Chapter 1
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Naisip kong nakaka-sawa nang gumising sa araw-araw na pare-parehas din lang ang nangyayari. Papasok sa trabaho, maraming pipirmahang papeles, mga customers na makikipag meeting sa akin. Ganoon at ganoon lang palagi ang nangyayari kaya walang thrill. Nasubukan ko na din yata lahat ng pwedeng activities para lang mawala ang pagka-buryong ko, pero ganoon pa rin ang resulta.
Nagpalit ako sa aking jogging pants at hindi nagsuot ng damit pang itaas. Ugali ko na iyon tuwing umaga at magjo-jogging ako sa buong subdivision. Sanay na akong pinagpapantasyahan ng mga kababaihan kapag napapadaan ako. Wala naman akong paki-alam dito at hinahayaan lang ito.
Bago tumakbo ay nakita ko ang aking kapit bahay na si Mrs. Mendoza na nagdidilig ng kanyang mga halaman. Kahit matanda na ay may angking kagandahan pa rin ito.
"Ohayou Gozaimasu Mrs. Mendoza!" (Good morning)
"Oh, iho. Magandang umaga. Magjo-jogging ka ulit?" Napatingin sa kanya ang matanda na may hawak na host ng tubig.
"Oho. Kayo ho baka gusto niyo hong sumabay sa akin." Pilyong sabi ko sabay ngumiti pa.
"Naku! Ikaw talagang bata ka pinaglololoko mo nanaman ako. Hindi na ako makatakbo dahil sa edad kong ito.”
“Bakit ho? Ilang taon na po ba kayo?”
“Huwag mo nang tanungin at hindi ko rin lang sasabihin kahit pilitin mo ako.” tumawa lang ako sa sinabi ng aking kapitbahay. “Alam ko na kapag nagbakasyon ang apo ko dito ipapakilala ko siya sayo. Mahilig ding magjogging iyon. Sigurado ako magkaka-sundo kayo."
Tumango lang ako sa matanda. Ang totoo hindi ako sanay na may kasabay tuwing tatakbo. I would rather do it alone. Weird na kung weird pero naiinis ako kapag may sumasabay sa akin at hindi na yata mababago iyon. Kahit mga kaibigan ko ay alam ang ganoong ugali ko.
“Sana nga ho. Mauna na ho ako Mrs. Mendoza.” Paalam niya dito
“Sige.”
Nagsimula na akong tumakbo sa subdivision at tulad ng dati ay may mga kababaihang nagpapapansin sa akin. Kilala ko na ang iba sa kanila dahil mukhang inaabangan talaga ako ng mga ito. Ang iba ay talagang lumalapit sa akin at nagtatangka pang sumabay. Hindi ko naman masabi sa mga ito na gusto ko lang ang mag-isa. Kaya naman binibilisan ko na lang ang pagtakbo. Habang tumatakbo ay nag ring ang cellphone ko at gamit ang nakakakabit na bluetooth earpiece sa tenga ko pinindot ko iyon para saguting ang tawag.
"Kaito speaking..."
"Good morning sir! Sir ipapaalala ko lang po iyong lunch meeting niyo kay Mr. Wong."
"Yes, I’m aware of that Mark. Cancel it hindi ako makaka-pasok ngayon."
"Copy sir. Paano po iyong dinner niyo sa anak ni Mr. Domingo? Ikakansel niyo din po ba iyon?"
"Yes, lahat ng meetings ko ngayon, dinner o kahit ano pa iyan cancel it. I will not come to work today." Tumawa lang ang sekretaryo ko sa kabilang linya.
"Let me guess sir. Tinatamad nanaman kayong pumasok?"
Napabuntong hininga na lang ako. Kilalang-kilala na ako ng sekretaryo ko. Okay lang naman na hindi ako pumasok. Hindi naman ako mamumulubi kung hindi ako papasok kahit isang taon. Tinatamad lang talaga ako dahil nawawalan ako ng mood, wala kasing thrill sa buhay ko ngayon. Hindi katulad noon na ginaganahan pa ako. Kung pwede nga lang sanang hindi pumasok ng isang taon gagawin ko pero baka naman biglang mag back-out ang mga investors ko.
Tumigil ako saglit para uminom ng tubig at nagpa-alam sa tawag. Dumaan muna ako ng convenience store at bumili ng maluluto. Kahit mayaman ako ay magaling ako sa mga gawaing bahay lalo na ang pagluluto. Iyon ang past time ko kapag bored. Simula kasi ng mawalan ako ng mga magulang ay natuto akong tumayo sa mga sarili kong paa. Ngayon ako na ang isa sa pinaka-mayaman at pinaka-batang binata na nagmamay-ari ng isang Telecommunications.
Pagkatapos kong bumili ay tumakbo ako pabalik sa bahay ko ng napansin ko ang taxi na tumigil sa harapan ng gate nila Mrs. Mendoza. Maya-maya pa ay lumabas doon ang isang babaeng nakashorts. Hindi ko makita ito dahil nakatalikod ito, pero malayo pa lang ay napansin ko na ang makikinis nitong mga binti at matambok na pwet. Balingkinitan ang baywang at may kahabaan ang buhok na itim na itim.
Linabas nito ang malaking trolley bag na hindi niya mabuhat palabas ng taxi. Napailing na lang ako at lumapit sa babae para tulungan ito.
"Here let me help you miss." Napatingin sakanya ang babae at ganoon din ako. Nagkagulatan pa silang dalawa.
"Kaito?" sabi ng babae sa akin
"Elise?" Napangiti pa sakanya ang dalaga.
"Kuya keep the change na lang kahit hindi niyo ako tinulungang magbuhat ng mga bag ko. Pangkain mo na lang para lalo ka pang lumusog." Natawa pa ako sa tinuran nito sa taxi driver bago ito nag drive paalis.
"Dapat nagbigay ka na din ng pagkain sakanya baka sakaling tinulungan ka niya." Suhestiyon ko dito.
"Hmp...alam mo ang tatamad na kasi ng mga driver ngayon. Di tulad noon na may dala ka lang na bag na maliit tutulungan kang isakay iyon. Ngayon kahit siguro sako ng bigas ang makita nilang dala mo hindi pa sila bababa kungdi mo sila bibigyan ng tip. Kaya ang daming nabubuntis ng taba ngayon eh." Umiling-iling lang ako sa tinuran ng dalaga.
"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa dalaga.
"Binibisita ko iyong lola ko. Mag-isa na lang kasi siyang namumuhay dito. Ayaw naman kasi niya na tumira sa Ilocos kung saan siya lumaki kasi mainit daw. Alam mo iyong lola ko nagiinarte pa eh taga doon naman siya. Ikaw ba? Anong ginagawa mo dito?"
“Dito ako nakatira sa subdivision na ito. Tahimik kasi at saka pala kaibigan ang mga tao dito. Hindi rin ako masyadong dinidisturbo ng media dito dahil mahigpit ang security.”
Napansin ko sa dalaga na natural na bibo, madaldal at masayahin ang dalaga. Hindi ko ito napansin noong pumunta kami para kilalanin ang kasintahan ni Aeros, dahil na din sa mga makukulit niyang kaibigan. Ewan niya ba pero natutuwa siya dito.
Nang hihilain ni Elise ang trolly bag niya ay ako na din ang nagprisinta na magbuhat nito. “Ako na. Ihahatid na lang kita sainyo.”
“Salamat ha? Saka wag kang mag-alala nakikita ko lalo iyong mga biceps at triceps mo.” Prangka din ito at hindi pakipot.
"Sino ba iyong lola mo?" tanong ko sa dalaga. Sasagot na sana ito nang marinig niya si Mrs. Mendoza.
"Elise apo. Kanina ka pa ba dumating?" labas ng matanda sa kanyang gate at lumapit sakanila
"Lola!!" Tili nito sabay tumakbo palapit sa matanda at niyakap ito. "Hi beautiful kong lola! Kumusta ka na po? Namimiss ka na po namin nila papa."
"Naku! Itong batang ito napaka-lambing. Ikaw naman kasi apo hindi mo man lang sinabi na ngayon ka pala dadating. Di sana pinagluto kita ng paborito mong sisig." Napansin ako ng matanda at nginitian. "Ay! Nagkakilala na ba kayo ni Kaito iha? Siya ang kapit-bahay ko."
"Ay, opo lola. Kilala ko siya kasi kaibigan siya ng asawa ni Quinzel, iyong best friend ko lola.”
“Talaga? Ang liit pala talaga ng mundo.”
“Siya iyong sinasabi mo sa akin na gwapo sa telepono lola?" Tumingin ang dalaga sa akin at kumindat pa na ikinangiti ko naman.
"Bakit? Gwapo naman talaga ang batang ito. Kaito baka gusto mo munang pumasok sa amin para may maka-usap itong apo ko. Kung di mo kasi natatanong mahilig sa mga singkit itong si Elise." Yaya nito sa akin.
“Uy lola ha? Ang chismosa mo." Sumimangot pa siya na parang bata. Hindi ko alam pero natutuwa talaga ako sa dalaga.
"Tara na nga sa loob. Kaito pagpasensyahan mo na si lola. Pero totoo mahilig ako sa singkit. Cute kasi para sa akin iyon kasi pinangarap kung maging singkit, kaso hindi ako pinalad. Itong si lola kasi di man lang nag-asawa ng singkit para nalahian ako. Kaito palit tayo ng mga mata o kaya lahian mo na lang ako para di sayang iyong mga mata mo."
"Ay! Itong batang ito kung anu-anong sinasabi mo. Anong lahian ang pinagsasabi mo aber? Kukurutin kita sa singit Elise ha?" sita nito sa kanyang apo
"Lola naman...Joke lang naman iyon." nagpapadyak pa siya na parang bata.
“Naku, naku. ‘Wag kang nagjo-joke ng ganyan. Siguro kay Kaito ay okay lang sakanya, pero kapag sa iba mo sinabi baka seryosohin nila.” Lumabi ang dalaga at sumunod na lang sa lola nito papasok sakanilang bahay.
Natawa na lang ako sa inaasal ng dalaga. Napaka-cute nitong magsalita na para tuloy nakikipag-usap ang lola nito sa limang taong gulang na bata. Hindi ko alam pero bigla akong nabuhayan nung araw na iyon at gusto ko pang makilala ng husto ang dalaga. Pakiramdam ko magiging exciting ngaong nandito na ang dalaga.