CHAPTER ELEVEN
Nababaliw na siguro si Kenneth para sabihin yon.
At siguro nga pati ako nababaliw na, kasi naniwala ako sa tinext nya.
Ibinalik ko yung phone ko sa bag ko. Di ko na siya nireplayan.
Di ko rin naman alam ang sasabihin ko.
Nagpaalam na ako kay Abby na aalis na.
"Sige, Cyrelle mag ingat ka." Tapos lumabas na ako. Nadatnan ko si Ryan at Jianne sa labas ng school.
I checked my watch. "5 pm na, kanina pang 3:30 end ng class. Bakit nandito pa kayo?" Tanong ko.
"Hinihintay ka namin. How did it go?" Tanong ni Ryan.
Napalunok ako. "Okay lang naman."
"Sabi ko sayo kaya mo yan eh. Di ako nagkamali sa pagsuggest sayo!" -Jianne. She grinned at me.
"Ewan ko sayo. San tayo?"
"Sa bahay nyo!" They chorused.
"Ano? Bakit sa bahay? Anong gagawin nyo don?"
"SLEEPOVER." Napatanga ako. Sleepover? Nagplano silang magsleepover sa bahay ng hindi ako iniinform.
Mga baliw talaga. Ano pa bang magagawa ko sige na nga. Sumakay kami sa kotse ni Ry.
Nung nakarating kami sa bahay, nakita kong nakaparada na kotse ni Kuya.
Ang aga naman ata niyang umuwi?
"Andyan na pala si Kuya Lester, hihi." Humagikgik si Ji.
"Hoy Ji. May girlfriend na yung Kuya ni Cyrelle. Wag ka ng umasa dyan." Natatawang sabi ni Ryan. Inirapan lang siya ni Ji sabay flip hair, lol.
Pagpasok ko sa sala nakita kong nagluluto si Kuya ng sisig.
"Uy mukhang ang sarap niyan Kuya Les!" -Ji
Nginitian siya ni Kuya. "Hello, andito pala kayo."
"Dito sila matutulog." I announced. Nagnod siya.
"Pupunta dito mga kaibigan ko mamaya, Cy. May inuman kami. Dun nalang kayo sa taas." -Kuya
"Okay." I said. Umakyat kami nila Ji para maligo at magbihis.
Oh diba, prepared sila may dalang damit. Pumunta kami sa kwarto para manood ng movie.
"Anong gusto mong panoorin?" Tanong sakin ni Ryan.
"Uh, kahit ano. You choose." I replied. Kinuha ko yung bag ko na nakalapag sa gilid ng kama.
I took my phone and plugged the charger in.
"Eto nalang!" Sabi ni Ji habang winawagayway ang cd ng a walk to remember.
"Ayoko nyan! Masyadong madrama." -Ryan
"Anong gusto mo Barbie?" -Ji
"Ito nalang, If I Stay." -Ryan.
"Sige na nga." -Ji
"Ang ganda ni Chloe, hay." I commented.
"You're more beautiful." Sabi ni Ryan habang nilalagay yung cd sa dvd player.
"Uuuuuuy, Si ryan binata na. Hahahaha!" Pang aasar ni Ji. Natawa lang si Ry. Ako naman tahimik lang.
I don't know how to accept compliments.
"Cy! Bababa ako, kukuha ako popcorn!" -Ji
"Teka, tulungan na kita." I offered help but she waved her hand dismissively.
"No need. Magpapatulong ako kay Kuya Lester. Hihi. Alown taym mwehehe." At tulad kanina ay humagikgik siyang parang baliw.
I smirked at her. "Just a piece of advice, Zildjan. My brother loves his girlfriend so much."
"Tseh! Di pa sila kasal!" Sagot niya sakin at ngmamadaling bumaba. Natawa nalang ako.
Naiwan kaming dalawa ni Ryan dito. Hindi pa niya pineplay yung movie.
"Uh, Cy.."
"Hmm?" Sagot ko kay Ry, inabot ko yung phone ko at si di malamang kadahilanan ay binasa ko uli yung text ni Kenneth.
But srsly, I like hugging you.
"There's this girl. Special siya sakin. And, parang.. parang gusto ko siyang ligawan. What do you think I should do to win her heart?"
Napaisip ako. Naalala ko nung nanliligaw dati si Aldrin.
Ang sweet nya. Ang effort. He really loved me.
"Well, ang panliligaw kasi, it requires a great deal of effort. Hindi naman kailangang gumastos ka ng malaki or what. You just have to make that girl feel that she's special."
Pagpapaliwanag ko. Nagkamot siya ng ulo. "Teka, don't tell me na sa tanda mong yan hindi ka pa nanliligaw? Hahahaha."
He smiled sheepishly. "Eh hindi pa nga. Yung first and last gf ko kasi, hindi ko naman niligawan. It just kind of happened."
"Ah. So gano kayo katagal?"
"More than a year din. Pero we fell out of love. Ngayon, okay naman kami. Walang ilangan. We're good friends actually."
Napatango tango ako. "Alam mo Ry. You're a good person. Ang swerte nyang liligawan mo kung sino man siya."
"Y-yeah."
Inislide ko yung phone ko. Nag open at nakita ko yung text ni Kenneth. Ano ba yan. Bat ako nangingiti?
"Who's the lucky girl?" I asked.
"Ik-"
"CYYYYYYYYY!!!!" hindi na natapos ni Ryan yung sasabihin niya when Ji barged in.
"Bakit?" Takang tanong ko sa nakabusangot na si Ji.
"Kasi tinanong ko kay Kuya Les kung nasan yung popcorn, tinuro nya naman. Tapos nagkwentuhan kami tapos... tapos..."
"Tapos ano?" Pasuspense pa eh.
"Tapos tumawag yung girlfriend nya!!! Nasira yung moment namin. Hmpf."
"HAHAHAHAHAHAHAHA!" I laughed at her. Pano ba naman yung itsura nya mukha siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.
"Ang dami mo kasing crush. Ayan tuloy. Dati si Dane. Tapos yung kuya naman ni Cy ngayon. Hahahaha!"
"Ano ba Ryan?! Imbis na suportahan mo ko.."
I giggled. Ang kulit nila. "Patext na nga lang Cy!" Nakasimangot paring sabi ni Ji.
"Itetext ko Ate ko. Sasabihin ko wala na talaga akong pag-asa sa Kuya mo!!!"
"Oh." I handed her my phone. Huli na ng maisip kong nakaopen pala yun sa text ni Kenneth.
Oh my God!!!! "T-teka pala Ji! Akin na muna yan.."
"May tinatago ka no Cy?" Bumalik na naman yung pagiging mapangasar nya.
"H-huh? Wala ah! Peram muna!"
But too late. She swiped my phone to unlock it.
Nakita kong nanlaki yung mata nya.
Shit.
"Ano to Cy?! Totoo ba tong nakikita ko?!" She exclaimed. Ryan's brows creased.
"A-ano kasi. Wala yan.." Nahihiyang sabi ko.
"Ano ba yun Ji?" -Ryan
"Wala naman. Tinext lang naman siya ni Kenneth Garcia saying that he likes hugging her. THE Kenneth Garcia."
"What?! Nagyakap na kayo?" -Ry
"Syempre dahil sa play diba. Kayo talaga, mga utak niyo." I explained
"Aaaaaaaah." -Ry
"Eh bakit ganito sabi niya? He likes hugging you?" -Ji
"A-aba malay ko." Nauutal na sagot ko. Shemay, hinohot seat ako ni Jianne.
"Uuuuuuuy. May gusto yata sya sayo eh. What do you think Ry?" Ji smirked while looking at Ryan. What does Ryan have to do with this?
Ryan shot her a death stare. "Ehh. Baka pinagttripan ka lang nyan."
"Ako? Bakit nya naman ako pagttripan? Wala naman akong ginagawa sa kanya."
He shrugged. Ji was grinning from ear to ear. Inagaw ko sa kanya ang phone ko.
"Hey! Di pa ko nakikitext."
"Bahala ka dyan. Kay Ryan ka makitext." I stuck out my tongue.
I deleted Kenneth's msg. Plinay na ni Ryan yung movie. We huddled closer and watched intently.
Bigla akong may naalala. Siniko ko si Ryan na nasa tabi ko.
"Ry, sino nga uli yung liligawan mo? Di ko narinig kanina eh."
Hindi niya inalis yung mata nya sa pinanonood. "A-ah, yun ba. Nevermind. Di mo rin naman kilala eh."
Tumahimik nalang ako. Narinig ko ang ingay sa baba. Siguro andyan na yung mga kaibigan ni Kuya.
Natapos namin yung movie mga 8 na. Bumaba ako para tignan kung ano ang pwede naming gawing dinner.
Ano pa bang mga ingredients ang nasa ref? Hmm.
Bubuksan ko na sana ito ng may kamay na unang humatak sa handle.
Napatingin ako sa may ari ng kamay na yon.
Instantly, my eyes widened. Halata sa mukha nyang nagulat din siya.
"CY?!"
Anong ginagawa nya dito? Pati ba naman sa sarili kong bahay ay nagkikita kami?
My throat went dry..
"K-kenneth..."