanyang mga mata ang pamumula ng mga mata nito na animo iiyak. Lumingon sya sa mommy nya na nasa pinsan din nya ang paningin. Maya-maya pa, sya naman ang tiningnan nito. Ngumiti ito sa kanya ng matamis. Dinampot nya ang tubig at ininom iyon. Hindi maganda ang pakiramdam para sa mag-ina. Kahit wala syang alam, tila mabigat ang aura ng mga ito, pati rin ang iba pa nilang kasama. Tumayo si Azariah at nagsalita, "tapos na po ako. Excuse me," anito saka tumalikod. Sinundan nila ito ng tingin. Bumaba ang mga mata ni Cadence kina Apollo at Aliona na may pag-aalala sa mukha. Parang gusto na rin ng mga itong umalis sa hapagkainan pero hindi lang nila magawa. "Mamaya nga pala ay may misa na gagawin sa lamay ni mama. Kailangan ay nandoon tayong lahat. Darating din kasi ang obispo na syang kaibigan ni mama at ng pamilya." "Sige. Walang problema," sagot ng daddy nya rito. "Mauuna na ako sa inyo. May aasikasuhin lang ako," sabi ng kanyang Tita Merceditas pagkaraang uminom ng tubig at punasaan ang bibig ng puting tela. Tumayo na ito saka lumabas ng dining area. Sabay na napabuntong-hininga sina Apollo at Aliona saka napasandal sa inuupuan. "Tapos ka na ba, Kuya? Let's go?" aya ni Aliona. Bumubulong lang ito ngunit naririnig naman ni Cadence. "Wala na akong gana. Sa tingin mo, pagagalitan kaya ni Tita si Azariah?" Nagkibit-balikat si Aliona. "Hindi ko alam. Kinakabahan ako, kuya. Baka mamaya..." "Aliona, Apollo... Kumakain pa kayo, di ba?" tanong ng Tito Eliseo nya sa mga anak. "D-dad, tapos na po. Hinihintay ko lang po si Kuya." "Patapos na po ako, dad," maagap na sabi ni Apollo saka nagmamadaling tinapos ang kinakain. Hanggang sa matapos ang almusal na iyon, nanatili lang na tahimik si Cadence. Tulak-tulak nya ang wheelchair ng kanyang mommy hanggang sa sala. "Anak, ako na bahala sa sarili ko rito. Sa hardin na lang muna ako magpapahangin," sabi nito habang nakahawak sa kanyang kanang kamay. Nilingon nya ang paligid. "Where's daddy? Gusto mo ba samahan kita roon?" Umiling ito. "Susunod ang daddy mo roon sa hardin. Sabay na kami pupunta sa Butterfly Haven mamaya. Kinausap lang sya ng Tito Eliseo mo." Ngayon lang kasi nagkita ulit ang magkapatid dahil sobrang busy ng daddy nina Apollo at Aliona sa business nito sa Pampanga. "Samahan ko na lang po kayo roon hanggang wala pa si Daddy." Tinulak nya ang wheelchair hanggang sa makarating sila sa hardin kung saan maraming mga bulaklak. Naalala nya, noong bata pa sya. Dito sila madalas ng kanyang Abuela Aitana. Tinutulungan niya itong magdilig ng mga halaman o kung hindi naman, kukuha sila ng mga bulaklak at aayusin nila iyon upang ilagay sa altar or sa mga flower vase sa buong mansyon. Naupo sya sa silyang bakal malapit sa pwesto ng mommy nya. Napangiti sya nang ilabas nito ang isang aklat na nakatago sa gilid ng wheelchair. Dito nya namana ang pagkahilig sa pagbabasa ng aklat. Parehas din silang introvert at tahimik lang din ang personalidad ng kanyang mommy. Marami ang nagsasabi na kopyang-kopya nya ang wangis ng mukha nito. Nilabas nya ang cellphone at nagsimulang kuhanan ng larawan ang hardin. Tumayo sya at lumapit sa isang paso na may lamang bulaklak ng rosas. Napangiti sya nang makitang maganda ang pagkakakuha nya ng larawan dito. Muli syang humakbang palapit sa iba pang halaman na nandoon. Nalilibang syang kuhanan ang mga iyon. Ngunit natigilan sya nang biglang may magsalita sa kanyang likuran. "Mahilig ka rin pala sa mga bulaklak?" tanong ni Aga. Hindi ito sa kanya nakatingin, bagkus nasa mga halaman ang mga mata nito. Sa mabilis na paraan, napagmasdan nya ang kabuuan nito. Nakapantalon ito ng maong, navy blue na V-neck shirt. Nakasapatos din ito. Umatras sya. Lihim nyang pinagalitan ang sarili. Huminga sya nang malalim. Tatalikod na sana sya nang muli itong magsalita. "Huwag mo sasabihin na aalis ka na, Ember?" Hinarap nya ito. "Excuse me?" Tiningnan na sya nito. "Iniiwasan mo ba ako?" tanong nito. Ang boses ni Aga ay buo at lalaking-lalaki. Tila may awtoridad din ito sa tono ng pananalita. "Bakit ko naman iyon gagawin?" balik na tanong nya rito. "Dahil baka na-offend kita noong isang araw?" Diretso ang tingin nito sa kanyang mga mata. Lumingon muna ang sya sa pwesto ng mommy nya at nang makitang kasama na ito ng Daddy nya, sinalubong nya ang tingin ni Aga. Ngumiti si Cadence pero halatang peke. "Sa tingin mo, ma-ooffend ako ng mga bagay na ganoon?" "Hindi ba?" Naka-smirk na tanong nito. Nawala ang ngiti sa labi nya. "Ano bang problema mo, Mr. Gardener?" Diniinan nya ang huling salita na tinawag nya rito. Nagngalit ang panga ni Aga. Bahagya ring tumaas-baba ang dibdib. Buong tapang naman na sinalubong ni Cadence ang tingin nito. Ngunit maya-maya lang, nag-iwas ng ito ng tingin. "Ituloy mo na ang ginagawa mo. Aalis na lang ako." Tumalikod na ito at naiwan sya puno na naman ng inis at pagtataka. "Ang kapal ng mukha! Ang yabang!" Masama ang tingin nya sa dinaanan nito. Bumalik sya sa pwesto kung nasaan ang mommy at daddy nya. Nag-uusap ang mga ito pero nang makalapit sya ay kagaad na tumigil at nginitian sya. "Mabuti naman at nagkakausap kayo ni Aga, anak," sabi ng daddy nya. Kumunot ang noo nya. "Ano naman po ang mabuti roon?" Nagulat naman ito saka tumingin sa asawa. "Ah, kasi may kaibigan ka na rito kahit paano. Napansin ko kasi na mailap ka sa mga pinsan mo." "Hindi po kami magkaibigan." "Anak—" "Babalik muna po ako sa kwarto. Mauna na po kayo sa Butterfly Haven. Susunod na lang po ako roon." Naglakad na sya papasok sa mansyon. Mabagal lang ang paglalakad na ginawa nya habang tinitingnan ang larawan ng mga bulaklak. Hindi nya tuloy napansin na may kasalubungan sya. Nabitiwan nya ang cellphone sa lakas ng pagkakabunggo sa kanya. Ngunit hindi nya agad iyon nadampot nang makitang umiiyak si Azariah. Nakatayo ito sa harap nya ngayon at mugtong-mugto ang mga mata. Nanlaki ang mga mata nya nang yakapin sya nito. Noong una ay gulat na gulat sya pero nakaramdam sya nang awa rito. Gumanti sya ng yakap sa pinsan saka hinamas-himas ang likod ito. Hindi nya alam kung paano ang gagawin. Wala syang alam kung paano magpatahan o magpagaan ng nararamdaman ng ibang tao. Wala rin syang alam kung bakit ito ganito ngayon. Makalipas ang ilang sandali, humiwalay sa kanya si Azariah. Humihikbi na ito. "S-sorry, Candence." Ito ang dumampot ny cellphone nyang nahulog sa sahig. Buo pa naman iyon pero wala roon ang kanyang atensyon. Hindi kasi nakatakas sa kanyang paningin ang pamumula ng kanang pisngi nito. Tiningnan nya iyon nang mabuti. "Anong nangyari, Azariah?" Muli itong umiyak pero umiling. Hinawakan nya ito sa braso. Noong una, nagdadalawang isip sya pero nangingibabaw ang awa nya para dito. "K-kung kailangan mo ng kausap, nandito a-ako. Makikinig ako," sabi nya rito upang gumaan naman kahit paano ang nararandaman nito. Tumango ito. Hinila sya nito paakyat sa taas patungo sa silid nya. Ni-lock pa nito ang pinto saka naunang naupo sa kama. "Sorry, Cadence kung inaabala kita," kahit paano ay tumigil na ito sa pag-iyak. Naupo sya sa tabi nito. "May problema ba?" Tumango ito. "Nag-away na naman kami ni mommy. Well, for your information, palagi kami nag-aaway," anito saka ngumiti. Kumunot ang noo nya. Nagtataka. "Hindi ba kayo close?" Umiling sya. "Yes, we're not close. Maka-daddy kasi ako." Tumango-tango sya. Hindi na nya ibig pang magtanong dito dahil ayaw naman nyang makitsismis pa. "Buti kayo ni Tita Cathy, close kayo, no? Nakaka-inggit." Ngumiti sya. "Pero hindi naman kami close ng daddy ko." "Hindi? For real?" "Yes." Ito naman ang tumango-tango. "Siguro wala talagang perpektong pamilya, no?" tanong nito sa kanya. "Kami kasi ni mommy, para kaming aso't pusa kapag nag-away." Hindi sya kumibo. Nanatili syang tahimik at nakinig sa pinsan. Ayon dito, magkasalungat ang ugali ng mga ito. Masyadong mahigpit ang mommy nito at ito namang si Azariah, gusto ng kalayaan. Bagay na palaging binibigay ng daddy nito noong iyon pa ang kasama nito. "Kung hindi lang umuwi sa Canada si Daddy, baka nandoon pa rin ako sa kanya ngayon." Napatango sya. Kaya pala ngayon lang nya ito nakilala dahil na rin sa wala ito noong mga panahon na magtalo-talo ang mga ina nila noon. Lihim nyang pinag-aralan ang kabuuan ni Azariah. Makinis ang balat nito kahit na may pagka-morena. Ang taas nito at hindi nahuhuli sa kanya. Maamo rin ang mukha nito at animo isang anghel. "Salamat nga pala sa pakikinig sa akin. Naabala pa kita," anito nang tumayo. Tumango lang sya. "Pero aaminin ko, masaya ako kahit nakausap kita. Gusto kasi talaga naming maka-close ka. Mabait naman ako, pati sina Apollo at Aliona." Ngumiti sya. "Pasensya na. Hindi kasi ako talaga palakibo. Nasa personality ko na ang pagiging tahimik." "Halata nga." Tumawa ito at ganoon din sya. "Pero sana kapag inaya ka namin, sama ka sa amin minsan. Bonding naman tayo." "P-pwede naman." "That's great! Isama natin si Aga para mas marami, mas masaya!" Halata sa mukha nito ang saya. Unti-unti namang sumeryoso ang mukha nya. "Si Aga?" Tumango si Azariah. "Yes! Yung gardener natin. Ang gwapo nya no?" Hindi sya umimik. Tila nag-iisip sya kung ano ang kinagwapo ng lalaking iyon. Lihim syang napangiwi. 'hardinero pa rin sya kahit na gwapo sya,' aniya sa isip. "I am sure na nagkausap na kayo noon. Ang bait nya, di ba? Saka ang ganda pa ng katawan. Ang hot!" anito na tila kinikilig pa. Kumunot ang noo nya. "Crush mo?" Tinampal nito ang balikat nya. Tila ito bulateng inasinan sa kilig. "Grabe ka naman! Halata ba?" mahinang wika nito. Nag-iwas sya ng tingin. Ngayon, masasabi nyang mabait nga si Azariah. Mukhang hindi nito nakikita ang estado ni Aga kumapara dito. Huminga sya nang malalim saka ngumiti nang magpaalam sa kanya ang pinsan. Naiwan sya sa kanyang silid mag-isa. Ilang sandali muna syang nahiga roon sa kama bago nagpasyang bumaba upang magtungo sa Butterfly Haven. Nasa sala na sya at palabas na ng malaking pinto nang mamataan si Aga sa labas. May kausap itong lalaki na hindi nya kilala. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. Hindi nya alam kung gaano katagal syang nakatayo roon at nanatili lang syang nakatingin sa dalawa. Hindi nya masigurado kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Halos mapatalon naman sya sa gulat nang biglang sumulpot sa likod nya ang pinsang si Aliona. Nakangiti ito at tiningnan kung ano ang tinitingnan nya kanina. Mas lumawak ang ngiti nito. "Uy, tinitingnan mo si Aga?" "Ha? H-hindi, ah!" May pang-aasar itong ngumiti sa kanya. Humawak ito sa kanyang braso saka sya hinila. "Nagkausap na ba kayo?" Umiling sya at nagtataka. Ang mga mata nya ay nakatingin sa braso nitong nakahawak sa kanya. "B-bitiwan mo ako, Aliona," mahina nyang wika. Ngunit mas hinigpitan pa nito. "Ayoko nga! Bonding tayo!" anito saka sya hinila." "Sandali lang—" aniya. Hindi na sya nakapagsalita pa dahil hinila na sya nito palabas ng mansyon. Nagulat pa sya nang mamataan sina Apollo at Azariah na halatang hinihintay talaga silang dalawa. "Ang tagal ninyo!" ani Azariah. "Ito kasing si Cadence. Nahuli kong tinitingnan si Aga!" Umugong sa pandinig nya ang asaran ng mga ito sa kanya. Si Apollo naman ay nanatiling walang sinasabi pero ang ngiti sa labi at kababakasan din ng pang-aasar sa kanya. Gusto nya magprotesta pero mas pinili na lang nya na manahimik na lang kaysa magsalita pa. Baka mas lalo lang syang asarin ng mga pinsan nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD