Chapter 5

3001 Words
YARA Dahil sobrang traffic sa SLEX ay inabot ako ng labing isang oras instead na eight hours lang dapat na byahe pa Cubao terminal. Nakakabagot at nakakapagod ang ganito kahaba na byahe. Masakit sa likod at balakang din na halos isang araw akong hindi tumayo ay naglakad. Laking pasasalamat ko na nakarating din kami sa wakas kahit na usad pagong ang byahe. Kung bakit ba naman kasi nag-one way sa pagpasok namin ng Tagkawayan sa Quezon dahil sa dami ng inaayos na daan na hindi matapos-tapos. Tuwing dadaan kasi ako sa lugar na 'yon ay laging may inaayos na kalsada. Halos buong probinsya kasi ng Quezon Province ang daraanan ko bago makapasok ng kabikolan. Nag-inat muna ako bago kinuha ang mga gamit na nasa taas na compartment ng bus na sinakyan ko at saka mabilis na bumaba ng bus. Pagod man sa mahabang byahe ay magaan ang pakiramdam ko. Sa wakas natapos na ang training ko at balik na naman ako sa dati. Sumakay ako ng taxi at kaagad na nag-pahatid sa condo unit na tinitirhan ko sa Mandaluyong. Wala pa ring pagbabago dito sa lungsod. ma-traffic pa rin sa tuwing lalabas ako kahit umaga pa lang na gaya nito. Hindi nawawalan ng tao sa kalsada at marami laging sasakyan na nagkalat. Sa sobrang dami ng populasyon ay hindi na kinaya ng lungsod na i-accommodate ang lahat. Tanging mga negosyante at mayayaman ang namamayagpag habang ang iba naman ay lalong naghihirap. Mukhang katulad ng pamamalakad sa gobyerno ay wala na rin pag-asa na maayos ang buhol-buhol na traffic sa edsa maging sa lahat ng main road at highway ng bansa. "Ma'am andito na po tayo," sabi ng taxi driver na naghatid sa akin sa harap ng condo ko sa Governor Place. May kamahalan man ang lugar na ito pero nakayanan ko bayaran ng paunti-unti dahil na rin sa propesyon at mga raket ko sa buhay. "Salamat po manong," sabi ko sabay abot ng bayad. "Ma'am tree hundreds and forty-five pesos lang po ang bill ninyo. Pasensya na po pero hindi po kasya ang panukli ko na narito sa bulsa ko. Kayo pa lang po kasi ang unang pasahero ko ngayong umaga," kumakamot sa ulo na sabi nito sa akin matapos tingnan at bilangin ang pera sa bulsa. "Magkano po ang pera ninyong panukli tatay?" tanong ko dahil kung hindi ako nagkakamali ay nasa higit anim naput-limang taong gulang na ito o higit pa. Masyado na itong matanda para magmaneho at magdala ng taxi lalo na at ganitong gabi na madilim. Hanga ako sa tatag at determinasyon ng taong kaharap ko dahil hindi lahat ng tao na kasing edad n'ya ay may kakayahan na gawin ang bagay na ginagawa n'ya ngayon. "Nasa tatlong daan mahigit lang po ma'am," sagot nito sa akin matapos muling bilangin ang hawak na pera sa harap ko. Tumango ako at nagsimulang bumaba sa taxi nito buhat ang backpack na siyang tanging dala ko. Hindi ko na kasi kailangan na magdala ng maraming damit dahil marami akong magamit na gamit sa hukbo tuwing aakyat ako ng bundok. Isa pa sanay na ako sa ganito na minimize lang at personal na gamit ang dala ko. Sa ilang taon ko sa bundok naranasan ko ang ilang ulit na lumipat ng lugar dahil na rin sa banta sa aming seguridad. May mga pagkakataon kasi na natutonton kami ng mga tropa ng gobyerno at nauuwi sa sagupaan kaya minabuti namin na tumira sa pusod ng kagubatan kung saan mahirap maabot at higit sa lahat ay ligtas kami. Mapanganib ang mabuhay sa bundok. Hindi lamang ang mababangis na hayop ang kalaban namin