Chapter 6 - Conditions

1268 Words
ALAS dose na ng hatinggabi ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Iniisip ko kung saan na ako pupunta nito sakaling magkahiwalay na kami ni William. Ayoko ng bumalik kina nanay. Kung nagawa nila akong ibenta kina madam Thelma, hindi ko na dapat silang pagkatiwalaan pa ulit. Baka sa susunod ay ibenta na nila ako sa isang kriminal na tao. Laking pasalamat ko at kahit paano'y matino si sir William kahit pa lagi niya akong sinasabihan ng masasakit na salita. Nakaramdam ako ng uhaw kaya naman dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto. Hindi ko na inabala pang buksan ang ilaw. May liwanag naman na nanggagaling mula sa labas. Kumuha ako ng tubig sa ref isinalin iyon sa baso at ininum. Hinuhugasan ko na ang basong ginamit ko nang makarinig akong kaluskos mula sala. Maingat kong hinakbang ang aking mga paa patungo sa sala upang tingnan kung ano ang kaluskos na iyon. Nagtago ako sa likod ng pinto at pilit na inaaninag ang buong sala. Mahina akong napasinghap nang makita ko ang likod ni William. May kausap siya sa telepono ngunit hindi ko iyon marinig. May parte sa aking isip na gusto kong marinig ang sinasabi niya sa kausap. Umalis ako sa tinataguan ko at lumipat sa kabilang pinto malapit sa pwesto ni William. "May balita na ba sa pinapahanap ko sa'yo?" wika niya sa kausap mula sa kabilang linya. "Find her no matter what. You know that I've been longing to her. Inayos ko na ang annulment papers namin ng asawa ko daw. Once she sign that f*****g annulment papers, I'll let you know." Nakaramdam ako ng pagsisisi sa ginawa ko. Hindi ko na dapat pa inabala ang sarili na pakinggan siya. Minsan tinatanong ko ang sarili kung may nagawa ba akong malaking kasalanan sa iba at kinakarma ako ng ganito. Sigurado namang naging mabait ako sa kapwa ko lalo na sa mga magulang ko. Kahit pa puro pasakit ang dala nila sa akin ay hindi ko sila nagawang iwan at suwayin. "Nakikinig ka ba sa usapan namin?" "Ayy, kabayong malaki!" napatalon at malakas akong napasigaw dahil sa sobrang gulat. Tinapik ko ang aking dibdib dahil sa sobrang lakas ng pagtibok niyon. "Answer my question, woman! Pinapakinggan mo usapan namin? Ano'ng mga narinig mo?" galit niyang tanong. Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa sobrang takot. Kahit na madilim ay kitang kita ko ang nanglilisik niyang mga mata. Lumingon ako sa aking paligid nagbabakasakaling may tao roon na mahihingian ko ng tulong na alam ko naman na malabong mangyari. "A-ahm... h-hindi.. k-kadarating ko lang din," pagsisinungaling ko. Pigil na pigil ang paghinga ko. Umatras ako ng makita kong umaabante siya palapit sa akin hanggang sa bumangga ang likod ko sa mesa. Yumuko ako at mariing pumikit. "Next time 'wag kang lumalabas at pagala-gala dito sa dis-oras ng gabi. This is not your house to do that," may diin niyang sambit. Tumama pa ang mainit niyang hininga sa punong-tainga ko. Tumango ako bilang pagtugon. Hindi ko na kaya pang magsalita pa dahil sa tila bikig na nakabara sa aking lalamunan. Pakiramdam ko'y nalunok ko ang aking dila dahil sa sobrang takot at kaba. "Go back to your room. I don't want to see your f*****g face!" utos niya na mabilis ko namang sinunod. Walang lingon-likod akong naglakad pabalik sa kwarto namin ni Nana. Hawak ko ang aking dibdib at habol ang paghinga ng makapasok ako sa loob ng kwarto. "Oh, Kristelle! Bakit gising ka pa?" nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Nana. "A-Ahh.. uminum po ako ng tubig. Sige po matutulog na ulit ako," saad ko at nahiga na sa aking kama. Masakit ang ulo ko kinaumagahan at mabigat ang aking pakiramdam. Marahil ay dahil sa puyat. Matapos maghilamos ay dumiretso na ako sa kusina. Dating gawi tutulong kay nana sa pagluluto at pagsisilbihan ang aking asawa. "Good morning, Nana!" "Good morning naman. Ohh, bakit gan'yan ang itsura mo? May sakit ka ba?" tanong niya a hinipo ang aking noo. "Aba may sinat ka. Magpahinga ka na lang muna sa loob at ako na ang bahala dito," "Kaya ko naman po, Nana. Sinat lang naman 'to, malayo sa bituka. Saka mawawala rin 'to mamaya, iinuman ko lang ng paracetamol." "Bahala ka. Basta 'pag hindi mo na kaya magpahinga ka," nag-aalalang saad ni Nana at binalik na ulit ang atensyon sa kanyang niluluto. Nagtimpla na ako ng kape para kay Sir William. Tinimplahan ko na rin ang sarili maging kay nana. Si nana na ang nagdala ng mga pagkain sa dining. Hindi na ako nagpumilit pa ng kunin ko ang bandehado ng kanin na agad niya ring binawi. "Where is she?" dinig kong tanong ni William kay nana. "Nasa kusina lang siya, iho. May kailangan ka ba sa kanya?" "Di 'ba dapat siya ang gumagawa nito?" "May sinat kasi siya kaya sinabi kong ako na muna ang magdadala ng mga ito sa 'yo." "Tss. 'Wag mo siyang masyadong i-spoil, nana. This is her work. Sinat lang 'yon, hindi naman siya lumpo," sambit niya kay nana. Ano bang akala niya sa akin? Robot? Na walang damdamin at hindi p'wedeng magkasakit. "Iho, hindi sa nangingialam ako sa inyong dalawa. Pero asawa mo pa rin si Kristelle. Tao pa rin siya na may damdamin. Naniniwala akong hindi niya rin ginusto ang malagay sa sitwasyon niyo. Mabait na bata si Kristelle, masipag at maalaga." Naluha ako sa sinabing iyon ni Nana. Naririnig ko lang sila at hindi nakikita. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ng mukha ni Sir William. Tahimik lang kasi siya at hindi na nagsalita pa. Bumalik ako sa pagkaka-upo ng maramdaman ko na papalapit na si nana. "Hinahanap ka ng asawa mo. Puntahan mo at baka may sasabihin sa 'yo." Tumingin ako kay nana. Ngumiti siya sa akin at tumango. Hindi lingid sa kaalaman ni Nana na gusto kong kausapin si William upang sana ay humingi ng tawad sa kanya. Ito na siguro ang pagkakataon ko upang makausap siya. Huminga ako ng malalim at ang-ipon ng maraming lakas ng loob bago tumayo at naglakad patungo sa dining. 'Kaya mo 'to, Kistelle!' "G-Good morning." Nainis ako sa sarili dahil sa pagkakabulol ko. Tumingin naman siya sa akin ng walang emosyon na mababakas sa kanyang mukha. "What?" malamig niyang tanong. "P'wede ba tayong mag-usap?" mahina kong tanong. "Nag-uusap na tayo ngayon." Lihim ko siyang inirapan dahil sa pagka-pilosopo niya. "May kondisyon sana ako bago ko pirmahan ang annulment papers na binigay mo sa 'kin." Kabado na ako sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko. Nilapag niya ang kutsara na hawak niya at diretsong tumingin sa akin. Yumuko ako nang titigan niya ako. Hindi ko matagalan ang mga titig nya sa akin. "Go ahead. Don't waste my time," aniya. "Kung maaari sana na magpanggap tayong okay kina Mama Thelma. Matupad man lang ang isa sa mga kahilingan niya para sa atin." "So, anong gagawin natin? Magpapanggap tayong parang tunay na mag-asawa na mahal ang isa't-isa? I don't want to give them a hope that we were a happily married and in love to each other." matigas niyang sabi. "Hindi naman sa pagiging mag-asawa natin. Kahit man lang makita nila na maayos tayo.. kahit sa magkaibigan lang." Pursigido na talaga ako na kumbinsihin siya. Sana lang ay mapapayag ko siya. Gusto kong makahinga ng maluwag si mama Thelma at hindi niya na ako alalahanin pa oras na umalis ako dito sa bahay nila at sa buhay nila. "I'll think about it first. Pero 'wag kang umasa," aniya at tumayo na. "Isipin mo na lang na para ito kay mama Thelma," pahabol ko pa bago siya tuluyang nakalabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD