YARA Gaya nga ng pangako ni Leo kagabi ay maaga pa lang nasa unit ko na ito para ihatid ako sa ospital na pinapasukan ko. Katulad din ng dati na hindi nakaligtas akin ang malakas na presensya nito na nagiging dahilan para bumilis ang t***k ng puso oo. "Sinulat mo na ba ang lahat ng details na kailangan natin para sa kukunin nating cenomar mamaya sa nso?" tanong nito. "Yeah," maikling sagot ko saka inabot ang papel na nasa bulsa ko at ibinigay kay Leo ng makapasok kami ng sasakyan nito. Dahil hindi naman ma-traffic dahil maaga pa siguro ay mabilis kaming nakarating sa ospital na pinapasukan ko. Ito ang kagandahan ng maaga ang pasok hindi hassle ang traffic at hindi ko rin kailangan na magmadali. "Please take care. Magkita na lang tayo after ng shift mo," sabi nito ng nasa may harap