Kinaumagahan ay maagang nagising ako at ang nakakatuwa may ngiti sa aking mga labi. Hindi ko alam pero excited ako ulit na makasalamuha ang dalaga. Kahapon ay punong-puno ng tawanan ang bahay nila Mrs. Mendoza dahil sa kadaldalan ni Elise. Para tuloy silang may alaga na bata dahil sa kakulitan nito. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ulit ako ng kasiyahan at ginaganahan na akong gumising. Pero mas lalo naman akong tinamad na pumasok sa trabaho. Natawa na lang ako sa naisip at napailing sa sarili.
Tulad ng dati ay magjo-jogging ako ulit, pero bago pa man din ako makalabas ng bahay ay may sunod-sunod na pagkatok sa pintuan ko. Pagbukas ko ay nahigit ko ang aking hininga dahil sa harapan ko ay tumambad si Elise na nakasuot lang ng sports b*a at maikling shorts. Naka sombrero pa ito at nakatali ang mahabang buhok nito. Napalunok na lang ako at pakiramdam ko nanigas itong alaga ko na natatakpan lamang ng manipis na tela.
"Good morning, Kaito! Sabi ni lola mahilig ka daw magjogging kaya inutusan niya akong pumunta dito para sunduin ka. Kaso pinagalitan niya pa ako dahil sa suot ko. May mali ba sa suot ko Kaito?" Maramimg mali gusto kong sabihin kasi naninigas na ang alaga ko ngayon.
"Uhm w-wala naman...pero hindi kaya masyadong maiksi iyang shorts mo? Baka pagpantasyahan ka ng mga kalalakihan na makakakita sayo."
"Sabi naman ni lola safe dito at saka isa pa hindi naman tayo lalabas ng subdivision para magjogging diba?" Tumango na lang siya. Pumalakpak pa ang dalaga at hinila na akong lumabas para magjogging na kami. Sasabihin niya sana dito na hindi ako sanay ng may kasamang magjogging. Knowing Elise though, nakikita ko sa dalaga na ito ang klase ng babae na hindi marunong sa salitang ‘Hindi.’ Nagpahila na lang ako sa dalaga habang masaya itong nagsimulang magjogging.
“Ang ganda pala talaga dito sa subdivision. Noong huli akong pumunta dito wala pa masyadong mga bahay dito. Kung sabagay maliit pa lang ako noong huli akong pumunta dito. Ikaw ba Kaito matagal ka na dito?” tanong nito sa akin.
“Dito na ako nanirahan simula ng mawalan ako ng pamilya.”
“Pasensya na.” hinging paumanhin ng dalaga.
“Wala iyon. Matagal na din iyon kaya hindi ko na rin masyadong inaaalala.”
“Hmmm…pwede ko bang tanungin kung anong nangyari sa mga magulang mo? Kung hindi, okay din lang naman.”
“Sabihin na lang natin na namatay sila sa isang aksidente noon. I think I was 20 years old at that time. Graduating ako noon sa college. Pauwi sila galing sa isang business meeting sa ibang bansa. Iyong eroplano na sinakyan nila ay hindi pala gumagana ng maayos ang makina nito. During the take off of the airplane ay biglang sumabog ang eroplano killing all the people inside. Ang masakit pa noon, hindi ko man lang nalaman agad na ganoon na pala ang kinahinatnan nila. Nalaman ko na lang na wala na silang buhay after 3 days.”
“I’m sorry to hear about that Kaito. Sana hindi mo na lang sinabi sa akin baka naalala mo nanaman ang nakaraan mo.” Nakita ko ang sincere na paghingi nito ng tawad.
“It’s okay. Mas maganda kung sinasabi ko din ito to other people from time to time. Mas madaling mawala ang sakit.”
“Pasensya ka na talaga at tinanong ko pa.” ngumiti ako sakanya. “Bilib din ako kasi nakaya mo ang mabuhay ng mag-isa.”
“Thank you, all of my relatives before nasa ibang bansa kaya dumadalaw lang sila sa akin paminsan-minsan. Buti na lang at may naiwan na ipon ang mga magulang ko. Iyon ang ginamit ko para ipatayo ang Telecommunications ko.”
“Oo nga ang sikat na ng business mo.”
“Oo nga, but lately, tinatamad akong pumasok.” Natawa pa ako sa sinabi ko.
“Ha? Bakit ka naman tatamarin? Kung nanggaling ang puhunan mo sa mga magulang mo diba dapat lang na magsipag ka pa?” takang tanong ni Elise sa akin at napatakip sa kanyang bibig nang marealise nito ang huling tanong. “Hala! Pasensya ka na. Baka sabihin mo ang pakialamera ko. Sorry naman.”
