Nanlulumo sa Elise pagkagising niya dahil hindi na niya naabutan si Kaito sa bahay nila para mag-jogging. Sabi ng kanyang lola ay maaga daw itong nagising at naka suit daw na umalis. Maaaring pumasok na ito sa trabaho. Sayang gusto niya pa namang makita ang binata lalo na ang singkit nitong mga mata.
"Elise halika na kakain na."
"Opo lola..." nawawalang ganang sagot ko.
"Apo bakit naman ang aga-aga lukot iyang mukha mo?" tanong ng lola ko habang hinahanda ang hapag-kainan.
"Kasi lola di ko nakita si Kaito." Nakabusangot pa akong umupo sa hapag kainan. Tumawa lang ang aking lola.
"Apo aminin mo nga sa akin. Ikaw ba ay may gusto sa batang iyon? Kung meron hindi ako magrereklamo. Mabait iyon dahil matagal ko na siyang kapit-bahay. Ni minsan hindi ko pa siya nakitang nagdala ng babae diyan sa bahay niya." Paliwanag ng aking lola.
"Lola wala naman akong gusto sakanya na iyong parang real love na. Gusto ko siya dahil sa singkit niyang mga mata. Siguro paghanga po pero hindi po love. Lalo na lola wala pa ata siyang time para sa love. Pakiramdam ko nga parang hindi siya naniniwala na may love.”
“Ganoon ba? Bakit may nangyari ba?”
“Gusto ko sabihin sa iyo lola kaso baka sabihin niya napaka-tsismosa ko.”
“Hindi nga ba apo?” asar ng aking lola.
“Lola naman eh! Hindi naman ako tsismosa. Curious lang naman ako kaya natanong ko sakanya lola.” Umupo ang aking lola at linagyan ng kanin ang aking pinggan. Pagkatapos nitong lagyan ang plato ko ay nagsimula itong magkwento.
"Alam mo ba apo noong panahon namin ng lolo mo crush na crush ko siya. Kaso hindi niya ako pinapansin kasi may iba siyang gusto. Alam mo ba kung anong ginawa ko?" Umiling lang ako.
"Ako ang nangligaw sakanya. Noong una nga nagalit pa sa akin dahil papansin daw ako. Kaso hindi iyon naging dahilan para tumigil ako. Pinagpatuloy ko ang panliligaw ko sakanya."
"Sinagot ka ba niya lola?"
"Hindi. Ako ang sumagot sakanya."
"Ha? Akala ko ba ikaw ang nangligaw? Ano iyon lola nag-assume ka na kayo na?" Pagtatakang tanong ko.
"Hindi. Isang araw na lang kasi nagulat ako na siya na ang nanliligaw sa akin. Sabi ko pa nga sakanya kahit wag na sasagutin ko na siya kaso ang sabi niya gusto niya daw gawin ng tama. Nakita niya kasi iyong effort ko at lumaon ay napamahal na lang siya sa akin. Hindi ako nagsisi na siya ang napangasawa ko dahil napaka-bait ng lolo mo. Araw-araw pinaramdam niya sa akin na mahal na mahal niya ako. Hanggang sa huling hininga niya ay kitang kita ko ang pagmamahal niya. Haist! Namimiss ko na siya apo." Napangiti ako sa love story ng aking lola at kitang kita ko na masaya ako kahit wala na ang aking lolo. Pinangarap ko din ng ganoon dahil masarap ang may minamahal. Wow kanta iyon ah!
Natapos kaming kumain ng aking lola ng makapag desisyon ako. Ipapakita ko kay Kaito na pwede itong magmahal ulit. Kaya naman ang ginawa ko ay nagbake ako ng chocolate cake. Ginandahan ko talaga at linagyan pa ng design. Linagyan ko ng puso sa gilid nito at sa gitna ay naglagay ako ng ‘from your friend: Elise" Masaya ako sa kinalabasan at linagay sa karton iyon at linagay sa ref.
Nang alas-sais na ay hinintay ko ang binata at pasilip-silip pa sa bahay nito. Makalipas ang dalawa, tatlo, limang oras ay wala pa ito. Pagtingin ko sa orasan ay malapit nang maghating-gabi at wala pa ito.
"Apo matulog ka na. Hindi pa dadating iyon baka busy sa trabaho at maraming ginagawa. Ilang araw din kasi yata siyang hindi pumasok." Napabuntong hininga ako at nalulungkot akong pumanhik sa aking kwarto. Natulog akong malungkot at bigo. Hindi ko dapat maramdaman iyon dahil alam kong busy na tao ito kaso hindi ko mapigilan dahil nag-effort akong magbake. Nakatulog akong may lungkot at pagkabigo.
Tanghaling tapat na nang magising ako. Nagugutom na din ako kaya naman inayos ko ang aking kama at pumanhik sa baba para magluto ng makakain.
“Lola?” hanap ko sa aking lola pero mukhang nasa labas nanaman ito at nagdidilig ng kanyang mga halaman. Binuksan ko ang gas at ang kalan sabay nagpa-init ng kawala para magluto ng sunny side-up egg. Nasa kalagitnaan ako ng aking pagluluto nang marinig kong magbukas ang pinto at hindi tinginan kung sino ang pumasok.
“Lola kumain ka na po ba? Ipagluluto na lang po kita ng isang itlog. Pasensya na po kasi late na akong nagising. Hinintay ko kasi si Kaito kagabi kaso nakaka-disappoint na hindi ko man lang naibigay sakanya iyong cake na ginawa ko.” Tapos na akong magluto at linagay sa isang pinggan ang mga itlog na linuto ko. Pagtalikod ko ay laking gulat ko na nandoon si Kaito sa hapag-kainan at maganang kinakain ang cake na ginawa ko.
“Kaito? Anong ginagawa mo dito?” ngumiti lang ang lalaki sa akin habang may laman pang cake ang bunganga nito. Ngayon ko lang din nakita ang binata na naka-suot ng suit. Kung dati ay na-attract ako sa singkit nitong mga mata, ngayon ay nakita ko kung gaano ito kagwapo.
"Apo, pasensya ka na. Pinapasok ko na si Kaito kasi nadulas ako at nasabi ko na may ginawa kang cake para sa kanya. Nakita ko kasing kararating niya lang at hindi naiwasan na makipag-kwentuhan sa kanya. Kaya yinaya ko na din siya dito sa loob at ako na ang nagbigay sakanya ng cake.” Explain ng aking lola na katatapos lang magdilig ng kanyang mga halaman.
“Ha? Kararating mo lang tapos pumunta ka na dito? Hindi ka ba inaantok? Hala! Iyong singkit mong mata Kaito baka maging itim iyan dahil sa eye bugs. Lola ikuha natin siya ng pipino.” Tarantang sabi ko sa aking lola.
“Ano namang gagawin mo sa pipino apo?”
“Eh di ilalagay ko sa mata ni Kaito para mawala iyong eye bugs niya.”
“Pasensya ka na Kaito. Nababaliw na yata itong apo ko.”
“Lola hindi ako nagbibiro.”
Nakita kong natawa ang binata at sumimangot ako sa inasta niya. “Sorry, Elise. Kanino pagod lang ako pero ngayon wala na. Salamat nga pala sa cake ha. Masarap siya.”
“Buti naman nagustuhan mo.” Tumayo ito at nagulat ako nang makita ko na halos kalahati ng cake ang nakain nito. Halos pigilan ko ang matawa.
“Pasensya ka na kung pinag-hintay kita. Sa ilang araw ko kasing absent ay natambakan na ako ng trabaho kaya kailangan kong mag-OT.”
“Wala iyon naiintidihan ko naman.” Nagka-titigan kaming dalawa at natauhan lang nang tumikhim ang aking lola.
“Jusko matutunaw iyong icing ng cake.” Napangiti kaming dalawa sa tinuran ng aking lola.
“Mrs. Mendoza, mauna na ho ako.” paalam nito sa aking lola.
“Hindi ka na ba mananang halian dito?”
“Hindi na po. Nabusog na po ako sa ginawang cake ni Elise.” Tumuon ito sa akin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng hiya ng tumingin ito sa akin. Kinakabahan ako lalo na nang tumayo ito at mas nakita ko ang kabuuan nito na naka-suit. Ang gwapo naisigaw ko sa aking utak.
“Salamat ulit Elise. Nagustuhan ko iyong cake.” Nakita ko na may bahid pa ng icing ang bibig nito at nate-tempt akong burahin ito gamit ang aking mga daliri.
“Si-sige…walang anuman iyon.” Umalis na ito pero naka-sunod pa rin ang tingin ko sa binata.
‘Ehem…akala ko ba crush lang? Ano iyong kanina?” biglang tanong ng lola ko sa akin na nakalimutan kong nandoon lang at nanunuod sa amin.
“Lola ikaw ha? Ang tsismosa mo.” Alangan kong sabi dito at umupo sa hapag-kainan para kainin ang itlog na linuto ko. “Elise sa tanda ko ba namang ito ay lolokohin mo pa ako? Alam ko iyong mga titig na ganoon.”
“Wala iyon lola. Nagulat lang ako na nandito siya. Akala ko kasi wala pa siya.”
Tumango-tango ang aking lola na halatang hindi naniniwala sa sinasabi ko. Pagkatapos kong kumain ay naligo ako at nagpalit ako ng pambahay na bago.