Chapter 4

1027 Words
Agad akong nagpahinga nang maka-uwi ako sa aking bahay. Pagkalapag ko ng cake na ginawa ni Elise ay napa-tingin ako dito at napangiti. Never na may nagluto na kahit ano para sa akin. Kaya naman sobrang espesyal ng cake na ito para sa akin. Kinuhanan ko pa ito ng litrato at sinave sa aking cell phone. Para akong tanga na naka-titig sa litrato nang biglang lumabas doon ang caller ID ni Mark, ang aking sekretaryo. “Tsk!” sagot niya dito. “What?” medyo inis kong tanong. “Sir pasensya ka na. May nangungulit kasing babae dito kanina. Sinabi kong wala ka at umuwi ka na. Ang sabi niya pupuntahan ka na lang daw niya diyan.” “Sino?” “Ahliya daw sir.” “What? Ahliya?” gulat kong tanong nang marinig ang pangalang iyon na matagal ko nang kinalimutan simula nang malaman ko ang balak nito. Ano nanaman ba ang gusto nito? “Haist…thanks Mark. Please put her in the blacklist. Ayoko na siyang pumupunta diyan.” “Okay sir copy po.” Napahilot ako sa aking noo nang may magdoor bell na sa pinto ko. Ang bilis naman niya. Pagbukas ko ng pinto ay si Elise ang nabungaran ko. Bigla akong kinabahan dahil alam kong any moment dadating dito si Ahliya. “E-Elise…” “Hi! Oh, bakit parang nakakita ka ng multo diyan? Ganoon na ba ako kaganda para magulat ka?” “Hindi naman, ay este, yes you are beautiful. Uhm…Elise pasensya ka na ha? May bisita kasi ako ngayon na dadating.” Magsasalita sana ito nang marinig namin ang isang kotse na nag-park sa tapat ng gate ko. Sabay kaming napatingin dito. ‘s**t! It’s Ahliya.’ Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Hindi dahil sa makikita ko ulit si Ahliya kundi naabutan niya si Elise dito. Lumabas ang isang matangkad na babae na may kahabaan at pulang buhok. She’s wearing high heels at nakasuot ng dress na kita ang cleavage nito. She’s wearing some sunglasses kahit pagabi na at ang kapal ng red lipstick na suot nito. Agad siyang nairita pagkakita dito. “Hi Kaito, baby! Did you miss me?” sigaw nito sabay kaway pa. “Uhm…Elise—" Humarap sa akin si Elise at pinagtaka ko ang nakita kong ekspresyon nito. She looks disappointed pero hindi iyon ang napansin ko. I can see sadness on her face pero pinilit pa rin nitong ngumiti. “Oh, pasensya ka na. Naka-isturbo nanaman pala ako. Sige, bukas na lang.” “Elise…” nagpatuloy na lumakad ang dalaga at linagpasan lang si Ahliya. Galit akong napatingin sa papalapit na babae at hindi maitago ang pagka-disgusto ko dito. “Kaito! Kumusta ka na?!” masayang bati nito sa akin sabay nagtangkang humalik sa pisngi ko pero umiwas ako dito. “Kaito, aren’t you happy to see me? I miss you so much.” “Cut the crap, Ahliya. What the hell are you doing here?” galit kong tanong dito. “Wag ka namang magalit sa akin. Look, may pinag-samahan naman tayo diba? Alam ko na linuko kita noon pero noong iniwan kita sobra akong nagsisi. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na sana hindi na lang kita iniwan.” Pinaningkitan niya ito ng kanyang mga mata. “That was five years ago Ahliya. Kung ano man ang pinag-samahan natin matagal ko nang kinalimutan iyon. You black mailed me before and then left taking away 10 million of my money. Magpa-salamat ka pa nga dahil hindi na kita pinahanap sa mga pulis.” “Kaya nga nagsisisi ako eh. Iyong 10 million kung gusto mo ibabalik ko iyon sa iyo. Please, just give me a second chance.” “I promised myself na hindi na ako maniniwala sa iyo. Why should I believe you now?” “Dahil dala ko na iyong sampung million diyan sa kotse at ibabalik ko sa iyo iyon.” He scoffs, “I don’t care kahit may pang-bayad ka pa o wala. I don’t want you in my life. Now, leave me alone kung ayaw mong tumawag ako ng pulis. Take your money and leave.” Tinalikuran ko ito at papasok na sana sa bahay ko nang may sinabi ito na ikinagulat ko. “Her name is Elise Mendoza, isn’t it?” napatigil ako at humarap sa kanya. “Now, I already have your attention. Guess you like her, huh?” “Paano mo nalaman ang bagay na iyan?” Nanatiling tahimik ito at hindi ito sumasagot. “Answer me!” “Elise Mendoza, 28 years of age. Marital Status: Single. Citizenship: Filipino. She finished the course photography. She’s living with her parents, but she is having her vacation at her grandmother’s house. She’s currently working with her friends at a studio owned by her friend, Quinzel Perez-Simmons.” Ngumit ito sa akin na nang-aasar. Hinid ko mapigilan ang galit ko sa dalaga at sinugod ito sabay hinawakan ang dalawang braso nito sabay yinugyog ito. “Why do you know her huh? Tell me! Tell me! Damn it!” Kumawala ito sa akin. “Tignan mo ang sarili mo Kaito. You were never like that before. Is she that important to you na hindi mo mapigilan ang galit mo? I know her alright. Ano naman sa iyo? Isa pa, bakit ko naman sasabihin sa iyo kung bakit ko siya kilala?” “I knew it. Sinasabi ko na nga ba may iba kang pakay kung bakit ka nandito. Anong balak mong gawin sa kanya?” She grins at me. “Kaito, Kaito, Kaito you never really learn, do you? You know, dapat pinapulis mo na lang ako while you had the chance. Well, I just came here to see her for myself. That girl has a lot to pay to someone. It doesn’t involve any money kaya kung binabalak mong bayaran ang utang niya, don’t bother. While looking for her nalaman ko na may kapit-bahay pala siyang nagngangalang Kaito Tan. I thought it was a different guy. It’s such a small world huh? Ikaw pala ang taong iyon. Anyway,since alam ko kung nasaan siya, I’ll take my leave.” Nagsimula itong lumakad paalis pero sinundan ko ito dahil hindi malinaw ang hangarin ng babaeng ito. Bakit niya hinahanap ito? Anong pakay niya kay Elise? “Sandali!” “Oh!” humarap ito sa akin at may hawak na itong b***l at nakatutok ito sa akin. “Don’t follow me kung ayaw mong mapunta sa hospital or worst sementeryo.” Napatigil ako at hindi maka-paniwala sa aking nakikita. She’s holding a g*n as she rides her car and drove away. Nakatayo lang ako na parang estatwa at hindi maka-galaw. Hindi dahil sa takot kundi dahil maaaring nasa kapahamakan si Elise. Anong pwede kong gawin para ma-protektahan ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD