Kararating ko lang sa opisina ko at agad akong sinalubong ng gabundok na papeles na kailangang pirmahan. Hindi dapat ako papasok ngayon. Wala akong tulog simula nang makita ko ulit si Ahliya. Paulit-ulit na nagreplay sa utak ko ang nangyari kagabi. Kanino ako pwedeng humingi ng tulong? Hindi ako pwedeng manahimik na lang ng walang ginagawa. Lalo na at medyo napapalapit na ako sa dalaga at matagal ko na ding kaibigan ang lola nito na si Mrs. Mendoza. Pinisil ko ang intercom na didiretso sa sekretary ko. "Mark what’s my schedule today?" "Good morning Sir! Bale sa ngayon wala naman pong naka-plot. Marami ka lang kailangang pirmahan. Siya nga pala sir may nagpadala ng chocolates sa inyo kanina." "Chocolates? From who?" "Hindi po naka-lagay dito. Uy, sir may admirer ka na. Ipakilala mo sa a