YARA Hapon na ng magising ako at wala na rin sa tabi ko si Leo. Siguro ay dala na rin ng labis na puyat at pagod ko kagabi kaya naging malalim ang tulog ko maghapon na bihirang mangyari sa buong buhay ko. Iginala ko ang paningin sa buong silid pero wala ito at mukhang umalis o marahil umuwi na sa kanila. Siguro ay dahil malalim ang tulog ko kaya hindi na ako nito ginising lalo pa at alam n'ya na magdamag akong duty sa hospital at walang tulong buong gabi kagabi. Pumasok ako ng banyo at walang pakialam na hubad na naglakad dahil nasa loob naman ako ng silid ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng mapasukan ang bagong ligo at nagpupunas pa ng basa pa niyang katawan na si Leo. Hindi ko tuloy malaman kung saan ko ibabaling ang paningin ko. Dahil tulad ko wala din itong suot na kahit ano at