YARA Panay ang salin ng kaibigan ko ng inumin habang panay ang kwento na akala mo nagdadalaga na nagkaroon bigla ng crush si Gia. Hay, iba talaga ang tama ng kaibigan ko. Kanina lang eh panay ang iyak nito sa condo niya tapos ngayon heto at kinikilig na sa foreigner na humalik sa kan'ya sa dance floor. "Naku best, kung inaya niya ako kanina go na ako. Ang yummy at hot n'ya eh, sure na hindi ako malulugi sa kan'ya panigurado," hirit pa nito. "Mabuti na rin pala at hindi ko binigay sa unggoy na iyon ang virginity ko. Kung hindi ay nawalan na ako niloko pa ako. Ang masaklap pa doon pa ako sa taong mukhang uranggutan," sabi pa nito habang namumungay ang mata. Mukhang mauuwi na kami sa pagdadrama dahil ang kaibigan ko ay mukhang tinamaan na masyado na rin kasing marami ang na inom niya ha