LEO
Kahit may tama sa balikat ay pinuntahan ko ang mga tauhan ko na critical ang lagay maging ang ibang tauhan ko na namaalam matapos mapuruhan sa naganap na sagupaan ng tropa namin at ng mga rebelde. Halos mapuno ang hospital na pinagdalhan sa amin sa dami ng sugatan kasama pa ang ibang troops na sana ay mag-responde sa amin na natambangan din pala habang papunta sa lugar kung saan kami na ambushed.
"Montenegro," bati sa akin ng company commander ng 10th division na si Captain Matias.
"Sir," sabay saludo ko dito kahit masakit ang balikat ko sa tama ng bala.
"Kailangan mo ring matingnan at magamot. You also wounded," sabi nito na seryoso ang mukha habang nakatingin sa akin.
"Yes sir," tanging nasabi ko dahil hindi ko pwedeng salungatin ang utos ng opisyal ko na nakakataas sa akin.
"Under investigation na ang nangyaring ambush sa inyo. We, coordinate na rin sa Fort Bonifacio para sa assistance ng mga nasawi nating tauhan, they asking for detailed reports. I hope you can do that as soon as possible," sabi pa nito habang kasabay kong naglalakad pabalik sa ward na pinanggagalingan ko.
Tama s'ya sa ganitong pagkakataon tanging ako lamang ang dapat na gumawa ng reports kahit sugatan ako. Hindi sagabal ang tama ng bala na natanggap ko para hindi gawin ang trabaho na nakaatang sa balikat ko.
Bilang pinuno ng tropa ng platoon na hawak ko ay ako mismo ang gagawa ng report. Mahabang paliwanag kung bakit naganap ang insedente at bakit maraming namatay sa tauhan ko maging mga sugatan.
Nasa public government hospital kami dahil walang army hospital na malapit dito sa lugar na pinangyarihan ng insedente. Hindi rin kami pwedeng mamili kung saang hospital namin gusto dahil maraming buhay ang nakasalalay.
Mabuti na lamang at na accommodate kaming lahat dito dahil kung hindi mas marami ang mamamatay sa mga kabaru ko.
"Kailangan mong mag-report sa opisina ko oras na maayos na ang sugat mo. Better, pagamot mo na 'yan bago pa maimpeksyon. Mabuti at magaling ang medic mo at naagapan ang tama mo lieutenant," sabi pa nito habang sinusuri ng tingin ang tama ng bala sa balikat ko.
May idea na ako kung para saan ang magaganap na reporting sa opisina nito. Mukhang tungkol ito sa isang bupol na opisyal na na kasagutan ko. That son of a b***h, kailangan kong balikan sa opisina niya ang kumag na 'yon ngayon at mapadugo ko man lang ang ilong at nguso nito.
Hindi ko nakakalimutan ang ginawa n'ya at lalong hindi ko pwedeng palampasin ang sinabi ko sa kan'ya ng mga oras na kausap ko siya habang nakikipaglaban kami sa mga rebelde na umambush sa amin. Dahil sa kan'ya ay halos maubos kaming lahat. Buti na lang at may nakapag-coordinate sa amin na ibang battalion dahil kung hindi ay naubos kami ng dahil sa kan'ya, sa kapabayaan at kabubohan n'ya.
Aalamin ko kung sino ang bobo na iyon at babalikan ko siya. Hindi pa ako natatapos sa salitang binitawan ko lang kaya hintayin n'ya na makalabas ako dito dahil pupuntahan ko talaga s'ya.
Nagngingitngit ako sa galit ng maalala ang katangahang ginawa nito. Hindi kami sa bala mamatay kung hindi sa kapabayaan ng isang opisyal na kagaya niya. Wala siyang karapatan na maupo sa malamig na opisina kinalalagyan n'ya dahil wala siyang pakialam sa mga tulad namin na nasa field at maaari na magbuwis ng buhay gaya ng ilang tauhan ko.
"Sir, titingnan ko po ang sugat ninyo," sabi ng isang doktor na pumasok matapos na dalhin ako ng isang nurse na nag-assist sa akin sa isang kwarto para gamutin ng makitang may sugat din ako.
Tumango ako at agad na hinubad ang uniporme na suot ko. Bakas ang umagos at natuyo na dugo sa damit ko ng hindi ko ito napansin dahil na rin sa tensyon na pinagdaanan namin kanina. Balewala ang sugat na tinamo ko sa balikat kumpara sa mga kasamahan ko na nagbuwis ng buhay at ang iba ay kasalukuyan na nakikipaglaban kay kamatayan.
Nililinis ng doktora na kaharap ko ang bungad ng sugat at saka tinanggal ang bala at nilagyan ng benda. Hindi ko alintana ang sakit dahil higit pa doon ang sakit na nasa puso ko para sa mga kasamahan kong namatay sa nakaraang sagupaan.
Kahit sabihin pa na isa akong matatag at tigasin na sundalo ay dumarating ang mga panahon na gaya nito na na-low moral ako dahil sa emosyon ko para sa mga kasamahan ko.
"Salamat," maikling sabi ko na lang sa doctor na gumagamot sa akin.
"Kailangan n'yo po munang magpahinga sir," medyo namumula ang mukha na sabi nito.
Sanay na ako sa ganitong reaction ng mga babae sa paligid ko. Bukod sa isa ako sa pinakamagaling sa batch ko sa PMA, namana ko rin ang tikas at pagiging magandang lalaki ng daddy ko. Ako nga raw ang pinakakamukha n'ya at syempre pinakapaborito na rin. Siguro ay dahil ako ang sumunod sa yapak nila ni Papa Conor.
Idol ko si daddy, maging ang lolo at tita Marga ko kaya sa aming lahat ako ang bukod tangi na sumunod sa yapak nila. Naging isa sa kilalang businessman sa bansa ang kapatid kong si Liam habang si Lyndon naman pumasok sa music industry. Pareho silang lumikha ng matatag na pangalan sa karera na pinasok nila.
Kahit malaki na kami ay overprotective pa rin si daddy. Lahat kami ay lumaki kaming fully train sa martial art dahil na rin sa kagustuhan ni daddy. Gusto niyang kaya naming pangalagaan at ipagtanggol ang sarili namin kahit mag-isa kami sa kahit anong sitwasyon.
Ang mommy ko naman ay isang tiger mom. Mas snappy pa siya kaysa kay daddy at nag-iisang kinatatakutan naming lahat oras na lumaki ang singkit na mga mata nito. Mas nakakatakot kasi siyang magalit at talaga namang may kalalagyan kaming lahat oras na hindi niya nagustuhan o kaya may nagawa kaming kasalanan.
Gano'n pa man, lumaki ako sa isang maayos na pamilyang na puno ng pagmamahal. Dad always put our family first in any kind of situation. Kinalakihan ko ang tapat na pagmamahal ng mga magulang ko kaya nabuo sa isip ko na balang araw kung mag-aasawa man ako ay gusto ko ang kagaya sa mga magulang ko.
"Sir," nabaling ang atensyon ko sa nurse na nagsasalita na nakatayo na sa harap ko.
"Kailan ako pwedeng lumabas dito?" derecho na tanong ko.
Nagkatinginan ito at ang doctor na kasama na siyang gumamot sa akin.
"Hindi pa po kayo pwedeng lumabas sir kailangan n'yo rin po munang magpahinga. Isa pa po, kahit na sa balikat lamang ang tama ng bala ay malalim po ito at maraming dugo rin ang nawala sa iyo," sagot ng doctor na gumagamot sa akin.
Napakunot noo ako at saka bumaling dito.
"Look doctor, daplis lang sa balikat ang tama ko at malayo sa bituka. I don't think I need to stay here longer. It's not really needed," seryosong sagot ko na nakatingin sa mga mata nito.
Ilang ulit itong lumunok at tila natitilihan marahil ay nag-isip muna bago sumagot.
"Sir, fresh pa po kasi ang sugat ninyo at maaari rin ma-infection oras na hindi ito maalagaan ng maayos. Dapat po sa gan'ya na condition mo ay under supervision pa po while inoobserbahan ko pa dahil may possibility na bumuka ang sugat. Just stay for one day po," sabi pa ng doctor na kausap ko.
"Miss, paki-clear na lang ako at paki-issue ng gamot na kailangan ko. Marami sa mga kasama ko ang namatay at kailangan kong gawin ang trabaho ko. So, please don't make it as an issue," walang ka ngiti-ngiting sabi ko.
Lumunok ulit ito saka bumaling sa nurse na kasama bago nagsalita at sinabi na sumunod ako sa kanila habang sabay na lumabas ng pintuan ang dalawa.
Kinuha ko ang uniform na suot ko at mabilis na tumayo kasunod ng mga ito.
"Sir, sa cashier na lang po tayo. Sumunod po kayo sa akin," sabi ng nurse na sinusundan ko saka humiwalay ng lakad sa doctor na kasama namin.
Matapos magbayad at makuha ang mga gamot ay lumabas ako ng hospital. Sa labas maraming sundalo na nakapaligid sa hospital na kinaroroonan namin. Alam ko na nagpadala ng mga tao ang headquarters dito para may magbantay sa buong paligid at lugar kung nasaan ang hospital dahil sa dami na rin ng mga sundalong isinugod dito.
Hindi namin maalis ang treat lalo pa at nasa paligid lamang ang mga rebelde at anumang oras ay maaari silang sumalakay. Hindi biro ang ganitong sitwasyon kaya naiintindihan ko kung bakit ganito karami ang mga sundalo sa lugar.
Kahit ako man ay gano'n ang gagawin ko. Mahalaga sa akin ang kaligtasan ng mga tauhan ko at palagi na sila ang iisipin at uunahin ko sa pagkakataon na gaya nito.
"Sir," saludo sa akin ng dalawang sundalong nasa harap ko.
"Samahan nin'yo ako sa kampo," utos ko sa mga ito saka mabilis na tumalikod at naglakad.
Agad naman na sumunod ang mga ito sa akin at iginiya ako sa isang army truck na nasa parking lot.
May ilang sundalo din ang sumama sa amin para Ihatid ako sa kampo. Karamihan sa mga ito ay mga baguhan na sundalo din at sigurado ako na halos katatapos lamang ng training ng mga ito dahil na rin sa mga ranggo na nasa kwelyo ng mga uniform na suot ng mga ito. Karamihan ay mga Pfc at Private ang nakita kong narito kaya naman bilang mataas na opisyal ay mahalaga sa kanila ang security ko kaya hindi na ako nagreklamo ng sumama ang mga ito sa akin para ihatid ako.
Sanay na ako sa ganitong treatment sa akin. Halos abutin din ng isang oras bago namin narating ang headquarters ng 10th division kung saan kailangan ko na mag-report.
Agad akong bumaba at tinahak ang opisina ng command and control center. Alam ko na kung sino ang pakay ko. Agad na tinahak ko ang daan patungo sa lugar na itinuro sa akin matapos kong malaman ang pangalan ng lintik na opisyal na sadya ko sa lugar na ito.
Napangisi ako ng buksan ko ang pintuan at nakita ang ilang nagulat na opisyal sa biglaang pagbukas ko ng pintuan at walang pakialam sa paligid na pumasok ako.
Tiningnan ko isa-isa ang ranggo at apelyido ng mga taong napasukan ko at ng makita ko ang pakay ko ay agad ko itong nilapitan at isang malakas na suntok ang pinakawalan ko na tumama sa mukha ng taong kaharap ko. Hindi nito inaasahan ang ginawa ko kaya biglang ikinabagsak nito sa sahig habang sapo ang ulo.
Tiim ang bagang na pinanood ko ito habang umi-iling-iling. Marahil ay naalog ang ulo sa malakas na suntok na tinamo. Tama 'yan ng mawala ang hangin na tanging laman ng kukote n'ya. Baka sakali na mawala ang kayabangan n'ya.
Sapo ang dumudugong ilong at bibig saka ito dahan-dahang tumayo. Hindi pa ito nakatayo ng tuwid ng mabilis na sinikmuran ko ito na ikina-ubo nito.
Lalapit sana ang isang kasama nito para daluhan at tulungan ang kasama pero hindi ito nakalapit sa amin ng itaas ko ang kaliwang kamay ko at nagsalita ako.
"Walang makikialam sa inyo dahil oras na lumapit kayo rito o tulungan ang gagong ito ay tatamaan kayong lahat sa akin!" galit na sigaw ko habang marahang hakbang palapit sa gagong nasa harap ko.
Hindi ako takot na ma-court martial dahil mas mataas ang rango ko sa mga ito. Isa pa, may karapatan akong parusahan ang kumag na nasa harap ko matapos niyang i-declined ang request ko na naging dahilan ng mas maraming namatay sa tropa na hawak ko.
"Hindi ba sinabi ko sa iyo na manalangin ka na hindi ako makabalik ng buhay dito? Sinigurado ko sa'yo na babalikan kita hindi ba?" gigil na sabi ko.
Hindi ito nakaimik at nanatiling nakasalampak sa sahig habang hindi malaman kung saan kakapit. Pasalamat siya 'yan lang inabot n'ya hindi kagaya ng mga kasamahan ko na tuluyan na nagbuwis ng buhay.
May tama man ang balikat ko ay balewala ito sa matinding galit ko para sa taong kaharap ko. May matindi ang pinagdaanan ko at mga kasama ko kumpara sa katiting na kirot na nararamdaman ko ngayon dahil sa ilang bigwas na binigay ko rito.
"Sir!" narinig kong bati ng mga kasama ko sa kwarto ng may pumasok matapos bumukas ang pintuan.
"Anong kaguluhan ito?" dumadagundong na boses ng company commander namin.
"Sir!" sabay-sabay na sabi namin matapos magtaas ng kamay para bigyan ito ng salute.
"Sir, si First Lieutenant Montenegro po bigla na lang pumasok dito at sinugod ako," sumbong ng kumag sa harap ko habang mabilis na nakatayo.
"Montenegro?" baling nito sa akin.
"Tinuruan ko lang po sir ng leksyon ng matuto at madala para sa susunod, marunong na siyang gawin ang trabaho ng tama," gigil na sagot ko. Muntik ko ng sirain ang mukha nito kung hindi lang dumating ang opisyal sa harap ko.
"In my office," sabi ni Sir Matias sa akin.
Isang matalim na tingin ang natanggap ng kaharap ko bago ko ito dinuro.
"Hindi pa tayo tapos!" gigil na sabi ko dito saka tumalikod at malaking hakbang na sumunod ako papunta sa opisina ng opisyal ko.
"Sir," nakatayong saludo ko ng makapasok sa opisina nito
"Come in Lieutenant," sabi nito sabay turo sa upuang kaharap ng lamesa nito.
"Sir?" Sabi ko ng nakaupo na ako sa harap nito.
"Gusto kong malaman ang buong detalye ng nangyari sa inyo," sabi nito.
Isinalaysay ko mula sa umpisa ng briefings ng grupo ko hanggang sa pagpapatrolya namin sa lugar na pinangyarihan ng ambush ang mga pangyayari. Sinabi ko rin ang nangyari kung paano ang naging assessment ng opisyal na nasuntok ko kanina sa sitwasyon namin na naging dahilan para malagasan ako ng mas maraming tauhan.
"Sa palagay ko po sir ay may tao sila dito sa loob ng kampo. Alam nila ang naging galaw ng tropa ko, maging ng mga dumating na reinforcement ay na harang nila both side. Alam nila ang ruta at movement ng bawat isa sa amin sir," hindi ko maiwasang ilabas dito ang hinalang na buo sa isip ko.
Nagngingitngit ang kalooban ko sa traydor na nakatanim dito sa headquarters. Ipagdasal lang n'ya na hindi ako ang makahuli sa kan'ya dahil sigurado ako na may kalalagyan s'ya.
"I will conduct deeper investigation regarding this matter lieutenant. Kailangan natin na malaman kung sino siya at maputol ang mga galamay niya sa organization. Hindi siya dapat na malayang nagpagala-gala dito sa kampo. Sigurado ako na may access siya rito dahil kung wala ay paano nila nalaman ang ginawa n'yo na pagpapatrolya sa lugar kung saan naganap ang ambushed sa inyo. Rest assured na personal na tututukan ko ang tungkol dito," mahabang sabi ng opisyal ko.
Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko. Malaking bagay na nasa panig ko ang opisyal ko at pinakinggan ako nito. Alam ko na may basis ang akusasyon ko pero maski siya ay alam niya sa sarili na tama ang hinala ko.
"Meanwhile, magbakasyon ka muna. Mainit ka sa kanila at mukhang ikaw ang puntirya nila. Marahil ay dahil na rin sa record mo at mga achievement mo.
Mukhang may nagkaka-interest sa'yo bata," mahabang paliwanag pa nito.
Wala akong pakialam kung sino man ang poncio pilato na iyon. Alam ko na kung sakali man na totoo ang sinabi ni sir na ako nga ang target ng mga ito ay balang araw ay malalaman ko rin. Hindi magtatagal ay magtatagpo ang mga landas namin at sa sandaling magkrus nga ang bagay na 'yon ay sisiguraduhin ko na pagsisihan n'ya na binangga niya ako.
Hindi ako takot sa kahit ano o kahit na sino. Pinalaki akong matatag at matapang ng mga magulang ko at iyon ang puhunan ko sa labang ito.
Umalis ako ng opisina ng opisyal ko at naglakad palabas ng kampo.
Isang lingon pa bago ako tuluyang umalis sa lugar na iyon para maghanda pauli sa amin sa manila.
Magandang timing na rin ito at malapit na ang birthday naming magkakapatid. Mukhang nataon na magkakasama ulit kami ngayon taon na mag-celebrate. Sa tagal kasi ng panahong ay lagi akong nakadistino sa mga malalayong tulad nito.
Bibihira tuloy kaming makumpleto sa mga panahong special na gaya ng birthday naming tatlo.
Kahit paano ay may maganda rin na bunga ang nangyari pagkatapos ng naganap na engkwentro. Makakauwi na rin ako sa amin sa wakas matapos ang ilang buwan na pagkakadistino ko dito sa Bataan.
At last makikita ko na rin ang mommy ko. I missed her so much siya lang ang nag-iisang babae sa buhay ko, naming magkakapatid. Alam ko na walang makakahigit pa doon kahit na makita pa namin ang babaeng magpapatibok ng mga puso namin. Mananatiling si mommy ang unang babae sa buhay namin, ang aming reyna sa pamilya.
"I'll see you soon mom…" nakangiting sabi ko sa sarili habang iniisip kung paano ito masurpresa sa biglaang pagdating at pag-uwi ko.