Akala ko wala nang mas sasakit at hihirap pa sa pinagdadaanan ko. Akala ko pag nagsikap ako ay kahit paano makikita ko ang pag-asa na sinasabi ni Inay. Pero heto ako ngayon nasa maliit at masikip na selda kasama ang mga babaeng nakagawa din ng kasalanan sa batas. Dahil kay Mang Cario tuluyan na akong nakulong mas nadagdagan pa ang kaso ko dahil sa ginawa kong pananakit sa kanya kagabi nagdulot kasi ito ng sugat sa kanyang noo at ginamit niya iyon upang mas madiin ako sa kulungan. Wala akong nagawa dahil wala naman talaga akong pamabayad sa kanya. At umamin rin ako na sinaktan ko siya. Walang tigil sa pagpatak ang aking luha dahil naawa na rin ako sa aking sarili. Hindi ko alam kung hangang kailan ko kakayanin ang mga pinagdadaanan ko. At kung makakalaya pa ba ako. “Hoy! Hindi kaba titi