Chapter 2 -Welcome to hell!

1525 Words
"Wala kang utang na loob na babae ka!" sigaw ni Nanay at sinabayan iyon ng kaliwa't kanang sampal. "Aray, 'nay... m-masakit na po!" hagulhol ko. "Talagang masasaktan ka ngayon dahil sa ginawa mo! Alam mo bang maaari kaming mamatay ng tatay mo sa ginawa mo?!" sigaw niya pa sa mukha ko. Natigilan ako sa narinig. Mamatay? "What?!" sigaw ni Ate mula sa likuran ni Nanay. Inaawat niya si nanay sa mga sampal sakin ngunit sadyang malakas si nanay at kahit anong gawing awat niya'y tumatama pa rin sa mukha ko ang mabigat na kamay ni Nanay. "Anong ibig niyong sabihin?" "Hetong magaling mong, ama. Isinangla sa mayamang chekwa itong lupa natin at ngayon kailangan niya ng tubusin dahil babalik na sa China 'yung chekwa na 'yun!" ani ni Nanay kay ate habang nakaturo kay tatay na naka-upo sa upuang bilog na yari sa kahoy. Naninigarilyo ito at masamang nakatingin sa akin kanina pero ngayon ay kay nanay na nakabaling ang kanyang paningin. "Putangina naman, Mildred! Ako lang ba ang nakinabang sa pera na 'yun?" Napaatras ako ng dumagundong sa buong bahay ang boses ni Tatay. 'Pag ganito na ang boses niya'y galit na galit na ito. "Hoy, manahimik ka. Mas malaki ang kinuha mo!" sigaw muli ni Nanay. "Tama na nga!" sigaw ni Ate na pumagitna na sa dalawa. Tumigil naman ang mga ito at tiningnan si ate. "Anong kinalaman do'n ni Kristelle? At ng pamilya Thompson? Bakit kailangan ikasal ni Kristelle dun sa anak nilang gwapo pero nakakatakot?" sunod-sunod na tanong ni Ate. Lumingon sa akin si nanay dito sa kinauupuan kong sahig. Yakap-yakap ko ang aking tuhod at ang mukha ko'y natatakpan na ng aking mga buhok. "Siya ang binenta namin kina madam para may maipangtubos kami dito sa lupa. Sa isang linggo na ang hinihingi nilang palugit, at kung hindi makapagbayad ang tatay mo.... papatayin nila ang tatay mo o baka pati tayo madamay," paliwanag ni Nanay. "'Tay, naman!" sigaw ni Ate kay tatay. "bakit niyo kasi naisipang isangla itong lupain natin? Maliit na nga lang 'to at nag-iisa nating ari-arian tapos mawawala pa!" "Hindi 'to mawawala.... kung... pakakasalan ng kapatid mo ang anak ng mga Thompson," ani ni Tatay. Tila sigurado siya sa kanyang sinabi. Alam na alam niya na hindi ako tatanggi anuman ang ipag-utos nila sa akin. Pero iba 'to. Kasal ang pinag-uusapan dito. Buti kung sana ibenta nila ako pero gagawin lang katulong o kaya labandera dun sa mansyon. Sunod-sunod akong umiling. "Anong hindi? Gusto mo bang mamatay kami ng mama mo? Pa'no kung idamay niya rin ang ate mo o ikaw!" pang-uusig ni Tatay. Saglit akong natigilan. Si Ate? Hindi maaaring madamay si ate. Siya na lang ang kakampi ko sa buhay. Siya ang laging nagtatanggol sa akin. Hindi ko hahayaan ang mapahamak siya. Dahan-dahan akong tumayo at inayos ang sarili. Desidido na ako. Ayokong mapahamak si ate. Mahal na mahal ko siya. Siya na lang ang nagmamahal sa akin ng totoo. "S-Sige.. po... p-pumapayag na ako," "Kristelle-" tawag ni Ate. Nginitian ko siya upang ipaalam na ayos lang ako. "Okay lang, ate," "Good girl, Kristelle. Papayag ka rin naman pala, nasaktan ka pa tuloy.Ayusin mo ang sarili mo. Bukas na bukas din ay pupunta ka sa hacienda ng mga Thompson at hihingi ka ng pasensya sa inasal mo kanina," mahigpit na bilin ni Nanay. "Papayag ka rin pala, pinahirapan mo pa kami," segunda naman ni Tatay at saka umalis na sa harap ko at nagtungo sa labas ng bahay. Nang kaming dalawa na lang ni Ate ay sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Niyakap ako ni Ate at hinagod niya ang aking likod. "Sana hindi ka na pumayag sa gusto nila, Kristelle," "Paano, ate? Kayo naman ang mapapahamak," aniko at pinunasan ko na ang mga luhang patuloy na umaagos sa aking pisngi. "Ayos lang 'yun. Gwapo naman siya at mayaman. Pakikisamahan ko na lang siya para magkasundo kaming dalawa. Nakakatakot siya, pero pakiramdam ko'y mabait naman siya," saad ko ng naka-ngiti. Hindi ko alam kung ang ngiti ko ba ay tunay o nagpapanggap lang. Basta ang nararamdaman ko ngayon ay takot sa lalaking 'yun. Nanlilisik ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin kanina. Para niya akong kakainin ng buhay sa uri ng mga titig niya. Parehong mabait naman ang mag-asawa pero bakit ganun ang kanilang anak? KINABUKASAN ay inayos ko ang aking sarili. Maaga pa lang ay inayusan na ako ni Ate. Nilagyan niya ng make-up ang aking mukha upang takpan ang mga pasang natamo ko mula sa mabigat na kamay ni Nanay. "Okay na," "Salamat, ate," "Ano ka ba? Wala 'yun noh. Basta 'pag may hindi magandang ginawa sayo ang lalaking 'yun sasabihin mo agad sa akin, ha?" Tumango ako sa kanya. Pinagdarasal ko na mabait siyang tao at hindi ako sasaktan. "Magandang umaga po!" bati ko sa mag-asawa na ngayon ay malawak ang mga ngiti nang makita ako. "Iha, magandang umaga naman. Tara pasok na tayo sa loob," aya ng ginang sa akin. Nagpatiuna na lamang ako sa kanya. Ako lang ang mag-isang pumunta ngayon sa mansyon dahil may mahalagang pinuntahan sila nanay, si ate naman ay may pasok sa eskwela. Napakalawak talaga ng mansion nila. Siguro kung mag-isa akong titira dito ay matatakot ako. "Pumapayag ka na ba na magpakasal sa anak ko?" Pagkuwan ay tanong ni Madam Thelma. Tinitigan ko siya saglit partikular mna sa kanyang mata na punong-puno ng kinang at saya. "May tanong po ako," lakas loob kong saad. "Ano 'yun, iha?" "Bakit po ako ang gusto niyong ipakasal sa anak niyo?" Nagkatinginan ang mag-asawa sa naging tanong ko sa kanila. "Dahil alam kong magiging mabuti kang asawa para sa anak ko," tanging sagot ng ginang ngunit ang mga mata niya'y sa ibang direksyon nakatingin. Ngumiti ako upang ipakita na kumbinsido ako sa naging sagot niya. Ngunit sa loob ko'y duda ako. At aalamin ko iyon. "Ohh, Wiliam. Nandito ka na pala. Siguro naman kilala mo na si Kristelle," Saglit akong natulala sa lalaking kaharap ko ngayon. Iba yata ang itsura niya kumpara kagabi na nakakatakot dahil sa madilim niyang anyo at nanlilisik na mga mata. Mas gwapo siya ngayon kaysa kagabi. Maalliwalas ang mukha niya ngunit bigla na lang dumilim nang makita niya ako. "Hello po," "I'm not that old for your 'po'," masungit niyang tugon sa akin. Tumawa naman ang ginang upang mawala ang tensyon sa palligid. "Son, treat her well. She'll be your wife next week," may awtoridad na saad ni Sir Willie. "W-What?!" "P-Po?!" sabay na sigaw namin ni William. Hindi ako makapaniwala na next week kaagad ang kasal namin. Ni hindi ko man lang siya makilala pa ng mas matagal. "Yes, Kristelle.. William, next week na gaganapin ang kasal niyo," paninigurado ni Madam Thelma. "Seriously, mom!" sigaw ni William. "Maupo muna tayo upang mas makapag-usap tayo ng maayos," anyaya naman ni Sir Willie. Iginiya niya ako sa upuan katabi kung saan umupo rin si William. Hindi nakaligtas sa aking peripheral vission ang matalim na titig niya sa akin. Bakit siya sa akin nagagalit? Sa tingin niya ba ginusto ko ang maikasal sa kanya? "Iho, napag-usapan na natin 'to di 'ba. And you agreed," malumanay na wika ni Madam Thelma. "Yes, mom. Pero bakit ang bilis naman? I'm not ready yet," kontra niya sa kaniyang ina. "Kailan ka magiging ready? 'Pag patay na ang mommy mo?" galit na tanong ni Sir Willie. Teka? Patay? May pag-aalala kong tiningnan si madam Thelma. Ngayon ko lang napansin na sa likod ng maaliwalas na ngiti sa kanyang labi at mga mata ay may nakatagong karamdaman at kalungkutan. Maganda si madam. Para siyang anghel sa sobrang amo ng kanyang mukha. Ramdam ko na mabait siyang tao. Pareho sila ng mata ni William, maamo at mapungay. Na hindi bagay sa pag-uugali niya. "Wala na akong oras pa para makipagtalo sa'yo, William. The wedding date is final," mariin na wika ni Madam Thelma at baka sa mukha niya ang pagpipigil ng galit. "I'm so, sorry, Kristelle. Bumalik ka na lang bukas upang masukatan ka na ng wedding gown na gagamitin mo." Alanganin akong tumingin kay madam Thelma. Dahan-dahan na rin akong tumayo at nagpaalam sa kanila. Isang malakas na pwersa ang humaklit sa mga braso ko nang makalabas ako ng mansyon. Hinila niya ako sa bandang kaliwa ng mansyon at pabalya akong sinandal sa pader. Napaigik ako sa sakit, ngunit ang taong kaharap ko'y tila wala man lang pakialam na nakasakit siya. "What do you want? Do you want money? I can give you, just name the price," aniya sa mariin at galit na tinig. "N-Nasasaktan... a-ako," daing ko. Tiningnan ko ang braso ko na hawak niya. Namumula na iyon dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya. "Just name the price, then leave me alone!" "W-Wala na akong magagawa pa, William. N-Nakapag-decide na sila. A-Ang pamilya ko naman ang mapapahamak 'pag inatras ko ang kasal na 'to," paliwanag ko. "Welcome to hell then, my future wife!" galit niyang sambit at pabalya akong binitawan. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak ng tahimik at sundan siya ng tingin. Nagpa-ulit-ulit sa aking pandinig ang huli niyang sinabi. Kailangan ko na bang ihanda ang sarili ko sa impyerno gaya ng sinabi ni William?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD