9

937 Words
CHAPTER NINE CYRELLE'S POV "I miss you. Sorry ngayon lang ako nakapunta uli ha? Busy kasi sa school. Ang dami kong tinatapos na plate." Nakangiti kong kwento kay Aldrin. Saturday ngayon, free day ko so may time ako dumalaw. Mag-iisang oras na ako dito, kinekwentuhan ko lang siya ng kung ano ano. "Drin, may school play kami. Ako yung lead, kung nandito ka alam kong susuportahan mo ko. Tapos lagi mo kong yayakapin dahil alam mong yun ang nagpapalakas ng loob ko." "Si Jianne kasi eh. Siya yung nagsuggest sakin sa teacher ko. Baliw talaga yun, pero mabait naman siya. Silang dalawa ni Ryan, mabait sila." Napatingin ako sa ulap. Mukhang nagdidilim. Uulan yata. Buti may dala akong payong. "Mukhang uulan, baby. I need to go na. Next time nalang uli. Mamimiss kita. I love you." Pinagpag ko yung dress ko. Tapos tumayo na ako. Naglalakad na ako ng biglang bumuhos ang ulan. Dali dali kong binuksan ang payong ko. Pagliko ko sa kaliwa ay may isang lalaking nakaupo parin sa tabi ng puntod. He was dripping wet. Tila wala itong pakialam kahit ang lakas ng ulan. Hindi ko na sana siya papansinin ng tumayo siya at paulit ulit na sinapak ang punong nasa tabi. Nakita kong nagdudugo na ang kamao nya. Hindi naman maaatim ng kunsensya ko na pabayaan siya. I approached him. "Hey, hey. Calm down." Nilapitan ko siya at pinayungan. Nanatili siyang nakatalikod sakin at sinasapak ang puno. He was sobbing. Dali dali kong kinuha ang mga kamay nya. "Stop. Hey stop. Please. Itigil mo na yan." Pakiusap ko. Nakayuko siya. Hindi niya binawi sakin ang kamay nya. "I-i miss t-them.." sabi niya gamit ang garalgal nyang boses. Nagtaas siya ng paningin. Nagtama ang mga paningin namin at... "K-kenneth?!" Mukhang siya ay nagulat din. "W-what are you doing here? Anong nangyari sayo?" Nag aalalang tanong ko. Lumungkot uli ang itsura nya. Nagbabadya na namang tumulo ang mga luha nya but he harshly wiped it away. Nag-iwas din sya ng tingin. "You can tell me. Makikinig ako." Hindi ako sanay na ganito siya. Sanay ako sa moody na Kenneth. Sa epal na Kenneth. Sa mapang asar na Kenneth. Hindi nya sinagot yung tanong ko, umupo siya sa basang damuhan. Hindi ko alam kung pano ko pagagaanin ang nararamdaman nya. Tinabihan ko siya, at tiniklop ko ang payong. Para san pa? Eh basa nadin naman ako. Tinignan niya lang ako at pagkaraan ay tumingin uli siya sa malayo. Nakita ko yung nakasulat sa lapida sa tabi niya. Jefferson A. Garcia Stacey Mariette L. Garcia Hindi parin nagsasalita si Kenneth. I sighed and spoke. "There's this guy. He's nice and smart and handsome. He's one of a kind, actually. Kaklase ko siya sa dati kong school. I fell for him, you know? We felt the same way pala. Haha. He courted me and we became a couple after a few months. He's really sweet, he's an amazing person. Wala na akong mahihiling pa. Nasa kanya na yung lahat eh. We were hopelessly inlove with each other." "Why are you telling me this?" He asked. But I ignored him and kept talking. "A few days before our anniversary, we got into an accident. He... He lost his life because he s-saved me." Napatungo ako. Bat feeling ko maiiyak na naman ako? Parang nagreplay uli sa utak ko yung scene. That night... Hindi nagsasalita si Kenneth, I looked at him and discovered that his eyes were shut tight. "I miss them, Cy. I miss my d-dad and my sister..." After a long moment of silence, finally, he spoke. "W-what happened?" He sighed. "Three years ago, they were on their way to Singapore when their plane crashed. I lost them.. I lost the two people I cared about most." He clenched his fist. Niyakap ko siya, I dont know why, but it seems like the right thing to do. I just want to cheer him up. "I was devastated. Halos mabaliw ako nung nalaman ko yun. Bakit sila pa? B-bakit?! The first year without them was a blur. Naging laman ako ng mga bar, halos di na ako pumapasok, lagi akong nakikipag away.. I didn't know what to do with my life anymore.." I patted his back. Hindi ko parin siya binibitawan. "Ngayon, parang nabawasan lang ng konti yung sakit pero andun parin. It's hard. It's just so f*****g hard to continue life without them.." His voice was hoarse. I cant seem to find the proper words to say. After ilang minutes ay medyo kumalma na siya. Nakayakap parin ako sa kanya. A bit awkward because he's not even telling me to let go of him. "I'm sorry nadramahan kita." He said na medyo nahihiya. Kumalas narin sya sa yakap ko. "It's okay. Lahat naman ng tao nagiging mahina diba?" Nginitian ko siya. Nakatingin siya ng mataman sakin. And then slowly, a smile formed on his lips. Hindi smirk, smile talaga. Yung genuine smile nya. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganyan. "You should always wear that smile. It suits you." Sabi ko. Ambon nalang. Pati ulan humupa na. Mabuti naman. Umusog ako, dahil nahiya ako bgla ewan ko ba. So nandun siya ngayon nakaupo sa may likuran ko. Nilalamig ako. Nagulat nalang ako ng biglang yumakap siya sakin. Backhug. "H-hoy bakit--" "Nilalamig ka na kasi.. This is the least I can do." sabi niya, his chin is resting on my shoulder. "Salamat, Cy." "N-no problem." s**t ayan na naman ako sa pagiging bulol! "Cy?" Naamoy ko yung pabango niya.. "Ano?" "Pwede ba akong magrequest?" Napakunot noo ako. "Sige. Ano ba yun?" "Let's stay like this for a while."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD