bc

My Rebel Wife TAGALOG STORY

book_age18+
16.3K
FOLLOW
105.5K
READ
revenge
possessive
confident
drama
tragedy
soldier
sniper
first love
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

❗R-18 mature content❗

"Kung magiging masaya ka na makita akong sobrang nasasaktan ng ganito, I'll let you be but please don't go. Don't leave me, hindi ko kaya-"  Leo Montenegro

--------------------------------------------------------

Pag-ibig…

Hanggang saan ka dadalhin ng katagang ito kung  sa puso mo alam mong hindi ka karapat-dapat para mahalin ng taong mahal mo? 

Si Yara Salazar, isang rebelde. Walang ibang kilalang pamilya kun'di ang hukbong kinalakhan sa kabundukan. Lihim na nakikibaka upang makamit ang pagbabagong inaasam para sa bayan.

Si First lieutenant Leo Montenegro isang sundalong tapat sa bayan. Buo ang pagmamahal sa serbisyong kan'yang buong katapatan na sinumpaan.

Pagtatagpuin sila at paglalaruan ng kapalaran na siyang  susubok sa  kanilang katatagan. Sino nga ba ang magwawagi sa labang pareho nilang kinamulatan?  

Paano sila lalaban kung pareho silang bihag ng damdaming pilit na nilalabanan? 

Kaninong puso ang mawawasak at sino ang uuwing luhan kung sa huli ay tanging pagpaparaya at sakripisyo para sa kabutihan ng isang minamahal ang tanging magpapalaya sa kanila at sa bayan?

--------------------------------------------------------

All Rights Reserved, 2021

Do not copy, plagiarism is a crime.

©️ Dragon1986

chap-preview
Free preview
Chapter 1
YARA Ragay, Camarines, Sur. "Sige pa Yara, putukan mo pa ang target mo," sabi ni Pinuno na siyang personal na nag-te-training sa akin kung paano humawak ng baril mula pagkabata. "Very good, sharpshooter ka talaga. Isa ka sa pinakamagaling kong sniper ngayon," sabi nito saka ako tinapik sa balikat. Ako si Yara Salazar, 28 years old. Lumaki sa kabundukan ng kabikolan. Isa akong rebelde at anak ng isang rebelde ngunit hindi ko ito kailanman ikahiya bagkus ay ipinagmamalaki ko ito. May dangal at mabuting tao ako. Lumalaban kami para sa bayan. Pagmamahal sa bansa na hindi mapapantayan ng sino man. Nakapag-aral ako sa maayos na paaralan sa lungsod ngunit hindi ko kailanman kinalimutan kung ano at sino ako. Isa akong magaling na doctor ngunit hinding hindi ko nakalimutan ang misyon ko. Misyong alam kong siyang magiging daan para makapasok ako sa sangay ng gobyerno. Ang maging doctor sa loob ng army hospital sa Victoriano Luna General Hospital. Kailangan ko ng pagsasanay kaya minabuti kong bumalik dito sa bundok para mahasa pa akong mabuti. Ako ang isa sa pinakamalakas at magaling sa grupo namin. Ako ang nag-iisang pinili ni Pinuno para makapag-aral sa lungsod na tutupad sa misyong marami ang sumubok pero nabigo. "Pareho kayo ni Andrew na magaling at inaasahan ng hukbo. Kayo ang mga bagong henerasyong alam kong may kakayahang mamuno. Balang araw kapag natupad natin ang ating layunin gusto kong magpakasal kayo ni Andrew. Mas magiging malakas at matatag ang hukbong ito kung sabay ninyong pamumunuan," wika ni Pinuno habang sinisipat ang pinaka-huling target ko sa araw na ito. Si Andrew ang isa sa aking kababata na ngayon ay napasok na sa serbisyo. Katulad ko, mayroon din siyang sariling misyon. Siya ang nagbibigay ng mga impormasyong atake ng hukbo kaya maiwasan namin ang mga ambushed at pagsugod mula sa kabilang grupo. Simula palang nakatatak na sa aking isipan na si Andrew ang mapapangasawa ko kaya hindi ako tumingin sa kahit sino ng nasa lungsod pa ako. Pareho kaming nag-aral na mabuti ni Andrew na nagsikap para sa hukbo. Kailanman hindi matutumbasan ng kahit ano ang pagmamahal at pagpapahalaga sa hukbong binuo ng aming pinuno. Nangako ako at sumumpa sa simbolo ng aming sandatahang lakas na magiging tapat ako hanggang sa huling hininga at patak ng dugo ko. I was born ready to fight.. Fighting for the love of my country. Maraming ahas sa lipunan, sila ang makamandag na nilalang na pumapatay sa mga mahihinang mamamayan. Ang kasakiman nila ang ugat ng karahasan at kaguluhan sa bansa. Mga tulad nila ang dapat mawala sa mundo at walang karapatang mabuhay. Sa kabila ng lahat ng ito bulag ang lipunan dahil sila mismo ang nagkakanlong sa mga ito. They run into position that can help them to cover their wrong doings and crimes. Kaya patuloy na nalubog ang bayan sa kahirapan dahil sa mga tulad nilang linta na sumisipsip sa dugo ng lipunan. "Okay, shot!" sigaw ni Pinuno mula sa likuran ko ang nagbalik sa akin sa sarili. Sinipat ko na mabuti ang buo ng niyog mula sa kinalalagyan ko three hundred meters din ang pagitan at kailangan kong tamaan ito para matapos na ang training ko sa araw na ito. Isang siguradong kalabit sa gatilyo ng M16 Ripple na hawak ko ang pinakawalan ko at bingo tinamaan ko ang target ko. "Magaling, mahusay. Hindi ka parin nagbabago, Yara magaling ka pa rin at walang kupas," puri nito sa akin. ngunit hindi ko inaasahan ang gagawin nitong biglang atake ng sipain ako nito sa likod ng binti kaya nawalan ako ng balanse at ikinabagsak ko sa lupa. "Magaling ka pero masyado kang tiwala sa sarili mo at sa paligid mo. kaya 'yan ang ikapapahamak mo. Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo, trust no one," sabi nito habang naka-umang sa leeg ko ang patalim at buong lakas nakadagan ang kanang tuhod sa likod ko kasabay ng pagpilipit nito sa kanang braso ko. Halos hindi ko maigalaw ang sarili ko dahil isang maling kilos ko alam ko na mahihiwa ang leeg ko at mababalian ako ng buto. "Tatandaan ko po Pinuno, paumanhin po," mapagpakumbaba na sabi ko. Naramdaman ko ang pag-angat ng tuhod nito at ng pagkawala ng pwersa sa katawan ko. Gumulong ako sa lupa para makuha ko ang lakas na kailangan ko para makatayo. "Tandaan mo ang lahat ng itinuro ko sa iyo dahil hindi sa lahat ng oras kasama mo ako. Tanging ang kaalamang itinuro ko ang siyang babaunin mo pagbaba mo ulit sa kapatagan. Tanging ikaw lamang ang magta-tanggol sa sarili mo at walang ibang gagawa noon kung hindi ang ikaw lang," mahabang paalala nito sa akin. Siya si Pinunong Lester. Tinatawagan naming ka Lester. Sa edad na animnapu malakas at matatag parin ito. Magaling sa pakikipaglaban at matapang, siya ang iniidolo ko. Gusto ko na maging katulad niya balang araw. Dati itong mataas na opisyal ng Arm Forces at sumapi sa grupo dahil na rin sa maling kalakarang nakita nito sa system ng gobyerno. Naging pinuno ito sa galing at kakayahan kaya hanggang ngayon nanatiling matatag ang samahan. Siya ang back bone ng hukbo. Utang namin sa kan'ya ang lahat at siya ang itinuturing naming ama. Walang kahit isa sa amin ang nakagawa ng mga ginawa nito na para sa hukbo. Talino at determination nito ang naging puhunan kaya mayroon kaming kapayapaan sa hukbong aking kinalakihan. Anak ako ng isang magsasaka sa Laguna, sabi ni pinuno natagpuan niya ako matapos ang engkwentro ng militar at rebelde. Isa pa siyang sundalo ng mga panahong iyon at inutusan ng kanyang commanding officer na iwan ako at tumakas para mailigtas ang sarili dahil halos maubos umano ang grupo nito matapos ang sagupaan ng mga rebelde sa lugar. Dito siya nadakip ng mga rebelde kasama ako dahil sa hindi ako nito nagawang iwan na mag-isa sa lugar na iyon Ang pag-aakalang papatayin at sasaktan kami ay nagbago ng ituring siyang kaibigan ng mga rebeldeng nakahuli sa amin. Idineklarang missing in action si pinuno ng pamahalaan at inakalang napatay ito sa ambush ng mga panahong iyon. Dito nagkaroon siya ng pamilya ay halos kasabay kong lumaki ang naging anak-anakan nitong si Andrew. Kaya bakit hindi ko susuklian ng katapatan at pagmamahal ang hukbo ganong sila ang humuhubog, nag-aruga at nagpalaki sa akin. Mahal ko ang grupong ito. Wala man ang material na bagay pero puno kami ng pagmamahalan. Dito naranasan ko ang magkaroon ng pamilya. Dito hindi ko iniisip na iba ako at nag-iisa. They are my family, kung kinakailangang ibuwis ko ang sariling buhay gagawin ko para sa kanila at para sa kapayapaang hinahangad namin para sa bayan. "Pinuno, Yara!" Tawag sa amin ng asawa nitong si Ka Andrea. "Handa na ang hapunan, halina kayo." tawag nito sa amin. Sabay kaming naglakad ni pinuno pabalik sa pinaka-pusod ng kuta. Dito sabay-sabay kaming kumakaing lahat. Dito isa kaming pamilya, walang naiiba at walang anak na nag-iisa. "Kailangan mo ng makabalik ng lungsod, inaayos na ni Andrew ang mga kakailanganin mo doon. May tao na rin akong mag papasok sa iyo sa hospital kaya kailangan mo ng makababa sa lalong madaling panahon," sabi ni pinuno ng nakaupo kami sa harap ng lamesang puno ng pagkain. "Opo pinuno," magalang na sagot ko. "Since free po ako bukas gusto ko po na magkaroon ng check up sa mga kasamahan natin bago ako bumaba ng bundok sa makalawa," paalam ko. "Maganda iyang naisip mo. Sige ipapahanda ko ang kakailanganin mo. Magpahinga ka na pagkatapos nating kumain," sabi pa nito. Isang tango ang ginawa ko dahil sarap na sarap ako sa mga pagkaing nasa harap ko. Ito ang namimiss ko dito sa hukbo, mga fresh na pagkain at masayang salu-salo. Pumasok ako sa kubong laan sa akin matapos kong maglinis ng katawan. Tanging mga huni ng pang-gabing ibon ang siyang naririnig ko. Kahit pagod hindi pa rin ako dalawin ng antok, iniisip ko ang posibleng mangyari sa akin sa lungsod. Oo nga at sanay ako mamuhay mag isa noong mga panahong nag-aaral pa ako pero iba ngayong susunod kong pagbaba mula sa bundok. Ngayon, baon ko na ang misyon na matagal kong pinaghandaan at matagal na sinanay ni pinuno. Dalawang gabi na lang alam kong simula na ng misyon ko, simula na ng laban para sa bayan. Ako si Yara Salazar ang isang magaling at topnotcher na doctor at isang rebelde. Sa muling pagtapak ko sa lungsod iisa ang misyong nasa isip at puso ko at kailangan pag tagumpayan ko ito. Hindi ko sila bibiguin at iyan ang pangako ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
82.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
185.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
141.3K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

His Obsession

read
92.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook