CHAPTER TWELVE
"Anong ginagawa mo dito?" Naguguluhang tanong niya sakin. Kumunot ang noo ko.
"Shouldn't I be the one asking you that? Anong ginagawa mo sa bahay KO?"
It was his turn to look confused. "Bahay mo? So you mean.. Kapatid mo si-"
"KENNETH! CY!" Napalingon kaming dalawa sa boses ni Kuya.
Naglipat ang tingin nya saming dalawa.
"She's your sister?" Kenneth asked.
"Yes. Cy siya si-"
"Kyle Kenneth Garcia, I know Kuya."
He raised his eyebrow in inquiry. "You guys already know each other? How?"
"We're blockmates." Pagpapaliwanag niya.
Tumango tango si Kuya. He looked at Kenneth. "Bantayan mo ang kapatid ko Garcia. Prinsesa namin yan."
Kenneth's eyebrow shot up. "Do I look like a freakin' babysitter to you, Lester?"
Kuya chuckled. Dumeretso siya sa ref at kumuha ng beer. "Maiwan ko na kayo." He said and left the kitchen.
Naiwan kami ni Kenneth.
"Magkakilala pala kayo ng Kuya ko.." I trailed off.
"Yeah. We were highschool classmates."
"Classmates? Edi dapat ahead ka sakin ng isang year?"
"I stopped. When my dad and sister died."
Natahimik ako. I was sorry I even asked. "Oh."
Tinignan nya ako. "I thought it was a coincidence na parehas kayo ng apelyido. It never occured to me that you two might be related. At mas lalong hindi ko inaasahang malaman na ikaw pala ang kapatid nya."
He spoke casually. Tumango ako. "I see."
There was a moment of silence.
Naalala kong titingin nga pala ako ng dinner. Pumunta ko sa ref at binuksan ito.
Napabuntong hininga ako.
"Problem?" He asked. I almost forgot that he's still here.
"Hindi ako marunong magluto." Nahihiya kong sabi. "At wala pang dinner."
"Hahaha. Tama nga yung kwento ni Lester, sa inyong dalawa siya ang laging nagluluto."
"Eh sa mahirap!" Tinarayan ko siya.
Di niya ko pinansin at binuksan niya ang ref. "What are you doing?"
Tanong ko ng makitang naglalabas siya ng sangkap mula rito.
"Naglalabas ng ingredients, di mo ba nakikita?" Pilosopo, psh.
"Nakikita. But, why?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Magluluto ako, bakit? Aangal ka ba? Baka gusto mong hindi ka makapaghapunan."
"Marunong ka magluto?" Gulat na tanong ko.
"Sasabihin ko ba kung hindi?" He sarcastically replied. Wow, ang galing.
Nakakaamaze talaga yung mga lalaking marunong magluto eh. Napangiti ako.
"Ano nga palang lulutuin mo?"
"Menudo."
Natahimik na naman ako. Pano kasi, si Aldrin, pinagluluto niya din ako ng menudo dati.
Yun lang yung putaheng kaya niya lutuin kaya yun ang lagi niyang ipinagluluto sakin eh.
Kaya eventually, menudo became my favorite.
"Oh bakit ganyan ang itsura mo? Di mo ba gusto ang menudo?" His voice broke me out from my reverie.
"Wag kang maarte dyan dahil ito lang ang kaya kong lutuin." He said as he started peeling the potatoes.
Nagulat ako. Parehas pala sila. Una sa birthday, tapos sa greek myth, ngayon naman sa menudo.
I see Aldrin in him.
Pero mas marami silang pinagkaiba. Si Aldrin kasi mabait, wala nga akong masabi sa ugali nun eh.
Eh si Kenneth? Moody, bastos, may pagkajerk, bossy.
"Baka gusto mong tulungan ako? Hiwain mo yung hotdog para mabilis." He commanded. Oh diba, bossy tlaga.
Tumalima ako. I sliced the hotdog. Sumilip si Kuya sa kusina at halatang nagulat ng makita kaming nagluluto. Este siya lang pala.
"Dude what are you doing? Nagluluto ka?"
"Obviously."
Kuya leaned in to see what he was cooking. "Wow, menudo. Favorite ni Cy yan! Mapapadami na naman kain mo lil sis."
Kenneth turned to me. "Paborito mo to?"
"Yes."
"Okay." Sabi niya lang tapos nilagay na mga sangkap.
"After nyan pre, bumalik ka na don ha. Kaya hindi matuto tuto yan si Cyrelle dahil palagi siyang may taga luto eh." Sabi niya tapos umalis na siya.
Tahimik lang kaming dalawa habang siya nagluluto. Ako nakaupo lang habang hinihintay na matapos siya.
I can smell it. Ang bango.
"Ang bango naman!!! Menudo ba ya-"
Napatingin kami sa taas ng hagdan. Sumama ang mukha ni Kenneth.
Ako ang unang nakabawi. "Uh, Ryan. Malapit ng matapos." Nginitian ko siya.
Pero nanatili siyang nakatingin kay Kenneth. Nagsusukatan sila ng tingin.
"Bakit nandito ka?" Inis na tanong niya kay Ryan.
"Sleepover. Masama ba? Ikaw anong ginagawa mo dito? Sinundan mo ba si Cyrelle?"
Natawa ng patuya si Kenneth. "Sinusundan? Baliw ka ba? Ngayon ko nga lang nalamang dito siya nakatira eh. Sleepover? Hah! Linta ka ba at lagi kang dikit ng dikit kay Cyrelle?"
Bago pa sila lalong magkainitan ay iniwat ko na. "Please. Wag dito sa bahay ko. Kenneth, stop. Ry, balik na sa loob."
Sumunod si Ryan. Nakasimangot parin si Kenneth.
"Bat naman ginanon mo siya? He's my friend. Bahay ko to Kenneth baka nakakalimutan mo." Inis na pahayag ko.
"The guy obviously likes you."
"What?! Nababaliw ka na. May ibang gusto yung tao." Nailing nalang ako.
"Dense. You're dense." Umiling iling din siya. Hindi ko na pinatulan yung mga kalokohan niya.
May gusto daw sakin si Ryan? Sus. Hindi ko maintindihan kung bakit mainit ang dugo nila sa isa't isa.
"Oh, tapos na." He announced. Tapos kumuha siya ng beer at papunta na sana sa sala ng tawagin ko siya.
"A-ah Kenneth.."
"What?"
"T-thank you." Tumango lang siya at umalis na.
Nagpatulong ako kay Ryan na iakyat ang pagkain. After we ate ay nagkwentuhan muna kaming tatlo. Mga 11:30 nakatulog na sila.
Si Ryan sa guest room dahil lalaki siya. 12 na, pero ayaw akong dalawin ng antok.
Ano ba to. I think I need water.
Bumaba ako. Binuksan ko yung ref. Woo lamig. Nakarinig ako ng kaluskos.
Nakita ko si Kenneth. Nakatayo malapit sakin.
"Oh, di pa pala kayo tapos uminom?" I asked as I drank water.
Nilapag ko sa sink yung empty glass.
"C-cy..." He mumbled.
"Bakit?" I stared at him. Ang lamlam ng mata nya. May tama na ang isang ito.
"Y-you don't know *hik* jush how mush I wanna do this to you.."
"D-do what?" My heart was pounding. Anong pinagsasabi nya?
He pulled me closer to him.
He was staring at me.
in the eyes.
And it feels like im drowning in his stare.
The next thing I know,
he was already kissing me.