kun'di ang mga sundalong tumutugis sa amin. Mga sundalo na umaapak sa aming karapatan at walang awa kung pumatay ng mga kasamahan ko na akala mo ay hindi tao at hindi kapwa pilipino. Nakakalungkot pero ito ang buhay namin sa bundok. Ito and kinamulatan ko at ito ang buhay ko. "Okay lang po tatay keep the change," nakangiting sagot ko matapos kong makababa ng taxi. Naaawa rin kasi ako sa matandang kausap ko na kung pagbabasehan ko ang anyo nito ay papasa na talaga na lolo ko. Bumukas ang pintuan at mabilis na nakalapit sa akin si tatay na taxi driver. "N-naku ma'am sigurado po ba kayo? Malaki po kasi ang sukli n'yo. P-pwede n'yo na po kunin ang pera na hawak ko at papalitan ko na lang ang isang libo mo para may panukli po ako sa iba," nauutal at mukhang hindi makapaniwala na sabi nito. Sabagay hindi nga naman lahat willing na gawin ang ginawa ko. Malaking bagay na sa aming mga mahihirap ang halaga na binigay ko. "Opo, okay lang po. Keep the change para maaga po kayong makapag pahinga," magalang at nakangiti na sabi ko. Naiiyak si tatay sa harap ko, marahil masaya ito sa ginawa at sinabi ko. "Naku ma'am hindi ko po ito tatangihan lalo na at kailangan po ng anak ko ito para sa gamot. Kaya kahit kulang po ako sa tulog sa pag-aalaga sa kan'ya ay namasada po ako," ramdam ko ang saya sa kabila ng paghihirap ng loob ng taong kaharap ko. "Ano po ang sakit ng anak ninyo tatay?" hindi ko mapigilang itanong. Marahil ay dala na rin ng pagiging doktor ko kaya nagiging malambot ang puso ko sa mga pagkakataon na gaya nito. Lalo pa at ramdam na ramdam ko ang katotohanan sa bawat salitang binibitawan ng taong kausap ko. "Nagkaroon po ng impeksyon ang sugat sa paa ang anak ko. Napabayaan po niya hanggang sa nangitim ang paa at umabot na po sa hita dahil na rin po sa kakulangan ng pang pagamot. Lumala ito at naputol ang isang paa. Akala namin ay hanggang doon na lang po 'yon pero bumalik ang impeksyon at ngayon nagsisikap po akong makapag-pasada kapalitan ng kumpare ko sa umaga hanggang alas nueve para may pambili po ako kahit panlinis sa sugat niya at gaza. Kaya malaking tulong po ang binigay ninyo na ito ma'am. Malaking bagay po ito sa akin. Sa amin ng anak ko," mahabang kwento nito sa akin. Napabuntong-hininga ako, mga ganitong tao ang kailangan ng medical at financial na tulong pero hindi makalapit sa may katungkulan dahil walang kapit at kakilala. Kaya ang resulta heto sila nagdurusa at nagsisikap para sa sarili. Binuksan ko ang wallet na hawak ko at inilabas ang calling card ko kasama ng dalawang libo at iniabot dito. Maang na inabot nito ang ibinigay ko at awang ang labing nakatingin sa akin at hindi makapagsalita. Marahil ay nagulat ito sa ginawa ko o kaya naman ay masyado siyang natuwa kaya hindi nakapagsalita. "Idagdag na po ninyo 'yan para sa pangangailangan ninyo. Sana ay makatulong po 'yan sa inyo," sabi ko. "Isa po akong doctor at may time po na nasa PGH ako tuwing lunes at sabado alas dyes hanggang alas tres ng hapon ang duty ko. Dalhin po ninyo ang anak nin'yo d'yan para matingnan ko," sabi ko dito. "Naku ma'am malaking bagay po ito. Hulog po kayo ng langit sa mga kapus-palad na tulad namin. Hindi po lahat ng doctor ay gaya n'yo na may mabuting puso at handang tumulong sa mga mahihirap na gaya ko," napaluha na sabi ni tatay. Hindi na bago sa akin ang mga bagay na narinig ko mula dito. Malimit ay ganito ang tagpo sa harap ko matapos kong tulungan ang mga kapus-palad na pasyente ko. "Wag na po ninyo isipin ang mga iyon 'tay. I-recommend ko po ang anak n'yo at ilalapit ko po sa swa maging sa iba pa na government agency ang sitwasyon ng anak nin'yo para hindi na po kayo mag-isip ng pambayad sa ospital," sabi ko sabay tapik sa balikat nito. "Napakabuti at napakabait po ninyo ma'am. Sana ay hindi po kayo magbago. Sana marami pa po kayong matulungan tulad ko," nakangiti na sabi nito marahil ay gumaan na ang mabigat na pakiramdam nito dulot ng dinadalang problema. "Wala pong anuman tatay. Ano po ang pangalan ninyo?" tanong ko pa. "Sandro anak, pwede mo akong tawaging tatay Sandy," sagot nito. "Okay po, ako po pala si Yara. Doctor Yara Salazar," pakilala ko sabay abot ng kamay na agad namang inabot nito at nakipag-kamay. Nakangiti akong kumaway matapos itong sumakay sa taxi at nagpaalam na uuwi na. Magaan ang pakiramdam ko na nakatulong sa iba at nakagawa na naman ako ng mabuti sa araw na ito. Isa na naman itong achievement para sa akin. Hindi man ako lumaki na mayaman ay sinisikap ko na makatulong sa nangangailangan sa maliit na paraan. "Good morning ma'am," bati sa akin ng dalawang security guard sa lobby ng condo na pumasok ako. "Good morning," sabay kaway ko sa mga ito bago mabilis na naglakad at tinungo ang mailbox ko. Marami akong mga sulat na natanggap. Sympre hindi mawawalan ang buwan-buwang hindi nakakalimot magpadala sa akin ang bill. Mga sulat at notice mula sa meralco, tubig at bill ng network provider ko. Isang sulat ang nakakuha ng atensyon ko. Sulat mula sa main office ng Philippine Army General Hospital sa Taguig. Hindi ko inaasahan na darating ito, dahil kailan lang ako nagpasa ng application sa kanila. Tama nga si pinuno maging mas mabilis ang misyon ko kapag naging doktor ako dahil kulang na kulang ang medical staff doon at marami ang umaalis na magaling na mga doktor sa bansa para subukan ang bagong buhay abroad. Hindi na rin ako magtataka dahil sa ganda ng track record ko. Alam ko na hindi nila gugustuhin na i-turn down ang application ko lalo na isa ako sa nanguna sa medical exam. Napangiti ako sa sarili habang hawak ang sulat ng confirmation ko. "Ilang hakbang na lang Yara, sasabak ka na sa totoong misyon mo," kausap ko sa sarili habang paakyat ang elevator na sinasakyan ko sa floor ng unit na pag-aari ko. "Good luck self, kayang-kaya mo 'yan Yara," kausap ko sa sarili at saka lumabas ng elevator at pumasok sa unit na nag-iisang saksi ng lahat ng paghihirap at sakripisyo ko… Samantala…. LEO Mainit ang ulo ko ng iwan ko ang headquarters ko. Lintik pauwi na nga ako para magbakasyon ay heto at pinatawag pa ako para pagpaliwanagin sa ginawa kong pagsuntok sa kumag na 'yon. Malas niya sa akin siya na tapat at imbis na paliwanag ang nakuha nila mula sa akin isang sapak ulit natanggap ng kumag na hindi nakapalag. Pasalamat siya at iyon lang inabot niya sa akin, hindi gaya ng mga tauhan ko na ngayon ay pantay na ang mga paa at malamig na bangkay habang isa-isang inihahatid sa kanilang probinsya. Kilala ako sa departamento ko sa pagiging seryoso katulad ng daddy ko. Pero malaki ang pagkakaiba namin gaya ng sabi ng mga naging superior ko. Hindi ako pasensyoso na gaya ng aking ama kaya malas ng taong 'yon dahil nakatikim s'ya ng bagsik ng kamao ko. Maikli ang pasensya ko at talagang tinatamaan ang mga bobong tauhan na gaya ng kumag na iyon. Siguro naman ay matututo at magtatanda na s'ya pagkatapos nito. Alam ng superior ko kung gaano kahalaga sa akin ang mga tauhan ko. Kaya imbes na masabon ako ay sinibak nito ang kumag na sinuntok ko kanina at inilipat ng destino. Mabuti na ang gano'n dahil baka sa oras na bumalik ako dito at nakasalubong ko siya na hahara-hara sa daan ko ay makatikim na naman siya ulit sa akin. Pasalamat siya at iyon lang inabot niya dahil kung ako lang ay itatapon ko siya sa basilan ng makasagupa siya ng totoong giyera, hindi iyong nagpapalaki siya ng tiyan sa opisina niya at pumupurol ang kukote dahil hindi nagagamit. Mukhang isa ito sa bata ng general na nakapasa sa PMA dahil sa koneksyon. Kaya ngayon na nasa trabaho na ay walang alam sa tunay na trabaho. Kuyom ang kamao na lumabas ako ng kampo habang kasama ko ang ilang tauhang naghatid sa akin sa Balanga bus terminal. tinanghali na tuloy ako bago nakaalis at mukhang gabi na ako nito makarating sa Maynila. "Wag lang talaga magtagpo ang landas namin muli at makita ko siya sa daan ko baka mabangasan ko siya ulit," gigil na bulong ko sa sarili habang nagngingitngit. "Sir andito na po tayo sa terminal," sabi ng batang sundalong kasama ko. "Sige tutal paalis na ang bus, bumalik na kayo sa kampo ako ng bahala dito," seryoso na sabi ko habang umiikot ang mga mata sa paligid. "Sir, yes sir!" sabay-sabay na saludo ng mga ito bago ako sumakay sa papaalis na bus. Nakita ko pa na nakasunod ang mga ito sa sinasakyan ko at tuluyang nawala sa paningin ko ng tahakin ng army truck na sinakyan ko ang daan pabalik sa kampo. Mahaba ang naging byahe at madilim na ng makarating ako sa bahay namin. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang mga ilaw sa paligid ng bahay namin. Ito lang kasi ang may apat na palapag sa subdivision na tinitirhan namin plus talagang pinaganda ito ni daddy dahil regalo niya ito kay mommy. Lihim akong napangiti sa sarili ng maisip ang mga magulang at kung paano kaming magkakapatid lumaki na puno ng pagmamahal. Nag-doorbell ako at agad lumabas ang isang maliit na babae. "Leo anak, ikaw nga!" bulalas nito sabay yakap sa akin. Napangiwi ako ng tamaan nito ang sugat ko. Palibhasa kasi maliit ito kaya bahagyang yumuko ako ang yakapin ako nito. "Ya, sandali baka dumugo ang sugat ko. Natamaan ng palakol mo na braso," biro ko dito dahil madalas sa amin ako ang pinaka-paborito nito dahil ako ang pinaka-gwapo. "Naku, bakit may sugat ka? Anong nangyari sa iyo? Malilintikan ka na naman sa mommy mo lalo na ngayon ka lang umuwi tapos may tama ka pa," nakapamewang na sabi nito habang pinandidilatan ako ng malalaking mata. Sanay na ako kay yaya, dahil kasama namin siya mula noon at hindi itinuturing na iba sa amin. Lumaki akong puno ng pagmamahal mula sa kan'ya hindi lang dahil kasambahay namin s'ya kun'di isang itinuturing na kapamilya. Expected ko na mag-react na naman ang mommy ko. Kaya nga ayaw ng aking ina na magsundalo ako gaya ni daddy dahil dito. Pero nasa dugo na yata namin ito at hindi ako nagawang pigilan ni mommy kahit iniyakan ako at halos itakwil ako nito ng araw na ipaalam ko na aalis ako at papasok ng PMA. "Mom, I'm home," sigaw ko ng makapasok. Sanay na si mommy sa akin dahil ganito ako tuwing umuuwi. "Oh my god! you're back!" bulalas ni mommy saka ako niyakap ng makalapit sa akin. "Welcome home anak," yakap din ni daddy sa amin ni mommy at sabay halik nito sa ulo ng mommy ko. Hanggang ngayon talaga napaka-sweet pa rin nila. Kaya idol ko si daddy dahil dito. Never ko nakita at narinig na nag-away sila ng tungkol sa babae. Si daddy ang isang buhay na patunay na kayang maging seryoso at magmahal ng tapat at iisa lang ng isang sundalo. Malayo sa nakatatak sa isip ng publiko na mga babaero kami basta sundalo. "Sina Liam at Lyndon?" tanong ko ng bitawan ako ng mga magulang ko. Hindi pa nakaka sagot sina mommy ng may narinig akong sigawan sa labas at humahangos na pumasok si Yaya Maria. "Anong kaguluhan iyan?" tanong ni daddy. "Si Liam po Sir Mateo, may kaaway na babae sa labas.," humihingal na sabi nito. F-uck, hindi pa rin talaga nagbabago ang kakambal ko hanggang ngayon, pala away pa rin ng babae. Napakasungit kasi ng isang 'yon na akala mo lagi ay may buwanang dalaw. "Sinong kaaway?" kunot noo na tanong ni mommy habang kasabay naming lahat na mabilis na naglalakad palabas ng bakuran. "Iyong bago nating kapitbahay, si Shaira. Siya ang magandang dalaga na nakatira sa harap sa tapat natin," sabi ni yaya. Lahat kami napahinto ng makita namin ang mukha ng kapatid ko na parang susugod sa giyera. Talo pa nito ang natalo sa bidding sa negosyo sa tiim ng mukha at angas ng awra na kaharap ang babaeng Shairah umano ang pangalan. Tsk! iba talaga trip nito ni Liam pumatol sa babae. Wala talaga itong sinasanto basta kinaiinisan nito. Sigurado naman ako na straight ang kapatid ko kaya malabo na makipag-sabunutan at sampalan ito. "B-itch, bayaran mo yang gulong ko!" gigil na sigaw ni Liam ang narinig namin ng makalapit kami. "Gago! bakit maibabalik mo ba ang buhay ng pusa ko na pinatay mo?! Kahit ilang pera pa ibayad mo, namatay na ang alaga ko at hindi mabubuhay dahil sa kapabayaan mo!" galit na ganting sigaw pa pabalik din ng babaeng kaharap nito. "Pusa lang yan-" hindi na natapos ng kapatid ko ang sasabihin ng sapakin ito ng babae sa mukha na ikinapaling ng mukha nito. Hindi ko tuloy alam kung lalapitan ko ang mga ito para umawat dahil maging ako napangiwi sa nasaksihan ko. "Buti na lang hindi lahat ng tao sa mundo ay kagaya mo na iresponsable. Dahil kung hindi, mauubos lahat ng nilalang sa mundo dahil sa mga taong kagaya mo," duro nito sa kapatid ko na parang napako sa kinatatayuan nito. Maang na nakatingin ang kapatid ko sa babaeng sumapak dito. Bubuka pa sana ni Liam ang bibig niya ng batuhin ng pinulot na bato ang salamin ng sasakyan nito ng babaeng kaaway bago padabog na pumasok sa gate ng bahay katapat namin. Naka-ngisi at umiiling na nakatingin ako kay Liam, mukhang nakakuha ito ng matapang din na katapat na kapitbahay. Tanging tsk lang ang narinig ko mula rito at saka pumasok sa loob at naiwan kaming nagkatinginan ng mga magulang ko. I know, nasaling ng babaeng 'yon ang ego ng kapatid ko at mukhang hindi pa dito matatapos sa puntong ito ang bangayan ng dalawa. Hihintayin ko na lang ang mga susunod na mangyayari dahil mukhang makakapanood pa ako mg mas magandang eksena. Mukhang masusulit ang bakasyon ko. May aaliw sa akin at may palabas na aabangan ako. Isang lingon ang ginawa ko sa bahay na pinasukan ng babaeng kaaway ni Liam bago mabilis na pumasok sa gate namin kasunod ng mga magulang ko. Hindi ko tuloy napansin ang matatalim na mga mata na nakapukol sa direksyon namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD