MATEO MONTENEGRO Hindi mawala sa isipan ko ang tagpong unang nagharap kami ng ngayon ay asawa na ng anak ko na si Yara. Binabagabang ako sa tuwing bumabalik sa isipan mo ang unang pagkakataon na nakita ko siya. Para bang may nagtutulak sa akin na kilalanin pa siya. Alam ko ang history nila ni Leo kung paano sila nagkakilala hanggang sa umanot sa tagpo na ito na pinakasalan siya ng anak ko. Hindi mawala sa isip ko ang pag-iisip sa pagkatao ng babaeng ngayon ay asawa na ng anak ko. Kung paano sila kabilis na nagkakilala at kung gaano kabilis na umabot sa kasalan. Maniniwala ba ako na pagkakataon lamang ba ang lahat ng ito o posible rin ba na sinadya? May mga loopholes kasi akong nakikita na hindi ko pwedeng ipagwalang-bahala. Maraming tanong sa isip ko kaya ng makita ko ang papel kung