8

1033 Words
CHAPTER EIGHT CYRELLE'S POV "Ikaw pala, Garcia." Napatingin ako sa katabi ko. Si Kenneth nga. Inismiran nya lang si Ryan. Ang sungit talaga nya kahit kelan. "Wow. The great Kenneth Garcia is here. Anong himala ang nagdala sayo rito?" Usisa ni Jianne. "None of your business." Naiiritang sabi niya kay Ji. "Hay ang bastos talaga kahit kelan." -Ryan Tinaasan niya lang ito ng kilay. I feel the tension in this table. May mga tumitingin naring fangirls nya dito. "Why?" I asked. "Anong why?" He asked back, confused. "I mean bakit ka nandito?" "Masama ba?" "Well, no. Oh, nachos. Kain ka." Inalok ko siya. Kukuha na sana siya ng magsalita si Ryan. "Cy binili ko yan para SAYO." Kumunot ang noo ni Kenneth. Pagkatapos ay walang pasubali niya tinabig ang nachos kaya natapon ito sa sahig. "WHAT THE HELL DUDE!" Galit na sigaw naman ni Ry. "Nanghihinayang ka ba sa nachos na binili mo? Go ahead, pulutin mo and eat it!" Sigaw nya rin dito. Naiinis na ako. Pero wala ako sa mood makipagsigawan din. Si Jianne natulala lang sa dalawa. I sighed and grabbed my bag. Dere deretso ko naglakad palabas ng cafeteria. Pumasok ako dun sa liblib na fountain. Wala akong paki kung magalit si Kenneth dahil pumunta ko dito. NAIINIS AKO SA KANYA. I sat on the bench and watched the water dripping from the cherub's mouth. Maya maya nakaramdam ako ng kaluskos sa likod ko. Tapos may naglagay ng isang box ng nachos sa tabi ko. Silence. Deafening silence. Then he broke the ice. "Galit ka?" Nilingon ko sya. "Ang moody mo." Nakasimangot kong sagot. "I know. Oh ayan, pinalitan ko yung nachos na tinabig ko." "Bakit mo kasi tinapon eh! Sayang!" "Eh pinalitan ko naman diba? Kainin mo na, nag iinarte pa." Naiinis na namang sabi nya. "Ayoko na." "Ayaw mo ha." Kinuha nya yun at dinutdot ang cheese. "HOY ANONG GINAGAWA MO? Ang baboy mooo!!!" Tapos bigla nyang pinunas sa mukha ko. Aghhh!!! "KENNETHHHH!!!!! UGH!!" Tawa lang siya ng tawa habang ako ay pinupunasan ng panyo yung cheese sa mukha ko. Nung natanggal ko na ay dinutdot ko din yung cheese at pinunas sa mukha nya. "Hahahahaha! Akala mo ha! Nasa akin parin ang huling halak- Ughhhh!!" Pinunasan nya uli ako tapos tumakbo palayo. Para siyang bata! "HOY BUMALIK KA DITO! IM NOT YET DONE WITH YOU!!!" I shouted. Hala, asan na nagpunta yun. Nagtago yata. Pano na ako makakaganti nyan... Naglakad pa ako sa paligid ng secluded garden na to. Alert dapat Cy!! Baka nandyan lang sya sa lik- "YAAAAAAH!!! Hahahahahaha!!!" Daya!!! Napunasan niya na naman ako. Huhu. "Isa! Ayoko na." Nakapout na sabi ko. Pinipigilan kong mangiti, ang cute ksi ng itsura nya. Tapos may cheese pa siya sa pisngi. "Okay." He grinned. Kinuha ko yung panyo ko tapos pinunasan ang mukha ko. Ang lagkit!!! Humarap ako kay Kenneth, napunasan nya narin yung cheese sa pisngi niya. Nakatingin din siya sakin. Ano ba to, awkward naman. "Cy..." Mahinang sabi nya habang nakatingin parin. "O-oh bakit?" He stepped closer to me. s**t. Napalunok ako. Yumuko siya sa mukha ko, mas maliit kasi ako sa kanya. Balikat nya lang ako. Nun lang nagregister sa utak ko ang posisyon namin. Teka, hahalikan nya ba ako?!! Napaatras ako. Nangunot ang noo nya, kinuha nya yung panyo ko at pinunasan noo ko. Sabay sabing, "May natirang cheese." "A-ako na." WHY AM I STUTTERING? Nakakahiya yung itsura ko. I probably looked like I was anticipating a kiss. Dang. "Hindi na, wala narin naman." Tapos binalik nya yung panyo sa kamay ko. "Thanks." "Okay." Tipid na sagot nya. "Tara, balik na tayo sa room? Pero magCR muna tayo para maghilamos." I said. He just nodded. Wow, tahimik, ano na namang problema nya? Kanina parang bata lang eh. Ngyon expressionless na naman. Nauna na kong lumabas tapos sumunod siya. NagCR muna kami, tapos tsaka bumalik sa room. I sat on my chair, katabi ko nga pala sa subject na to si Ryan. Si Kenneth nasa unahan. The prof entered and started discussing. Napatingin ako kay Kenneth, pinaglalaruan nya gtec nya. "Cy, sorry sa inasal ko kanina. I shouted. Pinatulan ko si Kenneth." Sabi ni Ryan. Nginitian ko siya. "Ano ka ba, yaan mo na yun. Ganun talaga siya." Tapos nakinig na uli kami. Napatingin na naman ako kay Kenneth, this time nakatingin din siya. Those piercing eyes. Ako yung unang nagbawi ng tingin. Baka kung ano isipin nya. Bakit kaya biglang nagbago mood nya kanina? KYLE KENNETH'S POV "Mr. Garcia nakikinig ka ba?" "Mr. Garcia!!!" Napamulagat ako sa sigaw ng prof ko. "What?" I scowled. Ang sarap ifire nitong professor na to. Kung papayag lang si Mommy eh. "Kanina ka pa nakatulala habang pinaglalaruan ang ballpen mo. Hindi ka nakikinig!" "Nakikinig ako." "Nakikinig ka? If you really are listening then masasagot mo ang itatanong ko." "Fine.What's your question?" Sabi ko, ng matapos na. Ang dami pa nyang sinasabi eh. "How did Theseus escape the labyrinth?" "Can't you give me an easier question?!" Pagrereklamo ko. Punyemas na greek mythology to, bat ba inaaral di naman mahalaga sa course ko. "Just answer it." "I don't know." "See? It's because you are not listening. Who can help him? Yes, Mr. Santos?" Sa lahat naman talaga, bakit etong Ryan na to pa! "He was given a ball of thread by Ariadne, the daughter of King Minos." "Correct answer. Thank you, Mr. Santos. Ikaw naman Mr. Garcia, tularan mo siya. Laging nakikinig." Fuck. Naiiritang tinignan ko ng masama si Ryan, ngunit napadako ang tingin ko sa katabi nya. Nakatingin uli si Cy, napatuon ang pansin ko sa labi nya. s**t, those lips.. Damn. Nag iwas uli ako ng tingin. Naalala ko na naman yung eksana kanina sa fountain. Ang tagal naming magkatitigan. And God knows how much I wanted to claim those lips. Nilapitan ko siya. Iniyuko ko ang mukha ko sa mukha nya. I was about to kiss her pero buti na lang napigilan ko ang sarili ko. Shit. Kinuha ko nalng tuloy yung panyo nya at pinunas sa noo nya. Sabi ko may cheese pa, kahit wala naman. Buti nalang talaga ay nakaisip agad ako agad ng dahilan. Kung hindi.. baka naglapat na ang mga labi namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD