CHAPTER TWENTY TWO
"Miss Guevarra!" I stood up from my chair.
"Yes sir?"
"Anong formula ang gagamitin to solve this?"
Tinignan ko yung given. "Pythagorean theorem po."
"Good. Be seated." Whew! Buti nalang madali lang yung naitanong sakin.
I nudged Jianne. "Ano uli yung sabi mo kanina, Ji?"
"Wala, wala. Makinig nalang tayo, gayahin natin si Ryan, GC." She winked at Ryan at sinabihan lang siya nito ng baliw. Haha.
After class ay parehas silang nagmamadaling umuwi, si Ji magsshopping kasama mom nya.
Si Ryan naman kailangan pang tumapos ng dalawang plate. "Mag ingat ka Cy ha?"
"Oo, ikaw din Ry!"
Buti ako excused dahil kasali ako sa play. May benefit din pala ang pagsali dito eh.
Palabas na ako ng makita ko si Kenneth na nakatayo sa tapat ng kotse nya. Mukhang may hinihintay.
Ako kaya yun?
Sus. For sure, hindi. Iniiwasan nga ako diba?
Lalapitan ko ba siya? Kakausapin? Ano namang sasabihin ko?
I inhaled and exhaled. Nilakasan ko yung loob ko. I approached him. Di ko pala kayang panindigan yung sinabi kong kung ayaw nya akong pansinin so be it.
Sht. Eto na, nandito na ako sa harapan nya. Kumunot yung noo nya.
"Uhm, hey." I tried hard to make my voice sound casual.
He just looked at me tapos inilihis nya yung tingin nya. "Hindi mo parin ba ako kakausapin?"
Still, no answer. "Huy, what did I do? Answer me naman oh, para hindi ako nanghuhula.."
Tinignan nya yung relo nya. "Cyrelle, please. Not now. I'm waiting for someone."
"Ang kailangan ko lang naman malaman ay yung dahilan mo kung bakit mo to ginagawa eh."
He acted as if I wasn't there. "Kanina, may dala kang box ng nachos. I know para sakin yon, bakit mo tinapon?"
He sighed. "Cyrelle, binili ko yung nachos para sa sarili ko. Tinapon ko kasi bigla akong nawalan ng gana."
Napayuko ako. Grabe, pahiyang pahiya na ako sa kanya. Sana hndi ko nalang triny na kausapin siya.
Mas lalo lang sumama ang loob ko eh! Para talagang gusto kong umiyak.
Pero pinigil ko. "A-ah ganun b-ba? Hahaha. Sige. P-pasensya na sa istorbo." Nanginginig na ang boses ko.
Pinipigil ko yung luha ko. Ang iyakin mo Cyrelle!!!
"Cyrelle I-" Naputol yung sasabihin nya ng may tumawag sa kanya.
"KENNETH!!!" parehas kaming napalingon sa boses na tumawag sa kanya.
Isang magandang babaeng sobrang puti at kinis ang nakangiting lumapit sa kanya.
"Janika!" Bulalas nya at napangiti pa sya. Nakalimutan nya na yatang nandun ako.
Yumakap sa kanya yung Janika at hinalikan sya sa pisngi. Bakit pakiramdam ko ay pinupunit ang puso ko?
Bakit ganto?
Tinignan ako nung Janika. "Sino siya Kenneth?"
"She's.. uhm, a blockmate of mine." Mukhang napipilitan nyang sabi.
"She's pretty. What's her name?"
"Cyrelle." Napipikong sagot nya rito.
Janika gave me a toothy grin. "Hi, I'm Janika. Gusto mong sumabay sa amin kumain?"
"NIKA! WAG NA. May gagawin pa siya." Kontra agad ni Kenneth, halatang ayaw talaga ako makasama.
"Huh? Busy ka, Cyrelle?" Oo. Busy ako! Busy akong isipin kung bakit ako nagkakaganito!
Mukha naman syang mabait pero hindi ko mapigilang mainis sa kanya.
"O-oo eh. Next time nalang. S-sige. Una na ko.." Hindi ko na sila hinintay makasagot. Tumakbo na ako papalayo.
Habang yung luha ko patuloy na tumutulo. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.
Huminto ako sa isang park at umupo sa swing doon. Dahan dahan ko itong inugoy ugoy habang umiiyak.
Why won't my damn tears stop?!
Grabe, that was so heartburning. It wasn't supposed to affect me but it did. Napapikit ako ng mariin.
Hindi ko na talaga maintindihan si Kenneth! Ang gulo gulo nya!
Yung balikat ko bumagsak, nakayuko lang ako at nakatingin sa sapatos ko ng may kumalabit sakin.
Pagtaas ko ng paningin ay may isang batang yagit na nakatingin sakin.
"Ate, wag ka na po umiyak. Eto po oh, gumamela may nagpapabigay po sainyo na lalaki."Sabi nya habang inaabot sakin ang gumamelang halatang bagong pitas lang.
Natatawang pinunasan ko yung luha ko at tinanggap ko ito. I ruffled her hair.
"Sino ang nagbigay nito?"
Nagkibit balikat sya sakin. "Hindi ko po alam ang pangalan nya, sabi lang po nya iabot ko daw po sainyo."
"Nasan na siya ngayon?"
"Ayun po oh!" Sinundan ko naman ng tingin yung tinuturo nya. Kumunot ang noo ko.
"Ate, ngumiti ka na ha? Maganda ka pa naman po." Tapos tumakbo na ang batang babae palayo.
Nginitian nya ako at unti unting lumapit sa akin.
Tinabihan nya ako sa swing at marahang inugoy ito.
Tahimik lang ako habang hindi makatingin sa kanya. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa bulaklak.
Pagkaraan ng ilang segundo ay binasag nya ang katahimikan.
"You are too beautiful to cry."