CHAPTER TWENTY THREE
"Bakit ka umiiyak?" Tanong nya. I sighed. Hindi ko alam ang isasagot ko.
"Oh, wag mong sabihing napuwing ka lang. Masyado ng gasgas yang palusot na yan and it's not convincing." He gave me a warm smile after chuckling.
"Is it okay if I don't tell you? I don't think my reason is valid. It's too petty, Dane." Ayoko ng malaman pa nya ang nangyari, magmukha pa akong kawawa lalo.
He shrugged. "Okay. So, what can I do to make you feel better?"
Nginitian ko siya. Ang bait nitong taong to, sobra. Kaya ang daming nagkakagusto sa kanya eh.
Si Jianne at ang ilan pa naming mga kaklase.
"Ha? Okay na ko, thanks sa concern. I think this gumamela did the trick." Tinaas ko yung pitas na gumamelang galing sa kanya.
Natawa siya. "Yeah. I think so, too." Tapos naglihis siya ng tingin at ngumiti.
"Huy, bakit bigla kang ngumingiti?" Nawiweirdohang pagtatanong ko.
"Siguro naman Cyrelle hindi mo na ako iisnabin sa classroom."
Hinampas ko braso nya. "Di nga kita iniisnab, ang kulit mo naman. Sadyang hindi lang ako gaanong kasociable."
Kilala ko siya sa mukha pero hindi ko alam yung pangalan nya nun, makakalimutin kasi ako eh.
"Palusot mo!" He stuck out his tongue. Haha, ang childish nya.
"Ewan ko sayo Dane." Tumayo siya sa swing niya at inugoy ugoy ang inuupuan kong swing.
"Bat ka nga pala lumipat sa St. Therese, di ka ba masaya sa school mo dati?"
I sighed. Tinatakasan ko kasi ang nakaraan ko, Dane. Ang hirap harapin nung mga panahon na yun kaya lumipat ako.
Kasi lahat ng sulok ng Harris University ay nagpapaalala sakin sa kanya.
"For a change? Haha."
"Huh? Weird mo. Yung iba gusto familiarity sa school tapos ikaw ang hanap mo change? Ibang klase ka rin no?"
"Well, every person is unique in their own way." Isa na namang overused na linya ang namutawi sa bibig ko. Wala na akong masabi eh.
Napansin naming nagdidilim na kaya tumayo na ako.
"Dane, una na ko ha? Maggagabi na kasi, over protective pa naman Kuya ko. Baka pinahanap na ako nun sa mga pulis ngayon." Saad kong natatawa tawa pa. Lowbat pa naman ang iphone ko. Baka namatay na yun sa pag alala.
"Hindi mo kasama parents mo?" Kunot noong tanong nya.
"Kasama. Pero nasa ibang bansa kasi sila ngayon nagcecelebrate ng anniversary nila."
"Ohhhh."
"Oh sige na. Kailangan ko na talagang umalis, ayokong maabutan ng dilim eh. Bye, Dane! Thank you!" Kinuha ko yung bag ko at sinukbit sa balikat, aktong aalis na sana ako ng hawakan nya ako sa braso.
"Hatid na kita sa inyo."
Umiling iling ako. Nakakahiya no. "Wag na, Dane. Salamat nalang. Okay lang ako, swear. I'm gonna take the cab naman."
Mukhang magpprotesta pa siya pero kumaway na ako para magpaalam. Tumalikod ako at naglakad papunta sa kalye.
Tinignan ko yung bag ko, asan na ang wallet ko?
Kinapa ko sa ilalim pero wala. Nagsisimula na akong kabahan, nandun ang atmcard ko!! At ang allowance ko!
I checked my bag again, pero f**k! My wallet's nowhere to be found.
Pano na ko uuwi? Ang dilim na! Hindi ako pwedeng maglakad dahil malayo.
Tinanggihan ko pa kasi ang alok ni Dane eh!
Tila may bombilyang umilaw sa utak ko. Sana nandun pa si Dane sa park, I prayed silently.
Please. Please. Please!
Tumakbo ako pabalik, at sakto naabutan ko pa siya. Tumayo siya sa swing at lumapit sa isang kotse na malamang ay kanya.
"DANE!!!" Hingal na ako. Lumingon sya agad at nagkunoot noo.
"Cyrelle? Akala ko magtataxi ka? Are you okay? Did something happen?" He bombarded me wth questions.
"Okay lang ako, pero ano.. Uhm, pwede pa ba akong.. sumabay?" Hiyang tanong ko. Pano ba naman, tinanggihan ko siya kanina.
His face lit up. "Akala ko kung ano! Sure, Cyrelle. Hop in." Sabi nya at ipinagbukas pa ako ng pinto.
I gladly obliged. Sumakay narin siya sa driver's seat and inserted the key.
"Thank you Dane! Nawala ko kasi wallet ko eh. Akala ko nakaalis ka na, natakot ako."
"San mo naman nawala?"
"I don't know, I must've dropped it kasi nasa bulsa lang ng skirt ko yun kanina."
He nodded. "Ah, burara ka pala no?"
"Medyo lang."
Nagdrive na siya, "San ba kayo nakatira? Subdi or village?"
"Tinelimuco subdivision." I answered. Tumango tango uli siya.
"I know where that is. Yung tita ko kasi nakatira dyan dati."
Nagkwentuhan kami on the way, madaldal din siya tulad ko kaya nagkasundo kami agad.
Nalaman ko na only child pala siya at na lumaki sya sa France, pero 100% Filipino sya. 13 daw sya nung nagstay na sila dito sa Philippines for good.
Kung ano ano lang ang pinagkwentuhan namin, traffic kaya kung saan saan na napunta yung usapan.
Hanggang sa pati mga favorite food at kung saan allergic ay napag usapan namin.
I like talking to him, he's bubbly. Para bang wala siyang problema sa buhay, tapos sobrang simple nya.
All in all, he's a nice guy. Nako, ibabalita ko kay Jianne ang mga nakalap kong impormasyon tungkol sa crush nya.
Siguradong magtititili yon sa tuwa. Nagbalik sa kasalukuyan ang diwa ko ng matanaw ko ang gate ng subdi.
Pumasok ang kotse nya. "Saan ba dito, Cyrelle?"
"FLM-1314" Ibinigay ko ang address at mukhang alam nya nga ang lugar na to dahil natunton nya ito in no time.
Inihimpil nya ito sa tapat ng bahay at bumaba na ako sa kotse at hindi na hinintay na pagbuksan nya ako.
"Thank you Dane."
He smiled at me. "Welcome. Una na ko ha?"
"Okay, ingat ka."
"I will." He entered his car again and drove away. Papasok na sana ako ng bahay when I saw another car, parking in front of our house.
A car I never expected to see after what happened this afternoon.
It was his car.