Pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan ko si Aling Marites. Bitbit niyaang isang sakong retaso na basahan mula sa pabrika ng mga damit. Inabot ko sa kanya ang dalawang daan na kinita ko pambayad. At kaagad akong nagbihis ng damit. Pagkatapos ay inumpisahan ko ng tahiin ang mga basahan gamit ang lumang makinilya ni Inay. Isang ilaw lang ang nagsisilbing liwanag sa paligid pero hindi iyon hadlang para magpatuloy ako sa pagtahi. Bahagya akong nakaramdam ng gutom kaya agad akong nag-init ng tubig sa abuhan upang mainitan ang aking sikmura. Kumuha na rin ako ng isang pirasong bisquit para sa hapunan. Pagkatapos kong kumain ay nagpatuloy ako sa pagpadyak sa lumang makinilya. Kahit na dinadalawa na ko ng antok ay nagpatuloy pa rin ako para matapos ang mga basahan. Alam kong maliit lang ang kikitain ko kaya kailangan kong agahan para makapaghanap pa ako ng ibang sideline sa bayan bukas.
Halos alas-kwatro na ako natapos sa pananahi. Sobrang sakit na din ng likod ko kaya umidlip muna ako ng kalahating oras. Pagkatapos ay bumangon narin ako at ipinasok lahat ng basahan na natapos ko sa lumang eco bag. Naligo na din ako at nagbihis. Nagbaon lang ako ng bisquit at tubig papunta sa bayan. Dahil wala na akong oras para kumain at magsaing ng babaunin ko. Halos dalawampung minuto din ang nilakad ko bitbit ang sengkwenta piraso ng basahan para makarating sa bayan. Kaagad kong tinungo ang pila ng mga trysicle. Limang piraso bawat isa ang benta ko kaya. Pagnaubos ang lahat ng basahan ko ay kikita ako ng sengkwenta pesos. Bigla kong naalala ang sinabi ni Mang Cario. Mahirap man tangapin ay tama ang sinabi niya kahit ilang taon pa ako magtrabaho ay hindi ko siya mababayaran sa laki ng pagkakautang ko sa kanya. Kahit ako gusto ko ng sumuko pero lagi kong naiisip ang sinabi ni Inay noong buhay pa ito. Kailangang lakasan ko ang loob ko magpatuloy sa buhay at wag mawawalan ng pag-asa.
Tirik na ang araw pero hindi parin ubos ang mga basahan na bitbit ko sobrang init na di sa kalsada. Kaya pumunta ako sa palengke nakailang ikot din ako bago tuluyang naubos ang paninda ko nakangiti kong binilang ang kita ko ngayong araw. Kahit maliit lang ay nagpasalamat parin ako sa panginoon. Pagkatapos kong bilangin ang pera ko ay pumunta ako kila Aling Caring. May maliit kasi silang pwesto ng Karinderia sa palengke.
“Mabuti naman at narito ka Camilla, kulang kami sa tao kaya ikaw muna ang tagahugas ng plato.” Wika niya sa akin.
“Sige po. Mabilis akong nagtungo sa kusina para maghugas. Pati mga kaldero na ginamit sa pagluluto ay hinugasan ko narin. Kahit nakakaramdam ng antok dahil hindi naman mahaba ang tulog ko ay tumatalon-talon nalang ako para mapawi ang antok ko. Kailangan kong kumita ng pera kay hindi ako pwedeng magpahinga.
Ilang oras na din akong naghuhugas gaya ng dati hindi nauubusan ng hugasan dahil marami ding kumakain sa karinderia minsan naman tumutulong akong mag serve or maglinis ng mesa sa pinagkainan nila. Masaya ko dahil marangal ang trabaho ko. Ngunit alam kong hindi pa ito sasapat pambayad sa mga utang namin.
Alas-sais na ng gabi natapos ang trabaho ko. Half day lang ako kaya one hundred lang ang kinita ko. pinadalhan pa ako ng kanin at ulam ni Aling Caring. Papalabas na ako ng palengke nang biglang may bumangga sa akin na bata. Kaya napaupo ako sa basang sahig ng palengke. Kahit masakit ang balakang ay kaagad akong tumayo at pinagpag ang pwetan ko dahil naramdaman kong tumagos na ang madumi at mabahong tubig sa suot kong palda. Hindi maiwasan ang ganitong eksena sa palengke dahil sa mga batang natatakbuhan.
Habang papauwi na ako mas nakaramdam ako ng halo-halong pagod, gutom at puyat. Kung pwede lang lumipad pauwi ng bahay ay gagawin ko. Mahal kasi ang pamasahe sa amin dahil papasok pa ito. At lubak-lubak ang daan. Nang makarating na ako sa bukana ng aming bahay ay napansin ko na lamang ang mga gamit ko na nakakalat sa labas ng bahay namin. Nakita ko si Aling Imang at ang mga anak niya na hinahakot ang natitirang gamit ko sa loob. Kaagad akong tumakbo palapit sa kanila.
“Aling Imang! Ano pong ibig sabihin nito! Bakit niyo nilalabas ang mga gamit ko?”
Kaagad niya akong itinulak kaya napahiga ako sa mga damit na nakakalat sa lupa.
“Alam kong wala ka ng balak na bayaran ako Camilla! Kaya itong kakarampot na lupa niyo na lang ang hihingiin kong kapalit!” Galit na wika niya sa akin. Tumayo ako at lumapit ulit sa kanya.
“Aling Imang pag-usapan po natin to! Hindi niyo po pwedeng kunin ang lupa na ito si Itay pa po ang bumili nito at wala na po akong ibang mapupuntahan. Parang awa niyo na po.”
Hindi ko na napigilan ang lumuha dahil sa sitwasyon ko. Pakiramdam ko pinagkait na sa akin ang lahat pati ang natitirang lupa na binili ni Itay kinukuha na rin sa akin.
“Awa? Camilla sa panahon ngayon hindi na uso ang awa. Maawa ka din sa akin dahil sa utang niyo hindi na nakakabangon ang maliit kong tindahan!”
Bumaling siya sa mga anak niya na tumutulong sa kanyang ilabas ang gamit ko nakangisi lang nila akong pinagtitinginan. “Sige i-padlocked niyo na yan baka ibalik ni Camilla ang mga gamit niya sa bulok na bahay na yan.”
“Aling Imang babayaran kita kahit paunti-unti lang wag mo lang ako palayasin dito!” Nakaluhod na ako sa kanya. Kaagad kong dinukot ang kinita ko ngunit kahit anong dukot at nilabas ko pa ang bulsa ng palda ko hindi ko mahanap ang wallet ko. Bigla kong naisip ang batang bumanga sa akin sa palengke.
“Hindi mo na ako mababayaran pa Camilla, kaya maghanap ka na ng ibang tutuluyan!”
Tinangal niya ang kamay ko kaya napaluhod na ako ng tuluyan sa lupa. Hindi na ako nakagalaw pa habang nakatukod ang dalawa kong kamay sa lupa pati na rin ang tuhod ko. Tuluyan na nila akong iniwan sa madilim na labas ng bahay namin. Wala na kong magawa kundi tangapin na pati ang natitira kong kayamanan ay tuluyan ng naging pambayad sa inutang namin. Pakiramdam ko hindi lang katawan ko ang pagod kundi pati narin ang isip ko dahil hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta. Inipon ko lahat ng gamit naming at umupo ako sa tabi. Halo-halong emosyon ang tuluyang nagpaluha sa akin. Hindi ko na matatakasan pa ang buhay ko. Wala na akong matutuluyan, wala na rin akong mga magulang. Kasabay ng pagbagsak ng ulan ay ang patuloy na pagdaloy ng luha sa aking pisngi. Umiiyak na niyakap ko ang natitirang larawan namin nila Inay at Itay. Kahit malamig at maraming insekto sa paligid ay hindi ako umalis. Nagpalipas ako ng gabi sa harapan ng aming bahay. Dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko at kung paano ko dadalhin ang mga gamit ko. Tirik na ang araw ngunit basing-basa parin ako dahil sa magdamag na pag-ulan kagabi. Kahit ang mga gamit ko ay basa narin. Isinilid ko sa maliit na plastic ang larawan nila Inay at Itay pagkatapos ay inilagay ko sa luma kong bag. Naramdaman ko ang sakit ng aking ulo dahil narin siguro sa puyat, gutom at magdamag kong pag-iyak. Tatayo na sana ako nang biglang may dumating na sasakyan ng police. Kaagad kong nakita si Mang Cario.
“Yan sir! Damputin niyo na yan!”
Nanlaki ang mata ko nang bigla na lamang akong pinusasan ng mga pulis.
“Sir! Bakit po?” Nanlalambot na wika ko. Kaagad kong kinuha ang bag ko.
“Sumama ka sa amin sa presinto nirereklamo ka ni Cario dahil sa malaking halaga na inutang mo sa kanya. Pwede kang kumuha ng abogado kung gusto mo.” Wika ng pulis na nagpoposas sa akin. Nakita ko ang pagngisi ni Mang Cario sa akin. Napaiyak na lang ako ulit nang bitbitin na nila ako at ipasok sa sasakyan.