YARA Heto kami ni Leo magkatabi na nakaupo dito sa sofa habang pareho na nakatutok sa nakabukas telebisyon ang mga mata. Tahimik kami pareho na alam ko na nakikiramdam din siya gaya ko. Wala akong lakas ng loob na ipagpatuloy ang usapan namin kaya inihilig ko ang ulo ko sa sandalan ng sofa at bahagyang pumikit. "I'm sorry kung nabigla kita kahapon. Gusto lang talaga kitang makausap ng maayos kaya lang pinagtatawanan mo lang ako," parang bata na nakasimangot na sabi pa nito ng bumaling ako dito. Natigilan ako ng maalala ang ginawa ko. Kung siguro gaya kahapon na walang sinabi si pinuno ay sigurado akong gano'n pa rin ang magiging reaksyon na ipapakita ko kay Leo ngayon. Kailangan kong ipakita na katawa-tawa sa akin ang sinabi nito at baka sakali na lubayan niya sana ako. Pero bali