bc

Mr. Thompson's Wife

book_age18+
2.6K
FOLLOW
19.2K
READ
billionaire
sex
contract marriage
escape while being pregnant
dominant
billionairess
heir/heiress
drama
others
naive
like
intro-logo
Blurb

#SeptemberUpdateProgram

William Thompson never believed in love stories and happy endings. Namuhay siyang mag-isa kahit pa nariyan naman ang kaniyang mga magulang. He's been longing for someone na alam niyang hindi na niya makikita at magbabalik pa. Hanggang isang araw, dumating sa buhay niya si Kristelle. Ang dalagang magpapabago ng buhay niya.

Will it change his beliefs about love? Or he will hate her for the rest of his life?

chap-preview
Free preview
Prologue - The beginning
Sa edad na eigtheen years old ay ikinasal ako sa mayaman, guwapo at masungit na lalaki. Ibinenta ako ng mga magulang ko sa kaniya kapalit ng isang malaking halaga upang matubos ang maliit na lupain na isinangla nila sa isang mayamang chekwa. Labis ang galit na aking naramdaman para sa aking mga magulang dahil sa walang pagdadalawang isip na pagbebenta nila sa akin. Simula pa lamang nung bata ako'y ramdam ko na hindi nila ako mahal. Iba ang turing nila sa akin kumpara sa aking nakatatandang kapatid na si ate Antonietta. Ang sabi nila sa isang pamilya ang bunso ang pinakamahal ng magulang at pinakaborito. Pero sa amin ay iba. Si ate ang paborito nila at mahal na mahal. Samantalang ako ay hindi nila pinapansin at isa nilang alipin. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay wala akong tigil sa pagta-trabaho upang makatulong sa kanila. Ako na rin ang gumagawa ng mga gawaing bahay kahit pa pagod na ako sa trabaho. Tumigil na ako sa pag-aaral nung second year high school pa lamang ako. Hindi na raw nila kasi ako kayang pag-aralin, at uunahin muna nila si ate. Tutol man ako sa desisyon nila'y wala akong magagawa dahil sila pa rin ang mga magulang ko at sila pa rin ang masusunod. "Kristelle, lumabas ka na riyan. Mamaya lamang ay lalabas na si sir William," dinig kong tawag ni Nana Sabel. Ang mayordoma dito sa mansyon. Siya rin ang naging yaya ni William.. este sir William nung bata pa lamang siya. Kasalukuyan kong tinutupi ang kumot na ginamit ko. Sa tatlong buwan ko rito'y ni hindi ko naranasan ang matulog sa tabi ng asawa ko. Simula nang maikasal kami'y dito niya ako pinatulog sa maid's quarter kasama si nana Sabel at iba pa nilang katulong. Malaki ang mansyon at maraming kuwarto sa itaas. Ni minsan rin ay hindi pa ako nakapasok sa kwarto niya. Si nana Sabel lamang ang pwedeng pumasok doon at maglinis. "Heto na po!" sigaw ko at lumabas na ng silid. Inayos ko muna ang sarili bago lumabas. As if naman na mapapansin ako ng aking asawa. "Hay naku na bata ka. Tinanghali ka na naman ng gising. Pasalamat ka at tanghali na rin nagising si sir William dahil lasing na lasing nung umuwi kagabi," mahabang litanya ni Nana Sabel pagpasok ko ng kusina. "Lasing ho siya kagabi?" pabulong kong tanong. "Oo, ewan ko ba sa batang 'yan. Hindi naman siya ganyan dati," "Baka po kasi dahil sa akin?" "Hindi naman siguro. O siya, dalhin mo na 'to sa dining," utos niya sa 'kin at inabot ang bandehado na may lamang sinangag. Napakabango at mukhang masarap. Pero siyempre ay hanggang amoy at tingin lang ang ako sa pagkain na ito. Kahit kailan ay hindi ko pa naranasan ng kumain kasabay si sir William. Sabagay, ano lang ba turing niya sa akin.. kundi isang katulong. Inayos ko na rin ang mesa at ipinagtimpla ko siya ng kape. "Ehem!" Bahagya akong napatigil ng biglang tumikhim ang lalaking hinihintay ng mga pagkain. Yumuko ako at bumati. "Good morning," mahina kong bati. Pilit kong tinatagan ang aking dila upang hindi ito magbuhol-buhol. Umalis na ako sa harap niya nang hindi siya tinitingnan. Para saan pa? Kahit gwapo siya'y ayaw kong makita ang mapang-uyam na tingin niya sa akin. Ang mga mata niyang ang tingin sa akin ay malandi, gold digger at kung ano-ano pa. Sila ang pinakamayaman dito sa lugar namin. Sila ang pinaka-makapangyarihan pagdating sa pera. Kaya nga labis ang galit niya sa akin nang maikasal siya sa tulad kong isang anak lamang ng magsasaka. Mas mahirap pa yata kami sa daga kung tutuusin. "Oh, bakit nandito ka na?" tanong ni Nana. "Ahmm... alam niyo naman po na ayaw niya akong nakikita," nakayuko kong sambit. Malalalim na buntong hininga ang narinig ko mula kay nana. Marahil pati siya ay naaawa sa sitwasyon ko. Hindi ko naman ginusto ang lahat ng ito. Ang maikasal sa isang kagaya niya'y isang bangungot para sa akin. Iniisip ni Sir William na gusto ko ito maging ang ibang tao. Ngunit nagkakamali sila. Ayoko ang sitwasyon na ito. Kung may pera lang ako at kung may kakayahan lamang ako na bayaran ang pera pangtubos sa lupa nina nanay at tatay ay hindi ako hahantong sa ganito. Mas lalong naging impyerno ang buhay ko. Pero wala na akong magagawa. Nandito na ako at asawa niya na ako. Sa papel man iyon pero sa mata ng Diyos at sa mga nakasaksi ng kasal namin ay mag-asawa na kami. Tanging hiling ko lang ay makayanan ko ang pagsubok na darating pa sa akin. Natapos mag-agahan si Sir William ng walang reklamo at imik. Kadalasan kasi'y hindi siya nauubusan ng reklamo. Sabagay hindi naman ako ang nagluto ng kinain niya. Nang masiguro kong nakaakyat na siya, mabilis akong nagtungo sa dining at nilinis iyon. As usual, walang tira sa mga pagkain. Kaya naman magtityaga na lang ako sa tinapay na binili pa ni Nana Sabel sa bayan. Pinagbawal kasi akong kumain ng kahit anong pagkain niya dito. Kung minsan ay pumupuslit si nana at pinapakain sa akin. Ngunit hindi na 'yun naulit pa nang mahuli kami ni Sir William. Katakot-takot na sermon ang inabot ni Nana Sabel. At sa akin naman ay katakot-takot na sigaw. Magtitiis ako hangga't kaya ko. Hindi naman niya ako sinasaktan physically pero ang puso ko ay wasak na dahil sa mga salita niyang wala namang katotohanan. Matapos kumain ng tinapay, tumulong na ako sa paglilinis ng bahay. Dito lang ako sa baba pwedeng maglinis. Mahigpit na bilin ni Sir William na bawal akong umakyat sa itaas. Ano kaya ang meron dun na ayaw niyang makita ko? Siguro nandon ang memories nila ng ex-girlfriend niya. Biglang bumigat ang dibdib ko sa isiping iyon. Mahal na mahal niya talaga ang ex niya. Ang swerte naman niya. Hindi bale mabilis naman matapos ang isang taon. Pitong buwan na lang ang pagtitiisan ko na kasama siya. Sa pitong buwang iyon ay gagawin ko ang aking makakaya upang matakpan ang masamang pagtingin niya sa akin. Papatunayan ko na hindi ako malandi na lagi niyang sinasabi, at mas lalong hindi ako gold digger. Hindi ko kailangan ng yaman nila. Kaya kong magbanat ng buto para sa sarili ko. Kaya kong mabuhay ng mag-isa na walang hinihingian ng tulong at inaagrabyadong tao. "Di'ba siya 'yung bunsong anak ni Mang Nestor? Aba tingnan mo nga naman ano? Masyado palang ambisyosa ang kaniyang anak," "Kaya nga. Hindi naman sila bagay ni Sir William," dinig kong bulong ng mga tsismosa naming kapitbahay. "Psst! 'Wag nga kayo maingay diyan. Baka may makarinig sa inyo," sita ng isa. "E ano naman kung marinig nila? Totoo naman ah, na malandi siya. As if naman na papatulan siya talaga ni Sir William. Malamang ginayuma niya 'yan, o baka pinikot," kontra naman niya dito. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang mga narinig. Wala rin namang mangyayari kung papatulan ko sila, dahil kahit naman ang lalaking pinakasalan ko'y ganoon rin ang tingin sa akin. Napapitlag ako ng may biglang malakas na pwersa ng kamay ang humawak sa braso ko. Masakit iyon na tila mababali ang aking buto. "Ano bang pinakain mo kina mommy at daddy, ha? Masyado kang desperada alam mo ba 'yon?" madiin na sambit ni Sir William. "A-Aray... na-nasasaktan a-ako," daing ko. Mas lalo niya lamang iyon idiniin. "Masasaktan ka talaga kung hindi mo ipapaurong ang kasal na 'to," "P-Pasensya ka na... p-pero hindi ko kayang gawin ang pinapagawa mo. Hindi ko rin naman ginusto 'to, at—" "Will you shut up! I don't need the explanation of yours. Ibubuka mo lang ang bibig mo para sabihin kina mom at dad na tutol ka sa kasalan na 'to," mariin at may galit niyang bulong. Bigla ay nakaramdam ako ng takot. Gusto ko man gawin ang pinapagawa niya ngunit hindi maaari dahil mapapahamak ang aking pamilya. Ito lang ang pag-asa nila para matubos ang lupa na isinangla ni Tatay. Pinagbantaan na rin kasi nila sila tatay na papatayin kapag hindi nila naibigay ang halaga na napagkasunduan nila. "I-Isang taon lang naman tayo magsasama bilang mag-asawa. Mabilis lang 'yon!" aniko. "What?! Do you think na natutuwa ako kahit isang taon lang? Kahit isang buwan o isang araw pa 'yan, ayokong makasal sa'yo!" aniya at patulak niyang binitawan ang braso ko at mabilis na naglakad palabas ng silid kung saan ako inaayusan. Pinalabas niya ang mga make-up artist kanina upang makausap ako. Kung sa totoong kasal ay bawal na magkita ang bride at groom. Kahit tunay ang kasal na ito'y hindi naman pagmamahal ang dahilan kung bakit kami ikakasal. Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Nakasuot na ako ng napakagandang white dress na ang mommy pa ni Sir William ang pumili. Masasabi kong napaka-ganda ko ngayong araw. Hindi ko nakilala ang sarili dahil sa ayos ng buhok ko at ayos ng mukha ko. Nagmukha akong prinsesa sa ayos ko na sa mga fairytales ko lang napapanuod. Pero hindi ko magawang maging masaya dahil nga ito'y sapilitang kasal lamang. Hindi niya ako mahal at gayon rin naman ako. Gayunpaman, gusto kong maging maayos ang pagsasama namin kahit na pagpapanggap lang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Daddy Granpa

read
213.1K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
49.2K
bc

Bewitching The Daddy (Cougar Series #3) -SPG

read
147.7K
bc

My Cousins' Obsession

read
178.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
145.3K
bc

Mahal Kita, Matagal Na

read
74.3K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
64.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook