PABALYA kong hiniga si sir William sa sofa. Habol ko ang aking paghinga dahil sa sobrang bigat niya. Tinanggal ko ang mga sapatos niya at inayos ang kanyang mga paa. Inunat ko iyon upang hindi siya mangalay. Niluwagan ko rin ang suot niya pang necktie at nagtanggal ako ng dalawang butones sa kanyang polo. Huhubaran ko sana siya upang mapreskuhan siya ngunit wala naman akong maipapalit na t-shirt sa kanya. Nasa kwarto niya pa iyon at bawal akong umakyat doon. Napagpasyahan kong kumuha na lang ng palanggana na may maligamgam na tubig at nilagyan ko iyon ng alcohol. Dahan-dahan akong pumasok sa aming kwarto ni Nana upang kumuha ng malinis na bimpo. Nang makumpleto ko'y bumalik ulit ako sa sala upang punasan si sir William. Sinimulan ko siyang punasan sa kanyang mukha.
"Napaka-gwapo mo talaga at napaka-amo ng iyong mukha." Pinasadahan ko ng aking daliri ang kaniyang ilong pababa sa kanyang labi. Sunod kong pinunasan ang kanyang leeg. Kinabahan pa ako ng bigla siyang gumalaw sa pag-aakalang nagising siya. Siguro kung gising siya'y hindi niya hahayaan na hawakan ko siya, gaya na lamang kanina. Diring-diri siya sa akin na animo'y may nakakahawa akong karamdaman.
Matapos sa kanyang leeg, tinaas ko ang sleeve ng suot niyang polo upang mapunasan rin ang kanyang braso. Napaungol si Sir William at kunot ang kanyang noo. Marahil ay nananaginip siya. Ipinagpatuloy ko ang ang ginagawa at hindi na siya pinansin. Binilisan ko na rin ang kilos ko dahil baka bigla na lamang siya magising.
"B-Bianca, p-please come back t-to me," usal niya habang tulog.
Bianca? Sino si Biaca? Napasinghap ako sa gulat nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Ngunit kakaiba ang paraan niya ng paghawak sa mga kamay ko. Hindi tulad dati na sobrang higpit na para bang gusto niyang durugin ang mga buto ko doon. Bumilis ang pagtibok ng puso ko nang dahan-dahang dumidilat ang kanyang mga mata. Tinangka kong agawin ang kamay ko, ngunit mas lalo niya lamang iyon hinawakan ng mahigpit. Tila ba sinasabi niya na 'wag ko siyang iiwan, dito lang ako sa kanyang tabi. Sinalubong ko ang mapupungay niyang mga mata. Gamit ang isa niyang kamay ay hinaplos niya ang aking pisngi. Umabot ang init ng palad niya sa puso ko. Tila hinahaplos rin iyon at pinapatahan sa pa-iyak.
"B-Bianca, nagbalik ka. Thank God!" wika niya at mabilis akong hinila palapit sa kanya. Hindi ko napaghandaan iyon kung kaya naman ay napasubsob ako sa kanyang dibdib. Mariin akong pumikit. Napakabango niya. Kahit na pawis na pawis siya kanina ay napakabango niya pa rin. Naramdaman ko ang marahan niyang paghagod sa aking likod. Nakaramdam ako ng pagka-ilang sa pwesto namin. Sana lang ay walang makakitang katulong sa aming dalawa, lalo na si nana. Pantay na ang kanyang paghinga kaya naman ay dahan-dahan na akong umaalis sa ibabaw niya. Ngunit kahit ano'ng gawin ko'y hindi ako makaalis dahil sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin. Kailangan kong makaalis dito. Patay talaga ako kapag mahuli nila ako dito sa ganitong posisyon, at sa ibabaw pa talaga ni Sir William. Lalo na kay sir William na diring-diri sa 'kin. siguradong katakot-takot na sigaw na naman ang ibabato niya sa akin. Mariin akong pumikit at ginamit ko ang aking lakas upang makabangon at makawala sa pagkakayakap niya. Ngunit bigo akong makaalis. Mas lalo lamang humigpit ang pagkakayakap niy sa akin. At kung kanina ay iisang braso niya lang ang nakapulupot sa katawan ko, ngayon ay dalawa na!
"Please stay with with me," ungot niya. Kinilabutan ako nang dumampi ang mainit niyang hininga sa batok ko. Tila kuryente iyon na dumaloy sa mga ugat ng katawan ko. Ito ang unang beses na makaramdam ako ng ganito. Siya lang din ang kauna-unahang lalaki ang yumakap sa akin ng ganito. Ako ang kayakap niya pero ibang babae naman ang nasa isip niya. Tila sinaksak ng milyon-milyong kutsilyo ang puso ko. Hindi dapat ako makaramdam ng ganito ngunit hindi ko maiwasan. Inaamin ko na sa tatlong buwan naming makasama dito sa bahay ay nahulog na ang loob ko sa kanya na hindi dapat mangyari. Isang malaking pagkakamali ang makaramdam ako ng ganito sa kaniya gayong galit siya sa akin at alam kong wala akong pag-asa na mapansin niya kahit isang porsyento. Sa lalim ng pag-iisip ko'y hindi ko namalayan ang pagpikit ng ang aking mga mata at tuluyan na akong hinila ng antok.
"What the f**k are you doing?!" sigaw ni William.
"Ouch!" daing ko nang bumagsak ang balakang ko sa sahig. Hinilot ko iyon habang dahan-dahan tumatayo. At saka ko lang naalala ang mga nangyari kagabi. Umayos ako ng tayo at nanlalaki ang mga mata kong tumingin kay sir William na ngayon ay nanlilisik ang tingin sa akin dahil sa sobrang galit.
"What did you do? Gan'on ka na ba kadesperada na babae ka? Sinamantala mo ang kalasingn ko!" sigaw niya. Napaatras ako dahil sa sobrang lakas niyon. Biglang tinambol ng matinding kaba ang dibdib ko. Sa tatlong buwan ko dito na kasama siya, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siya na galit na galit. Yeah, lagi siyang galit sa akin sa tuwing nakikita niya ako. Pero iba 'to!
"Anong nangyayari dito?" hinihingal na tanong ni Nana. Kakagising lang din niya. Yumuko ako at pumikit ng mariin. Pinipigilan ko ang mga luha kong gustong-gustong ng kumawala sa aking mga mata. Nakakaramdam na rin ako ng paninikip ng dibdib dahil sa sobrang kaba at takot.
"You better talk to that woman, nana!" sigaw niya pa bago padabog na umalis sa harapan ko. Dumaan siya sa gilid ko kung kaya naman narinig ko ang sinabi niya. "Gold digger, b***h!"
Doon na tuluyang kumawala ang mga luha ko. Masakit pa rin pala kahit na alam ko naman na iyon ang tingin niya sa akin.
"Ano bang nangyari, Kristelle? Bakit galit na galit si Sir Willliam?" tanong ni Nana nang makalapit siya sa akin.
"L-Lasing kasi siya kagabi n'ong dumating, nana," Hindi ako makapag-salita ng maayos dahil sa matinding paghagulgol ko. Mahina lamang iyon dahil hangga't maari ay ayaw kong marinig ni Sir Willliam ang aking pag-iyak.
"T-Tapos.. inakay ko siya pahiga dito sofa, naisipan ko sanang dalhin siya sa itaas pero baka kasi malaman niya iyon at magalit sa akin, kaya dito ko na lang siya hiniga. P-Pinupunasan ko siya.. nang bigla niya akong hilahin payakap sa kanya," aniko habang sinisinok.
"N-Niyakap ka niya?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Sunod-sunod akong tumango.
"T-Tapos..."
"Tapos, ano?"
"H-Hindi na ako nakaalis sa ibabaw niya hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog pala ako," pagpapatuloy ko. Natampal ni Nana ang kanyang noo.
"Sus, ginoo na bata iyon, siya naman pala ang may kasalanan. Tapos galit na galit siya sa'yo." Hinagod niya ang likod ko at pinatahan, pina-inum niya rin ako ng tubig. MABUTI na lang at nandito si nana. Karamay ko dito sa mansyon. Na-miss ko tuloy si ate Antonietta. Parang siya ang ate Antonietta ko dito. Pinunasan ko na ang aking mukha. Nagpaalam muna ako kay nana at nagpunta sa banyo upang makapaghilamos man lang ako ng aking mukha. Sumagi bigla sa isip ko si Bianca. Ito ang sinasambit niya na pangalan kagabi bago niya ako yakapin. Mabilis kong pinunasan ang aking mukha at lumabas ng banyo. Binalikan ko si nana sa kusina. Tatanungin ko siya kung sino si Bianca. Siya ang nag-alaga kay sir William simula pa pagkabata kaya baka kilala niya si Bianca.
"O, bakit ka ba tumatakbo?"
"Nana... sino si Bianca?" Nagulat si nana sa naging tanong ko na iyon. Ibig sabihin lang ay kilala niya ang Bianca na iyon.