CHAPTER TEN
Let's stay like this for a while
Let's stay like this for a while
Let's stay like this for a while
"Cyrelle! Cy! Huy, okay ka lang ba?" Napamulagat ako.
Nilingon ko si Kuya na nanonood ng tv. Sakin na pala nakatuon yung atensyon niya.
"Bakit?"
Takang tinignan niya ako. "Tinatanong ko kung okay ka lang ba. You seem preoccupied. Kanina ka pa nakatulala dyan."
"Ah, okay lang ako. Naiisip ko lang kasi yung play. Haha."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Yung play nga ba? Oh baka iniisip mo na naman si--"
"Hindi si Aldrin ang iniisip ko Kuya." I cut him off.
He smirked. "Talaga? Eh sino pala?"
Sino nga ba...
Inirapan ko siya. "Anong sino? Yung play nga. Kulit mo."
"Weh. Sige na sabihin mo na, hahaha! Dali na Cy!" Tinusok tusok niya pa tagiliran ko.
Hinampas ko siya ng throw pillow. "Wala nga sabi! Manood ka nalang dyan."
"Damot." Natatawang sabi niya saka bumalik sa pinanonood. Natapos na yung movie, nagluto siya tapos kumain na kami.
Si Mama at Papa ay nasa ibang bansa, dun nila iccelebrate ang anniversary nila. 1 month sila dun, they're gonna make their stay there worthwhile.
Pumanik na ako sa kwarto ko after kumain, my phone vibrated. Nagtext si Abby. Yung director namin, pumasok daw kami ng maaga dahil may practice na agad.
Natapos na kasi sa script yung script writer namin.
I lay in bed and slept.
Kinabukasan..
St. Therese Academy
"Cyrelle! Andito ka na pala! Tara na sa auditorium, walang tao dun ngayon so pwedeng mag practice." Nakangiting sabi ni Abby.
I followed her. Pagpasok namin sa audi, nadatnan ko yung mga kaklase kong kasali din sa play.
Siguro mga 34 kami dito, kasama na yung mga director, para sa props, yung mga ganun.
I scanned the crowd.
My eyes were looking for someone.
Where is he?
Diba dapat andito na din sya? Inilibot ko ang paningin ko, expecting to see his familiar face.
"Looking for me?" Napapitlag ako sa boses na yun. Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko siya.
"Hindi no. Kapal mo." I tried to hide my excitement. Inirapan ko siya.
"Kunyari pa." Mahinang bulong niya.
"I heard that." I said habang nakataas parin ang kilay.
"Heard what?"
"Nevermind." I rolled my eyes, he chuckled tapos ay nilapitan niya si Abby.
May inabot naman ito sa kanyang makapal na stack ng papers na nakastaple.
Bumalik si Kenneth sa tabi ko at binigyan din ako.
"Script." He simply said. I nodded. Tinignan ko yung mga first chapters and skimmed the pages.
Napako ang tingin ko sa isang particular na paragraph. Nanlaki ang mata ko at binasa ko ito uli.
He tugs me forward and Im nestled against his chest. His arms fall around me carefully, as if telling me I can pull away, that he'll understand, that it's my choice. But I feel so safe, so warm, so devastatingly content that I can't seem to come up with a single reason why I shouldnt enjoy this moment.
"A-ANO TO?" Nagpapanic na tanong ko. Bakit may ganitong scene? Bakit may yakapan?
Hindi ko yata to kayang gawin.
Call me unprofessional pero naiilang ako.
"What's the problem?" Takang tanong ni Kenneth na inaaral din ang script nya.
I pointed to the paragraph.
"This! Bakit may ganitong scene? Intimacy!"
Kumunot noo niya. "This is romance. What do you expect?"
"Hindi ba nila to pwedeng i-omit? I'm sorry but I'm not comfortable with this scene."
"Hindi. Alangan namang yung script ang mag aadjust para sayo? Natapos na yan ng script writer and Sir Delino already approved it. No changes can be made." He explained. What?
"Why do you seem okay with this? Ayoko nito!" I'm being such a kvetcher right now.
I know, pero talagang di ako kumportable.
"Kenneth! Wala ka bang gagawin?!"
He gave me an annoyed look. "Wala. Ano bang problema mo dyan? It's not like we haven't hugged each other yet."
My cheeks flushed. Thank heavens madilim ang audi, hindi niya makikita ang pangangamatis ng pisngi ko.
Poker face parin itsura nya. "Oh di natahimik ka? Arte kasi eh. It's just a hug, for f**k's sake. You act as if we're gonna have sex."
Hinampas ko siya ng script. Sinamaan ko ng tingin. "Ouch! Brutal ka na naman."
Sabi niyang hinihimas ang braso nyang pinukpok ko.
"Che!" Ang lalaking to, kahit kelan. Hay. Inaral ko nalang yung mga lines ko sa first chap.
Bakit gnito? TOO SCHMALTZY. I'm not sure if I can portray Juliette's character well.
"This is one hell of a saccharine novel." Kenneth said while frowning.
I must agree.
"Yeah." I sighed.
Tinawag kami ni Abby. Start na daw. Oh my gosh.
I don't know if I can do this. Lumapit ako sa may stage.
Inexplain nya samin yung first scene.
Im nervous!!!
"Oh, Cyrelle. Higa ka na dun sa props na kama. You know what to do."
"Y-yes." I answered. Humiga na ako at pumikit.
"ACTION!"
I heard the bed creak. Nakaupo na siguro si Kenneth sa gilid nito.
Ito yung scene na gigisingin niya ako.
I hear him breathe. Then, "Wake up." He said.
I slowly opened my eyes. Nakita ko siya, he was bent over me.
I was staring into his eyes.
Mukha man siyang cold at masungit, pero yung mga mata nya.
Expressive. His eyes are a deep shade of brown.
"CUT!"
I came back to my senses. Nag iwas ako ng tingin.
"Cyrelle what happened? You shouldve said 'good morning' to Kenneth. Ang tagal mong nakatitig sa kanya pero wala kang sinabi."
"S-sorry Abby!"
"Sige, take two! Action."
"Wake up." Sabi uli ni Kenneth, in a gentle tone. Wow. He's taking his role seriously.
Nagmulat ako ng mata. "Good morning."
Buong araw nagpractice lang kami. It went well, kaya lang nakakailang talaga!!! Lalo na nung dumating dun sa part na yakapan.
Umayos ako sa scene na yon para isang take lang.
Kaso si Kenneth ang gulo! Kesyo nakalimutan daw yung line, hindi daw siya prepared, na mental block.
Nakaeight takes kami!!! Ugh. Herodes talaga.
Tapos nung okay na yung scene na yun binulungan niya ko. "Sinasadya ko yun." Sabay tawa ng nakakaloko.
Sinapak ko nga. "Ang cute mo kaya tignan pag naiilang ka. Hahahaha! Akala mo naman di pa tayo nagyakap!"
"Shut up Kenneth!"
He grinned. "Bakit totoo naman diba? Ikaw pa nga nag initiate eh.Hahahaha!"
"UGH!" Napikon ako sa kanya, wala naman akong magawa kaya inirapan ko nalang.
"Hoy! Anong iniisip mo?"
Speaking... Eto na ang asungot.
"Wala ka na dun."
"Iniisip mo yung yakapan scene no?" Ayan na naman siya, nang aasar na naman.
"Asa. Alis ka na nga." Pagtataboy ko.
"Edi umalis." Sabi niya, tinalikuran niya ako at naglakad palabas ng audi. Sa wakas, peace at last.
Nagvibrate yung phone ko.
Oh bakit nagtext to? Tss.
I checked his msg. I was dumbfounded when I read it...
But srsly, I like hugging you.