YARA Malakas na tunog ng music mula sa dance floor ang sumalubong sa amin ni Gia ng nakapasok kami sa loob ng bar. Madilim at maraming tao sa buong lugar ang nakita ko habang nakasunod sa staff na maghahatid sa amin sa table na kinuha ni Gia. Ewan ko ba naman sa babaeng ito kung bakit kumuha pa ng VIP table gayong palagi naman kami sa bar counter kapag pumupunta kami sa ganitong lugar. Hindi maikakaila na pang mayaman ang lugar na ito. May privacy din dahil sa distance ng bawat table at upuan sa lugar. Sabagay sanay na ako kay Gia kaya hindi na ako magtataka kung dito kami napunta. Palibhasa kasi laking anak mayaman ito at nasusunod ang lahat ng gusto sa buhay kaya wala itong pakialam kung magwaldas ng pera. Siguro kung hindi ko pa ito nakilala ay baka hanggang ngayon ay bulakbol p