HINILA ako ni Nana palabas ng kusina. Dinala niya 'ko sa likod ng mansyon. Luminga muna siya sa paligid bago humarap sa akin.
"Kanino mo narinig 'yan?" nagtataka niyang tanong.
"Bakit nana, may problema ba? Sino ba si Bianca?" tanong ko ulit. Sumenyas siya sa akin na 'wag maingay. Nagtaka naman ako sa kinikilos niya. Kinakabahan siya at hindi mapakali.
"'Wag na 'wag mong babanggitin ang pangalan na 'yan dito, lalo na kapag nandito sa mansyon si sir William," bulong niya. Nagtataka ko siyang tiningnan.
"Bakit? 'E, sa kanya ko nga narinig ang pangalan na 'yon? Dahil kay Bianca kaya naging gan'on ang posisyon namin kanina," paliwanag ko.
Nagulat si nana sa narinig. Hindi ko tuloy siya maintindihan. Natatakot ba siya o nag-aalala?
"Sundin mo na lang ang inutos ko sa'yo. Wala ako sa posisyon para ikwento 'yon sa'yo. Mas magandang si ma'am Thelma na lang ang tanongin mo." mahigpit niyang bilin.
"Tara na sa loob," aya niya at nauna na siyang pumasok sa loob. Nagtataka man ay sumunod na rin ako sa kanya.
Maghapong hindi nawala sa isipan ko si Bianca. Sino ba talaga siya? Kagabi ko lang nakitang gaanon kabait si sir William. Ni hindi niya ako sininghalan o pinagsalitaan ng masasakit ng salita sa pag-aakalang ako si Bianca. Marahil ay dala iyon ng sobra niyang kalasingan. 'Pag nagkita kami ni Mama Thelma ay tatanungin ko siya.
MABILIS na lumipas ang araw at buwan. Ito na ang ika-pitong buwan naming kasal ni sir William, pero hanggang ngayon ay gan'on pa rin ang pakikitungo niya sa akin... kasing lamig pa rin iyon ng yelo. Pero malaki ang pinagbago niya simula nang mangyari iyong gabi na lasing siya. Nabawasan na ang pagsinghal niya sa akin. Hindi ko na rin narinig na tinawag niya akong b***h sa tuwing magkakasalubong kami. Gustuhin ko man siyang kausapin ay pinangungunahan ako ng takot. Ilang beses ko siyang tinangkang kausapin ngunit nauuwi lang sa pag-atras.
Napalingon ako sa pinto ng kusina nang may tumawag sa akin.
"Kristelle!"
Pamilyar ang boses na iyon. Tinanggal ko ang apron sa aking katawan at lumabas na ng kusina upang tingnan kung sino ang taong tumawag sa 'kin. Gay'on na lamang ang saya na naramdaman ko nang makita ko si ate. Tinakbo ko siya at sinalubong ng yakap.
"Na-miss kita ate," naiiyak kong wika. Hindi ko na napigilan ang sarili sa pag-iyak. Magmula kasi n'ong ikasal ako'y hindi ko na siya nakita pa ulit. Binawalan kasi ako noon ni Sir William na lumabas ng mansyon dahil na rin sa mga tsimosa sa labas.
"Mas na-miss kita, sis. Kumusta ka naman dito? Hindi ka naman ba sinasaktan ng gwapo mong asawa?" tanong niya. Natawa ako sa sinabi niyang 'gwapong asawa'. Iyon na kasi ang tawag niya kay sir William simula nang ikasal kami.
"Okay naman ako dito, ate. At saka tatlong buwan na lang naman ang hihintayin ko at p'wede na kaming mag-file ng annulment," ani ko sa malungkot na tinig. Nakaramdam ako ng biglaang kalungkutan, dahil sa isang taon ay hindi man lang kami naging malapit sa isa't-isa. Kahit sana'y nagturingan na lang kami bilang magkaibigan para kahit paano naman ay may babaunin akong magandang ala-ala sa kanya.
"Ohh, bakit malungkot ka yata? Nalulungkot ka ba dahil malapit na kayong magkahiwalay?"
"Oo. nalulungkot ako dahil hindi man lang kami naging magkaibigan."
Malalim na buntong hininga ang ginawa ni ate at saka ako inakbayan. Inaya niya ako sa garden dito rin sa loob ng mansyon nila Sir William. Kung minsan ay dito ako tumatambay dahil sa fresh na hangin.
"Teka... kailan ka bumalik galing Manila?"
"Kahapon lang," matamlay niyang sagot.
"Bakit ganyan ang itsura mo? Hindi ba masaya d'on?"
"Masaya naman, pero s'yempre mas masaya kung kasama kita."
Napa-ngiti ako sa sinabi niya. Kahit ako siguro ay malulungkot doon mag-isa.
"Ang sweet naman ng ate ko," kantyaw ko sa kanya. Inakbayan niya ako at pumasok na ulit kami sa loob, naglakad kami patungo sa kusina. Habang naglalakad ay nililibot ni Ate ang mga mata niya sa buong kabahayan.
"Infairness ang ganda ng bahay niyo, ah!" puri niya.
"Maganda nga, malungkot naman."
"Okay lang 'yan, sis. Mas panatag pa ako na nandito ka sa poder ng gwapo mong asawa kaysa naman sa bahay kasama mo sila nanay. Mas safe ka dito, sis."
Saglit akong napa-isip. May point naman si ate. Dito kahit na hindi ako tinuturing na asawa ni Sir William ay hindi naman niya ako sinasaktan ng pisikal. 'Di gaya kina nanay na halos araw-araw ay nakakatikim ako.
"May makakain ba kayo dito?"
"Meron, ate... k-kaso..." Naalala ko na bawal pala akong kumuha ng kahit na ano'ng pagkain mula sa ref. Mahigpit na bilin iyon ng asawa kong hilaw.
"Kaso?"
"Kay, W-William kasi 'yon ate. Tara bumuli na lang tayo sa palengke," aya ko kay ate ngunit hindi siya nakinig sa akin. Pumunta siya sa ref at binuksan iyon. Dinig ko ang pagsinghap niya dahil sa dami ng pagkain doon. Hindi niya alam ang buong kalagayan ko dito. 'Di niya alam na bawal akong kumain ng mga pagkain ni Sir William at hindi niya rin alam na sa maid's room ako natutulog. Kinabahan ako nang tingnan ako ni ate ng masama. Pinaningkitan niya ako ng mga mata.
"A-Ate... k-kasi.."
"Magsabi ka ng totoo, Kristelle. Hindi ka ba pinapakain ng asawa mo?" tanong ni Ate. Galit na ang kanyang tinig. Hindi ko malaman kung saan ako titingin. Hindi ko kayang titigan ang mga mata ni Ate.
"Kristelle!"
Mariin akong pumikit at sunod-sunod na tumango.
"Walang'yang lalaki 'yan! Nasaan na ba siya?"
"I'm here!"
Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni sir William. Mabilis akong lumingon sa kanya.
"Oh, nandito na pala ang magaling mong asawa."
"Ate," pigil ko sa kanya. Ayoko na kasi ng gulo pa sa aming dalawa ni Sir William. Pagkain lang naman iyon.
"No, Kristelle. Kailangan malaman ng lalaking 'to, na mali ang ginagawa niya sa'yo!" galit na sambit ni Ate habang nakatingin kay William. Tahimik lang si William na nakatayo sa hamba ng pintuan. Masyado pang maaga sa pag-uwi niya.
"Okay ang ako, ate. Please, 'wag mo ng palakihin." pagmakaawa ko.
"Okay lang sa'yo ang hindi kumain? Kaya pala mas pumayat ka ngayon," aniya at sinuri pa ang aking katawan. Muli kong sinulyapan si William na ngayon ay nakatingin na rin sa aking katawan. Nakaramdam ako bigla ng hiya. Hinila ko na si ate palabas ng kusina. Hindi naman na nagmatigas pa si ate.
"Hays, nakakainis talaga 'yang asawa mong hilaw!" iritado niyang sabi.
"Hayaan mo na ate. Mababait naman 'yong mga katulong dito lalo na si nana." wika ko sa kanya. Nginitian ko siya at niyakap.
"Bumalik ka na lang dito bukas, ate."
"Akala ko pa naman makaka-bonding kita ngayon. Babalik na lang ako dito bukas at magdadala ako ng grocery. ..para sa'yo." Mas diniinan niya pa ang huli niyang sinabi at lumingon pa siya sa kusina.
"Mag-iingat ka, ate!" paalam ko sa kanya. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot. Akala ko rin ay makakapag-bonding kami ni Ate ngayon.
Bakit naman kasi ang aga niyang umuwi?
"Ohh, bakit umuwi na ang ate mo?" tanong ni Nana na kakauwi lang mula sa palengke.
Lumingon ako sa kusina bago sinagot si nana. "Nandito na kasi si sir William," bulong ko.
Natampal ni Nana ang noo niya. "Ayy, oo nga pala! Hindi ko ba nasabi sa'yo na maaga ang uwi niya ngayon?" Umiling ako.
"Pasensya ka na. Tara na sa loob, siguradong gutom na 'yon."
Sumunod na rin ako kay nana sa kusina. Hawak ko ang aking kamay at nakayuko habang naglalakad.
"Iho, pasenysa ka na. Hindi ko kasi nabanggit kay Kristelle na maaaga ang uwi mo ngayon kaya hindi pa siya nakapag-luto."
"Ano 'pang tinatayo-tayo mo d'yan? itimpla mo na ako ng kape!"
Nag-angat ako ng tingin sa kanya sa pag-aakalang si nana ang sinasabihan niya. Ngunit ako pala. Nakatingin na siya sa akin ngayon ng masama. Mabilis akong humakbang upang kumuha cup. Mabuti na ang ay nakagawa na ako ng kape sa coffee maker kanina at iinitin ko na lang iyon. Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa sobrang kaba. Baka akalain niya na nagsumbong ako sa kay ate.
"Nana, leave us alone first. We have something to talk to," utos niya kay nana. Lumingon ako kay nana. Tipid siyang ngumiti sa akin at iniwan na kami dito sa kusina. Dahan-dahan kong isinalin ang kape sa cup at dahan-dahan rin akong humakbang sa pag-aalalang matapon ko 'yon dahil na rin sa panginginig ng aking kamay.
"Talagang nagawa mo pang magsumbong sa ate mo, huh?" sarkastiko niyang sabi.
Mariin akong pumikit. Ito na nga ba ang sinasabi ko.
"P-Pasensya ka na kay, ate. May pagka-pakielamera kasi 'yon, lalo na sa pagkain," peke akong tumawa habang sinasambit ko iyon. Napaatras ako ng bigla siyang tumingala.
"Tsk! Here." Inabot niya sa akin ang brown envelope na ngayon ko lang napansin. Sa sobrang takot ko kanina'y hindi ko nakita na dala niya 'to. Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang laman niyon. Lumaki ang mga mata ko ng tumambad sa akin ang nakasulat sa papel.
"A-Annulment?"
"Yes. Three months from now ay matatapos na ang kontrata natin sa kasal. Since our wedding is not fake, we'll do the process."
Gan'on na ba siya kasabik na hiwalayan ako? Muli kong tinitigan ang papel. Parang sinaksak ng milyon-milyong kutsilyo ang puso ko nang makita ko ang pirma niya sa ibabaw ng pangalan niya. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Pinigilan ko ang luhang nagbabadyang bumagsak.
"A-Alam na ba 'to nila mama Thelma?" tanong ko. Tumikhim ako upang mawala ang bikig sa aking lalamunan.
"Not yet. I will tell her when the process is done. We will go through our annulment process quietly. I don't want to stress her out."
Pagkasabi niyang iyon ay tumayo na siya.
Nagsalita pa siya bago tuluyang lumabas ng kusina.
"And one more thing. Mas maganda na pirmahan mo na 'yan ngayon para ma-process na ng abogado ko."
Nanghihina akong umupo habang hawak pa rin ang annulment paper. Sabagay, mas maganda na rin ito para mas mabilis matapos. Makakalaya na rin ako sa impyernong bahay na ito. Sabi ng utak ko, pero iba naman ang sinisigaw ng puso ko.