Ella POV
Pagkatapos niyang kumain ay muli akong lumapit sa kanya tinangka pa akong pigilan ni John pero buo na ang desisyon ko na kausapin siya.
“Camilla ano ba talaga ang nangyari sayo? Bakit ka tumatakbo sa gitna ng kalsada? May humahabol ba sa’yo?”
Napasinghap siya sa sinabi ko na parang pinipigilan niya ang pag-iyak.
“Hinahabol ako ni Mang Cario, pinagtangkaan niya akong gawan ng masama kapalit sa inutang kong serbisyo para maipalibing si Inay.”
Naramdaman ko ang paghihirap sa kanyang kalooban. Maski si John ay lumapit na rin sa amin.
“Gusto mo sampahan natin ng kaso ang lalaking tinutukoy mo? Kung hindi ka nakatakbo malamang may ginawa na yun sa’yo.” Kunot noong wika ni John.
“Hindi pwede malaki ang utang ko sa kanya. At wala din akong kakayanan na ipagtangol ang sarili ko. Kahit mag-isa na lang ako sa buhay. Gagawa ako ng paraan para makabayad sa kanya.” Naluluhang wika ni Camilla
“Magkano ba ang utang mo sa papalibing sa nanay mo Camilla? Baka makatulong ako?” Tanong ko sa kanya. Gusto ko talagang tulungan siya dahil alam kong sobrang hirap ng kalagayan niya kaya lang nangangailangan din ako. At kung matutulungan ko siya baka matulungan niya din ako sa problema ko.
“Hindi na po Ma’am Ella. Sapat na po ang ginawa niyong pagligtas sa akin kay Mang Cario. Kung hindi kayo dumating kung hindi ako bumanga sa kotse niyo baka mas malalala pa ang nangyari sa akin.” Nakayukong wika niya sa amin.
“Tutulungan kita sa lahat ng problema mo Camilla pero may kapalit.”
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Tumingin din ako kay John at napapailing na lamang siya sa akin.
“Bibigyan niyo po ako nang trabaho Ma’am? Kahit ano po gagawin ko kaya ko pong trabaho hindi po ako namimili basta marangal tatangapin ko.” Wika niya.
“Hindi yun ang tinutukoy ko Camilla. Gusto kong magpangap ka bilang ako sa bahay namin ng asawa ko.” Paliwanag ko sa kanya. Napanganga siya sa sinabi ko.
“Ano po? Magpangap bilang kayo sa asawa niyo?” Kunot noong tanong niya sa akin. Bago siya bumaling kay John.
“Oo. Ipinakasal ako sa isang mayamang business man, sampong taon ang agwat naming dalawa at bukod dun hindi ko siya mahal si John ang mahal ko. Napilitan lang ako na pakasalan siya dahil sa mga magulang ko. At alam kong napilitan lang din siya sa pagpapakasal sa akin because of business. We are both total strangers sa isa’t-isa kaya hindi kami magkatabi sa iisang kama kundi magkahiwalay kaming natutulog sa iisang kwarto na kami lang ang pwedeng pumasok para walang ibang makaalam sa totoong relasyon naming dalawa. And ngayon nasa ibang bansa siya at dalawang buwan pa siyang mananatili doon kaya may panahon pa tayo para maging kamukhang-kamukha kita.” Paliwanag ko sa kanya. Hindi na ako nagpaligoy–ligoy pa dahil mabilis lang ang dalawang buwan. At darating na ulit si Steven ayoko na siyang makita at makasamang muli gusto ko ng sumama kay John sa apartment nito.
“Salamat na lang pero hindi ako papayag sa alok mo Ma’am.” Sagot niya sa akin. Nagulat ako dahil hindi man lang niya nagawang pagisipan muna ang alok ko.
“Bakit? Ayaw mo bang matapos na ang problema mo?”
“Mas malaking problema po kung gagawin ko ang gusto niyo. Mahirap lang po ako pero hindi ko po kayang manloko ng tao para lang mabayaran ang utang ko.”
“Camilla, pansamantala lang naman eh. Hangang pa handa si John na pakasalan ako. Saka ako makikipag divorce sa kanya. Saka hindi ka naman niya gagalawin dahil kahit ako never siyang nagtangka na may mangyari sa amin. At hindi lang yun hindi mo na paghihirapan ang araw-araw mong kakainin dahil doon lahat libre.”
Bumuntong hininga siya sa sinabi ko. Ramdam kong hindi niya gusto ang alok ko sa kanya. Pero wala na akong ibang choice kundi pilitin siya.
“Pasensiya na po kayo Ma’am, hindi kop o kayang gawin ang gusto niyo”
“Pero Camil—“
“Tama na yan Ella, wag na natin siyang pilitin.” Hinawakan ni John ang kamay ko. At hinila niya ako palabas ng hospital.
“Kailangan ba talaga nating gawin to? Hindi ba pwedeng mag-antay na lang tayo ng tamang panahon para makalaya ka kay Steven?” Wika niya sa akin.
Sunod-sunod ang naging pag-iling ko.
“John in two months babalik na ulit si Steven, hindi na ulit tayo magkikita dahil sigurado akong hindi na naman ako makakalabas ng bahay. Dahil baka mahalata niyang may-iba akong kinakatagpo at pag nalaman yun ni Mom at ni Dad. Baka tuluyan na tayong hindi magkita.” Hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak. Dahil ayokong mangyari yun sa min ni John. Siya ang mahal ko kaya dapat siya ang kasama ko at hindi si Steven.
Lumapit si John sa akin ay niyakap niya ako ng mahigpit. “I’m sorry Ella, but for now hayaan muna natin siyang mag-isip malay mo magbago ang isip niya.”
Pagkalabas namin ng Hospital ay hinatid na naming siya sa bahay niya. Hindi ko na rin siya kinulit pa dahil ayokong magmakaawa sa kanya. Pag tigil naming sa bahay niya ay nagulat kami ni John dahil sa maliit na kubo lang siya nakatira. Parang tatlong ihip na lang ng hangin ay bibigay na iyon dahil sa sobrang kalumaan.
“Salamat po sa paghatid niyo Ma’am Ella at Sir John. Mag-iingat po kayo sap ag-uwi.” Wika niya bago pumasok sa kanyang kubo. Labag man sa loob ko na iwanan siya. Hindi ko siya kayang pilitin kaya hinayaan ko na lang siya. Binigyan ko siya ng tatlong araw at contact number kung sakali na magbago ang isip niya.
Hinatid ko muna si John sa apartment niya bago ako umuwi. Tinawagan kasi ako ni Mom at Dad na sabay daw kaming mag dinner kaya nagmadali akong makauwi sa bahay nila.
"Mom, I miss you....Kumusta po ang byahe niyo?"
Humalik ako sa pisngi ni Mom at ni Dad bago umupo sa dinning table.
"Okay naman anak, dapat kasi sumama ka na lang sa husband mo para nakapamasyal ka din at ng hindi ka naiinip dito anak." Sagot ni Dad.
Nakaramdam ako ng inis dahil kakarating pa lang nila. Pinagsasabihan na naman nila ako.
"Oo nga Ella? Dapat kung nasan ang asawa mo nandun ka rin and besides paano kung may makilalang babae ang asawa mo sa business summit? Hindi mo ba naisip na pwede siyang maagaw sa'yo dahil wala ka sa tabi niya?" Sabat naman ni Mama.
"Eh di mabuti po." Hindi ko napigilan ang sarili ko.
"Ella!" Singhal ni Dad.
"Baka nakakalimutan mo kung hindi dahil kay Steven. Nalugi na sana ang kompanya natin! Kaylan mo ba maiisip na tama ang naging desisyon namin ng Mama mo?!" Galit na wika ni Papa. Kahit si Mama ay hinayaan niya lang na sigawan ako ni Papa. Wala talaga silang pakialam sa nararamdaman ko.
"Hindi ko po kasalanan kung nalugi ang kompaniya natin Papa. At hindi ko rin po kasalanan kung hindi ko kayang mahalin si Steven dahil ganun din naman siya sa akin Papa!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo ako at yumuko sa kanila bago tuluyang umalis.
"Ella!" Tawag ni Papa pero hindi ko na siya nilingon pa. Paano nila naatim na ipakasal ako sa hindi ko mahal dahil sa negosyo nila. Masama ang loob kong nagtungo sa apartment ni John. Pagkarating ko ay nagulat din siya nang dumating ako pero pinapasok niya ako dahil alam niyang hindi naging maganda ang pag-uusap namin ng mga magulang ko. Sapat na sa akin ang mga yakap at halik niya para kahit pano ay mabawasan ang nararamdaman ko.