YARA Si Leo na ang nag-arrange ng lahat kaya umuwi na lang kami sa unit ko at doon na nagbihis pareho. Talaga namang nagawa niyang makapag-handa ng mabilis at wala akong masabi sa kung paano niya ginawa ang lahat dahil tanging pagpalit lamang ng damit at pag-aayos sa sarili ang ambag ko. Kumpleto din ang dala nito mula sapatos at damit ko maging sa isang kwintas at paris ng hikaw na suot ko ngayon. Hindi ko alam kung paano siya nakapag-handa ng ganito kabilis. Maging kung paano niya nakuha ang tamang sukat ng damit na suot ko na kasyang-kasya sa akin na tila sinukat ko bago namin bilhin. Iniisip ko tuloy kung gaano kalaki ang income at net worth nito dahil nabilhan ako ng ganitong mamahaling alahas na ngayon ay suot ko. Ayaw ko sanang tanggapin dahil sapat na ang wedding ring na isusuo