Chapter 05

1486 Words
Camilla POV Napaupo ako sa maliit na papag matapos nilang umalis. Nang marinig ko ang kapalit sa tulong na ibibigay nila sa akin ay agad akong tumanggi. Dahil alam ko na mali ang manloko ng tao. Ngunit nandoon parin ang isip ko sa itsura ni Ella. Tama ang sinabi niya, malaki ang pagkakahawig naming dalawa. Pero hindi ko magagawang gamitin ang buhay niya para mabayaran ko ang pagkakautang namin. Hindi ko kayang makisama sa lalaking tinutukoy niya. Hindi ganun kalakas ang loob ko para pumasok sa ganong sitwasyon dahil alam ko ang kahihinatnan kung sakaling pumayag ako sa alok ni Ella. Napabuntong hininga ako. Dahil mag-isa na naman ako dito sa kubo. Naaalala ko na naman si Inay at si Itay. Kung di namatay si Itay sa construction hindi sana kami gaanong naghirap si Inay at hindi sana luamala ang sakit niya. Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko sa pagala-la kay Inay at Itay. Mas minabuti kong mahiga na lamang para may lakas ako bukas sa paghahanap ng trabaho sa bayan. Kinabukasan alas-kwatro pa lang ng umaga ay gising na ako. Tinangihan ko ang alok na pera ni Ella kaya binili na lang nila ako ng grocery para kahit paano ay may masaing ako. Habang nakasalang sa apoy ang kanin ay umigib na ako ng tubig sa balon malapit sa bakuran namin. Pagkatapos kong maligo sa pinagtagpi-tagping palikuran ay kaagad na akong nagbihis ng damit. Kumuha ako ng kaunting kanin at ibinalot ko sa dahoon ng saging kumuha din ako ng isang de lata galling sa grocery na bigay sa akin ni Ella. Inilagay ko sa lumang bag para baunin ko mamayang tanghali. Uminom muna ako ng maiinit na kape at nagsawsaw ng tinapay bago ako umalis. Mag a-alas sais na nang makarating ako sa bayan. Kaagad kong pinuntahan si Aling Maria na nagtitinda ng isda sa palengke. “Camilla? Anong nangyari sa’yo? Ilanga raw na kitang inaabangan dito dahil nangangailangan ako ng tauhan pero hindi ka dumating.” Wika ni Aling Maria. “Kakamatay lang po kasi ni Inay, kaya hindi po agad ako nakapunta Aling Maria. Pwede po na akong pumasok ulit sa tindahan niyo?” “Ay ikinalulungkot ko Camilla, may nakuha na kasi akong iba.” Sagot niya sa akin. “Ah ganon po ba? Okay lang po. Sige salamat po” Aalis na sana ako ng may lumapit sa akin na bakla. “Kailangan mo ng trabaho?” Tanong niya sa akin bago ako pinasadahan ng tingin. “Opo” Sambit ko. “Marunong ka bang mag-silbi ng inumin?”   Kunot noo ko siyang tinignan. “Kung marunong ka. May alam akong trabaho para sa’yo. Wag kang mag-alala kilala ako dito hindi ako masamang tao.” Nakangiti niya wika sa akin. Sa kagustuhan kong magkaroon agad ng trabaho ay sumama ako sa kanya. Nagpakilala na rin kami sa isa’t-isa dinala niya ako sa lugar na hindi ko pa napupuntahan. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng isang malawak na parang bahay maraming lamesa at marami ding upuan. May maliit na entablado at may tatlong poste sa gitna. “Sino naman yan Carrie?!” Wika nang babaeng may Malaki at bilog ang hikaw. Kung titignan ay nasa kwarenta na ang edad nito. “Si Camilla, Madam. Ipapasok kong waitress.” Sagot naman ni Carrie. “Magandang umaga po Madam.” Bahagya akong yumuko sa kanya. Lumapit siya sa akin at tinignan ako mula ulo hangang paa. “Waitress? Sigurado ka? Eh mas maganda pa ito sa mga dancer natin eh!” Malakas na boses ni Madam. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Dancer? Tinignan ko ulit ang maliit na entablado na may tatlong poste. “Hahaha, Kaya ko nga siya kinuha eh kasi maganda siya. At pag gusto niya mas malaking kita pwede din siyang magdancer.” Nakangising wika ni Carrie. Wala man akong idea sa ganitong lugar bahagya akong nakaramdam ng kaba. “O siya! turuan mo na yan para mamaya.” Mabilis tumalikod si Madam at hinarap ako ni Carrie. “Pasensiya ka na kay Madam, Camilla pinaglihi kasi sa sama ng loob.” Bahagya akong ngumiti sa sinabi niya. Pero hindi parin maalis sa akin ang pag-uusap namin. “Camilla ang gagawin mo ay pagsilbihan ang mga parokyano na papsok at oorder ng alak dito. Yun lang kapag kailangan ka nila lapitan mo sila agad at isulat mo sa maliit na papel na ito.” Inabot niya sa akin ang kulay brown na papel at isang ballpen. “Tapos ay dalhin mo sa counter at intayin mo ang alak na ibibigay nila.” Dadag pa ni Carrie. Puro tango lang ang isinukli ko sa kanya. Maya-maya ay inabutan na niya ako ng isang pares na damit. “Ano po ito?” Kunot noon a tanong ko pagkatapos kong tignan ang damit kulay puti ang blouse at itim naman ang sobrang iksi na palda. “Yan ang susuotin mo mamaya Camilla.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Carrie. Dahil hindi pa ako nakakapagsuot ng ganito kaiksing palda. “Isukat mo.” Utos niya sa akin. “Carrie, wala bang lagpas tuhod? Hindi po kasi ako sanay magsuot ng ganito.” Angal ko sa kanya. “Ay kaloka! Wala ka naman sa kombento hija kaya ganyan ang uniporme dito. Hindi gaganahan ang mga costumer kong ang makikita nila ay manang na waitress mauubusan kami ng parokyano. Sayang naman ang dalawang daan na kikitain mo araw-araw kung tatangihan mo ang trabaho.” Napakagat ako sa ibabang labi. Isang lingo ko ng kita yun sa pagtitinda ng basahan. Wala akong nagawa kundi suotin iyon. Tinignan ko ang akin sarili sa salamin. Pakiramdam ko kaunting yuko ko lang ay makikita na ang panty ko. Naiilang akong humarap kay Carrie. Hinila ko pa ng bahagya ang palda ko ngunit wala na talagang ihahaba pa. “Wow! Ang sexy mo Camilla!” Nagulat ako sa reaksyon niya. Dahil hindi naman ako comportable sa suot ko. Pero wala akong magawa kundi panindigan ang naging pasya ko. Alas-tres na ng hapon nang mag-umpisang magdatingan ang mga tao. May kasama pa akong tatlong waitress kaya hindi ako nahirapan na gawin ang trabaho ko.  Unti-unting dumami ang customer kaya mas naging abala kaming lahat madilim na rin sa labas dahil mag a-alas syiete na ng gabi. At lumiwanag ang ibat-ibang ilaw sa loob at mas lumakas at naging buhay ang tugtugan.  "Sexy! Isang mucho nga dito!" Napalingon ako sa tumawag dahil sa pamilyar niyang boses. "Celine?"  Nanlamig ang katawan ko nang makita ko si Mang Cario. Hindi ko alam kong lalapitan ko ba siya o hindi dahil nakangisi siya sa akin. Bigla kong naalala ang ginawa niya sa akin. Napahakbang ako nang bigla niya akong lapitan.  "Mas bagay sayo ang suot mo ngayon. Parang gusto ko ng maningil sa utang mo sa akin."  Nakaramdam ako ng kilabot sa paraan ng pagtitig niya sa akin.  "M-Mang Cario. Nagtatrabaho ako para mabayaran kita kaya please bigyan mo muna ako ng palugit." Nangingilid ang luha kong paliwanag sa kanya. "Palugit? Ilang taon ka pa magtratrabaho dito bago mo ko tuluyang mabayaran Camilla. Isang beses lang naman ang hinihinge ko sa'yo tapos wala ka ng utang sa akin. Tapos papasok ka rin pala sa lugar na ito?" Kunot noo ko siyang tinignan. Maya-maya ay nagbago ang ritmo ng tugtog at lumabas ang isang babae. Halos wala na itong suot  habang nagpapaikot-ikot sa poste na nasa entablado.  "Alam mo ba talaga ang lugar na ito?" Bumalik ang tingin ko sa kanya at nagulat na lamang ako nang dakmain niya ang puwetan ko. "Bastos!"  Nagdilim ang paningin ko at nahampas ko siya ng tray. Mabilis siyang nawalan ng balanse at napaupo kasabay ng pagtumba ng mesang tinukuran niya.  "Camilla!" Malakas na tawag ni Madam sa akin.  "Oh my Gosh! Mang Cario ayos ka lang?" Tinulungan siyang makatayo ni Carrie.  "Binastos niya po ako Madam!"  Hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. Ang pagtama ng mabigat na kamay ni Madam sa aking pisngi. Tuluyan na akong napaluha sa dahil sa sakit na naramdaman ko. "Carrie! Ilabas mo ang babaeng yan!" Hindi ko na nagawang ipaglaban ang sarili ko at hinayaan ko na lang nahilahin ako ni Carrie palabas. "Bakit mo ginawa yun Camilla? Regular costumer namin si Mang Cario. Kaya galit na galit sa'yo si Madam." Paliwanag niya sa akin. "Pero binastos niya po ako." Umiiyak na sagot ko sa kanya. "Ganun talaga dito sana hindi mo nalang pinatulan."  Akala ko makakakuha ako ng kakampi pero hindi. Mali bang ipagtangol ang sarili sa mga nagsasamantala? Hindi ko sila maintindihan.  Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Carrie ay inabutan niya ako ng dalawang daan para sa naging serbisyo ko at pamsahe na rin pauwi. Dahil galit na galit si Madam sa akin at ayaw na niya akong papasukin ulit. Wala akong nagawa kundi ang umuwi dahil nakaramdam ako ng matinding pagod dahil sa nangyari. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD