Chapter 7 - Fever

1706 Words
"God damn it!" singhal ni William at padabog na tumayo dahilan para magulantang ang buong paligid. Nagpatawag ng meeting si William dito sa conference room dahil sa delay na transaction ng mga fertilizers na dapat ay ipapadala sa ibang bansa. They own a fertilizer company called TMH Corporation. A company who represent the entire supply chain from production to distribution to retail, all working together to deliver fertilizer to farmers in a safe, timely, and sustainable manner. Since his father stepped down from his positon, he took the position as a CEO of the company. Dugo at pawis ang pinuhunan ng kanyang mga magulang sa kompanyang ito. "Is that all you can do?" galit niyang tanong sa humahawak ng mga transactions ng fertilizer paalis ng bansa. Ngayon lang na-delay ang transaction patungong India na hindi naman nagyayari noon. He don't know why. But half of his mind says that he should investigate what's happening. "Sorry, sir." "Fix this mess. India farm needs the fertilizer by the end of this month. You only have seven days," sambit ni William at padabog na umalis sa loob ng conference room. Pabagsak siyang umupo sa kanyang swivel chair sa loob ng kanyang opisina at kinuha ang cellphone sa kanyang drawer. Kumunot ang noo niya nang makita niya ang sampung misscalls ng kanyang ina. Sumasakit ang kanyang ulo at ayaw niya munang kausapin ang kanyang ina. Binalik niya ang cellphone sa kanyang drawer at muling sumandal sa swivel chair. Pinikit niya ang kanyang mga mata habang hinihilot niya ang sentido niya. He's going about to sleep when Kristelle's angelic face pop-up to his mind. Her sweet smile, innocent face with a messy hair that suits to her. Bigla niyang naidilat ang kanyang mga mata. Ever since that day happen hindi na mawala sa isipan niya si Kristelle. Hinahanap-hanap ng kanyang katawan ang init ng katawan ni Kristelle. "s**t!" mura niya sa sarili. Bago para sa kanya ang nararamdaman. Matagal na panahon na mula nang makaramdam siya ng ganito. He had never fallen in love with another woman, except Bianca. Bianca is his friend when he was seven years old. Siya ang nakasama ni William sa mga panahong mag-isa lang siya. While his mom and dad are busy running the company. Bianca is the only child of the Carter. One of the richest family here in the philippines. Pero nawala siya dahil sa insidente na nangyari kasama ang mga magulang niya. Nakasakay sila ng kanilang yate at lumubog iyon dahil sa matinding ulan at alon. Naniniwala si William na buhay pa si Bianca dahil na rin sa hindi naman nahanap ang katawan niya. Tanging sa mga magulang niya lang ang nakita sa ilalim ng dagat. Other said, maybe a shark had eaten her body. But he doesn't believe that she's dead. It's been a few years but he's still looking for her. And hoping he would found her. Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi sa kanya ni Kristelle. Three months from now ay maghihiwalay na sila. Gusto niyang pumayag sa kondisyon nito for the sake of his mom. But, natatakot siya na baka mahulog ang loob niya kay Kristelle. Ayaw niyang umasa sa kanya ang dalaga na alam niyang may pagtingin na rin sa kanya. Alam niya na may na gusto sa kanya si Kristelle. Lahat na yata ng masasakit na salita ay binato na niya sa dalaga. Pinapahirapan niya ito at kung minsan ay ginugutom dahil pinagbawalan niya ito na kainin ang kanyang pagkain. That makes to feel him bad. Mahihinang katok ang nagpapukaw sa malalim niyang pag-iisip. Umayos siya ng upo at pinapasok ang tao sa labas. Tumayo siya nang makita niya ang kanyang ina kasama nito ang private nurse na nakaalalay sa kanya. "Mom!" aniya at lumapit siya dito at sinalubong ng yakap. Bagsak na ang katawan ng kanyang ina dahil sa chemotherapy. She has a liver cancer. Stage 4 na ito nang ipaalam niya sa amin. That's the reason why he accepted the marriage with Kristelle. "What brings you here, mom?" nag-aaala niyang tanong sa kanyang ina. Inaalayan niya itong umupo sa sofa at tinanguan ang kanyang private nurse hudyat na p'wede na siyang lumabas muna. "Hindi mo sinasagot tawag ko." Malalim siyang huminga sa sinabi ng kanyang ina. May himig na pagtatampo ito habang nakatingin sa kanya. "I'm sorry, mom. Nasa meeting ako kanina nang tumawag ka." "You look stressed. How's Kristelle?" Natigilan si William sa tanong na iyon ng kanyang ina. Hindi niya kasi alam ang isasagot dito. Dahil ni minsan ay hindi naman niya ito tinanong kung kumusta na ito. "She's fine." Kibit-balikat niyang sagot. "I know she's not. Anyway, I want both of you have a vacation," "Vacation? Just us?" "Yes. Bakit parang gulat na gulat ka? Mag-asawa kayo at walang masama doon kung saan kayo pupunta na kayong dalawa lang." "But, mom. You know that I'm busy here. Kailangan pa namin ayusin ang delayed transaction papunta sa india," pagdadahilan niya. "Kaya nga pinapunta ko dito ang pinsan mo. Siya muna ang bahala sa kompanya habang nasa bakasyon kayo ni Kristelle." "What?! You mean, Kristoff?" gulat na tanong ni William. "Yes. So you better pack your things. And tell Kristelle that I miss her. Dumaan muna kayo sa bahay bago kayo umalis." "Hindi pa ako pumapayag, mom." Ayaw niyang magbakasyon kasama si Kristelle. "I don't need your permission, William. That's an order," matigas na wika ng ginang. "But-" "No buts. Gusto ko na ng apo, William. At gusto kong makita ang magiging anak niyo bago ko lisanin ang mundong 'to." Nanigas ang buong katawan ni William sa narinig. What? Apo? "Mom! Alam mong hindi mangyayari 'yon 'di ba? And, please, hindi mo lilisanin ang mundo. Don't ever say that again." matigas na wika ni William. He hate to hear those words from her. Malalim na huminga ang ginang. "You need to fix your marriage with Kristelle. Be nice to her. I know na matututunan mo rin siyang mahalin. And I know your heart will know who's Kristelle in your life. Open your heart for her and you'll find out the result," mahinahong saad ng kanyang ina. Natulala si William sa sinabi ng mommy niya. Paulit-ulit na tinatanong kanyang isip kung sino ba talaga si Kristelle. Kung bakit gan'on na lang ang trato sa kanya ng kanyang mga magulang. Kung bakit sa kabila ng estado nito sa buhay ay pumayag ang mga ito na ipakasal si Kristelle sa kanya. Tinapik siya ng kanyang ina sa balikat at tinawag na ang kanyang nurse. "Pag-isipan mo ang mga sinabi ko sa'yo. Before it's too late," dagdag niya pa at tuluyan ng nagpaalam. Napahilamos siya sa kanyang mukha habang tumatakbo sa kanyang isipan ang imahe ni Kristelle. Pilit na isinisiksik sa isip kung ano ang espesyal sa dalaga kung bakit ganoon ka-desperada ang ina na maayos ang kasal nila. And to think na gusto pa nitong magka-anak sila. He decided to just go home and rest at home. Habang nasa kotse tumunog ang kanyang cellphone. He answered it immediately when he saw who's calling. And it's his mom. "Yes, mom?" "Nakalimutan ko pala sabihin na bukas na kayo aalis." 'Yon lang ang sinabi ng kanyang ina at binaba na nito ang tawag. Hindi na niya nagawa pang magprotesta. Ano pa nga ba ang magagawa niya kun'di sundin ang utos ng kanyang ina. Huminga siya ng malalim bago bumaba ng kanyang kotse. Nilibot ang mata sa paligid sa pag-asang mahahagip niyon si Kristelle. He didn't like the feeling that he was looking for Kristelle. Nagulat pa siya nang salubungin siya ni Nana. "Ohhh, iho. Bakit gulat na gulat ka? Nakaka-offend naman 'yang reaksyon mo. Mukha na ba akong multo?" pabirong saad ni Nana. Mahina siyang natawa sa sinabi nito. Kahit kailan talaga palabiro ito. Kaya hindi nakakapagtaka na mabilis siyang nakagaanan ng loob ni Kristelle. "Where is she?" "Sino? Si Kristelle?" nagtatakang tanong ni Nana. Sa pitong buwan kasi ay ngayon lang hinanap ng kanyang alaga si Kristelle. Nahihiya man ay tumango si William. Marahil ay nagtataka ito. "Nasa loob na siya at nagpapahinga. Masama ang pakiramdam niya kanina pa. Ang tigas kasi ng ulo, sinabi ko ng magpahinga na lang siya at 'wag ng kumilos pa." pahayag ni Nana. Nakaramdam ng pag-aalala si William. "Kumain ka na ba? Ipinagluto ka ni Kristellle ng ulam." "Hindi pa po." "Sige maghahain lang ako. Magbihis ka na muna at iinitin ko lang ang ulam." Tumalikod na si Nana ngunit nanatiili pa ring nakatayo si William sa sala. Ang mga mata niya'y nakatingin sa pinto kung saan naroon si Kristelle sa loob ng kwartong iyon. Until he realize that he's entering the room. Nakatalikod si Kristelle at nakabaluktot ang ang kanyang higa na tila nilalamig. Napalunok siya dahil sa nakita. Natanggal kasi ang kumot sa bandang hita niya, kaya naman nakita niya ang maputi nitong hita. Dahan-dahan siyang lumapit dito at tinawag. "Kristelle..." malakas ang ginawa niyang pagtikhim ngunit ni hindi man lang ito gumalaw para tingnan kung sino ang tao sa kanyang likuran. Nanginginig sa sobrang lamig sa Kristelle ngunit may naramdaman siyang mainit na mga mata ang nakatingin sa kanya. Maya-maya lang ay narinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya. Gustuhin man niyang humarap at bumangon upang harapin ang taong iyon ay hindi niya magawa dahil sa sobrang pananakit ng kanyang katawan. She knew, it's him. Nakaramdam siya ng galak sa kanyang puso. It's the first time na binisita siya ni William dito sa kwarto. And, it's the first time na marinig ang pangalan sa bibig nito. "Hmm." daing niya ng maramdaman ang malamig na bagay na dumampi sa kanyang ulo. Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata at dahan-dahan na kumilos patihaya. Naaninag ng kanyang mga mata ang bulto ni William. Hawak nito ang basang bimpo at dinadampi sa kanyang ulo. "S-Sir.." bulong niya. "Don't move. Nagpaluto ako ng lugaw kay nana. You should eat first before you take the medicine." Hindi alam ni William ang ginagawa niya. Basta isa lang ang nararamdaman niya sa mga oras na 'to. He should good take care of Kristelle no matter what. At Susundin niya ang mga sinabi ng kanyang ina. He'll open his heart for her. Baka doon ay masagot ang napakaraming katanungan na gumugulo sa kanyang puso't isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD