YARA Nagising ako kinaumagahan na masakit ang buong kalamnan at parang tinalo ko pa ang nasagasaan ng train at malaking truck sa sobrang sakit ng ulo at katawan ko. Alam ko na epekto ito ng nainom ko kagabi kaya hindi talaga maganda ang alak sa katawan. Kung bakit ba naman kasi nag-eenjoy ang lahat habang umiinom ng alak tapos kinaumagahan gaya ng sitwasyon ko ngayon na masakit ang ulo. Hay hindi na talaga ako iinom ng ganun karami kahit kailan. Gumalaw ang paa at kamay ko para sana mag-inat dahil nangangalay ako pero napakunot ang noo ko ng hindi ko magalaw dahil may kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa akin. Laking gulat ko ng naalimpungatan ako sa lalaking katabi ko na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Bahagya na humihilik pa ito habang nakaawang ang mga labi na nakatagilid