“Wala iyon. I’m thankful to my parents for leaving a lot of money for my future. Habang buhay kong tatanawin iyon ng utang na loob iyon sa kanila. The main reason lang naman kung bakit hindi ako pumapasok ay dahil naghahanap ako ng excitement sa buhay ko.”
Kunot noo itong napatingin sa akin. “Gaya naman ng ano?”
“Hmmmm…hindi ko rin alam eh.”
“Hmmm…okay. Tutulungan kitang hanapin iyong excitement na sinasabi mo. Kapag nahanap mo iyon libre mo ako ng Mcdonalds at sisig ha?”
Tumawa ito sa tinuran ko. “Bakit ka naman tumatawa diyan? Seryoso ako uy!”
“Pasensya ka na. Nakakatuwa ka kasing kasama. Hindi ko pa napansin na malayo na din pala ang natakbo natin.”
Tumingin ito sa kanilang paligid. “Oo nga! Nawili lang ako sa kwento mo.”
“Good to be of service. Masaya din pala ang may kasamang magjogging paminsan-minsan.”
“Hindi ka ba nagjojogging ng may kasama?”
“Sa totoo niyan ayokong may kasama na nagjojogging.”
“OMG! Pasensya ka na talaga. Basta na lang kitang hinila kanina. Hindi naman kasi sinabi ni lola sa akin ang bagay na iyon. Ikaw naman kasi hindi mo man lang ako ininform. Napapahiya tuloy ako dito. Ang sama-sama mo!” she rolled her eyes at him at kinagat ang kanyang ibabang labi na parang batang galit sa isang matanda.
“Sa totoo niyan nae-entertain ako. First time kong maenjoy ng husto ang pagjo-jogging dahil sa iyo. I must say it’s an unforgettable experience for me.”
“Ginawa mo pa akong clown mo.” Sumimangot ito at naglakad palayo. Napailing ako dahil para talaga siyang may kasamang bata.
Ngunit sa buong pagjojogging namin ay hindi man lang ako nilubayan ng init ng katawan. Kahit may pagka-isip bata ang dalaga ay hindi maitatago dito na maganda ang hubog ng katawan nito. Nakasunod lang ako sa dalaga at hindi ko maiwasang mapadako ang tingin ko sa pwet nitong tumatalbog kapag tumatakbo ito. Hindi tuloy ako makatakbo ng maayos dahil dito.
Napapamura na lang ako sa isip ko. Kaya ayaw kong may kasamang nagjo-jogging lalo na kung babae lalo at may nakahain na masarap na putahe sa harapan ko. Nasa kalagitnaan sila ng pagjo-jogging pabalik nang tumigil ang dalaga dahilan para mabunggo ako dito.
"Ay! Sorry Kaito!" Nang humarap ang dalaga ay pawisan na ito at hindi ko alam pero mas lalong gumanda ang dalaga at naglalaro sa isip ko ang pawisang dalaga na nasa ilalim ko. f**k! Hindi ito healthy sa akin. Itinuro nito ang convenience store at nagtaka siya sabay tingin sa dalaga.
"Kaito gusto ko ng lollipop. May lollipop naman silang tinda diba?" Hindi ako makapaniwala sa gusto ng dalaga. Gusto niya daw ng lollipop? Gusto niyang matawa pero pinipigilan niya dahil baka sumimangot nanaman ito.
"Lollipop? Iyon ang gusto mo?" Tumango ang dalaga.
"Kaso wala akong dalang pera. Pwedeng hiramin ko iyong piso mo? Babayaran ko mamaya promise." Napangiti na lang ako. She’s unusually cute. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Pero isa lang ang alam ko, masaya ako na kasama ko ang dalaga kahit natitigasan ako.
"Bakit hindi ka na lang bumili ng isang supot? Libre ko na." lumaki ang mga mata nito at masayang tumalon.
"Sigurado ka? Promise?" Tumango naman ako dito. Pumalakpak ulit ito at nagtatatalon pa. Pumasok na kami ng store at bumili siya ng isang supot ng lollipop. Masaya ako na nakikita kong masaya ang dalaga, napaka-babaw ng kaligayahan nito pero pati ako nahahawa. Imbes na magjogging pa kami pabalik ay naglakad na lamang kami.
"Thank you sa libre ha? Paano ba ako makakabawi sayo?" Tanong nito habang binabalatan yung isang lollipop.
"Hindi na kailangan."
"Ha? Kailangan makabawi ako. Piso lang naman ang uutangin ko sana kaso linibre mo pa iyong isang supot. Gusto kong bumawi sayo." Pamimilit nito. Ako naman ay napaisip agad at natuwa dahil pagkakataon ko na ito.
"If you insist. Madali lang naman akong kausap. Hanggang kailan ka ba mag-istay sa lola mo?"
"Hmmm...dalawang buwan. Bakasyon kasi kaya pati ako nakikibakasyon na din."
“Buti pinayagan ka ng asawa ni Aeros na magbakasyon?”
“Naku, dapat lang ano. Pagkatapos ng pinag daanan ng dalawang iyon tapos dinamay pa kami ni Abby dapat lang na makapag-bakasyon ako. Isa pa mabait naman si Frenny kaya okay lang.”
“I see. I actually heard it from Jethro kaso hindi na ako nakapunta kasi last minute nila akong tinawagan kaya nakapasyal na lang ako noong nasa hospital na si Aeros.”
“Oo nga. Buti na lang talaga nahuli na iyong sindikatong iyon. Anyway, tungkol sa binili mong lollipop, paano ako makakabawi sayo.”
"Since gusto mong makabawi sa akin may hihingin sana akong pabor sayo."
“Sige ano iyon?”
“Simple lang naman. Pwede bang sabayan mo na akong magjogging every day. I really enjoyed your company. Since dito ka naman ng dalawang buwan, samahan mo na ako.”
"Iyon lang ang gusto mo? Ayaw mo akong maging katulong mo?"
"No, sa ganda mong iyan hindi bagay sayo ang maging katulong sa bahay ko."
"Ayiee! So, I’m beautiful pala natutuwa naman ako. Ang gwapo mo din pero mas gusto ko pa rin talaga iyong mga mata mo."
“Oo. Ayaw mo ba?” umiling ito
“Syempre gusto ko ano! Ngayon lang kita makikilala ng husto. Saka chance ko na ito para naman makita ko palagi iyong mga singkit mong mata.”
“Talagang mahilig ka sa singkit ah.”
“Oo naman. Maganda kasing tignan ‘pag singkit. Ang unique kasi pag singkit nakakadagdag ganda o gwapo lang talaga. Kung pwede nga akong humiling sa genie ng three wishes, iyong singkit talaga na mata ko hihilingin ko. Swerte mo nga eh singkit ka.”
“Well, I never gave attention to my eyes before, not until now. I’m starting to like it because of you.” Nakita niya itong namula na lalong ikinabagay ng dalaga sa puti nitong kutis. Nginitian niya si Elise at ngayon niya lang napansin na mas lalo itong gumaganda kapag tumatagal.
"Kaito may girlfriend ka na ba?" Biglang tanong nito sa akin.
"Wala. Sa maniwala ka at hindi simula noong namulat ako sap ag-ibig, wala akong naging gf. I had a girlfriend before, but that was 5 years ago. May trabaho na ako noon, and my business is at its peak. Though, hindi ko masabi na relasyon talaga iyon dahil parang napilitan lang talaga ako." Pinanlakihan niya ito ng kanyang mga mata.
"Bakit naman? Ano bang nangyari?" Wala pa naman sa isip ko ang pakikipag-relasyon lalo noong mawala ang mga mgulang ko. Isa pa, hindi ko nagustuhan noon ang naging labas ng relasyon ko noong nasubukan ko ito. Kung matatawag nga bang relasyon iyon.
"Well, let’s just say na pinerahan at blinackmail ako noon. She didn’t really love me. Gusto niya lang iyong pera ko kaya napilitan ako. Kaya simula noon hindi na muna ako nagka-interes sa ganyan." Kita ko sa mukha ng dalaga ang awa pero it’s more on the angry side.
"Hindi kita masisisi kung iyan ang desisyon mo. Pero sana ‘wag mong lahatin. Mahirap kapag tumanda kang walang kasama sa buhay. Isa pa hindi naman lahat ng love story ay pare-parehas. Oo may mga problema talaga na haharapin, hindi na maiiwasan iyon pero nasa inyong dalawa kung paano niyo ihahandle iyon."
Nginitian ko lang ang dalaga. Sana kung ganun ang utak meron ang iba pero takot akong sumubok. Kaya nga hanggang fling lang ako, kapag nagpapakita na iyong babae ng motibo ay ako na ang umiiwas.
"Tara balik na tayo. Nagugutom na ako." Yaya ko sa dalaga
"Ako din. Pwede ba akong mag almusal sa bahay niyo?"
"Sige ba." Sabay na kaming umuwi at hindi na ulit pinag-usapan pa ang tungkol sa pag-ibig.