Ella POV
“Ms. Okay ka lang ba? May masakit ba sa’yo? May nararamdaman ka ba sa katawan mo?” Sunod-sunod na tanong ni John nang unti-unting iminulat ng babae ang kanyang mga mata.
“Nasaan ako?” Sambit niya.
Hindi ko akalain na kahit sa boses ay halos magkapareho kaming dalawa ngunit mas malumanay lang siya magsalita kaysa sa akin.
“Nasa Hospital tayo.” Sagot ko sa kanya. Nabaling sa akin ang paningin niya at mariin niya akong tinignan.
“Nagtataka ka rin ba? Ako din hindi ko akalain na may magiging kahawig ako dahil wala naman akong kakambal.” Derechong sagot ko sa kanya.
Kung titignan siyang maige ay malayo ang pagkakaiba namin. Siguro ay dahil mukha naman kaming magka-iba ng estado sa buhay. Mukha kasi siyang nakatira sa squatter area or probinsyana at isa pa sobrang haba din ng nakalugay niyang buhok at ang balat niya malayong-malayo sa balat ko. Ngunit ang mata, ilong labi at ngipin pati na rin ang tangkad ay parehong-pareho kami ng itsura kaya lang mukha siyang malnourished iniisip ko tuloy kung kumakain pa kaya siya.
“Hindi po, napakalayo ng itsura niyo sa akin.” Mahinhin na wika niya.
Sunod-sunod ang naging pag-iling ko.
“Kung ganito ang magiging ayos mo sigurado ako para na tayong carbon copy.” Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Masyadong mababa ang self-esteem niya kaya siguro hindi niya ma-absurb ang mga sinasabi ko sa kanya.
“Dapat hindi niyo na po ako dinala dito. Wala po akong pambayad sa Ospital.” Nangingilid ang mga luha niya.
“No, hindi mo na kailangang problemahin yun Ms. Kami ang nakabundol sa’yo kaya pananagutan ka namin.” Sabat naman ni John. Kaya mas lalo akong napamahal kay John at sa kabila ng lahat dahil napakabuti niyang tao. Hindi kagaya ni Steven napakalamig niya walang paki-alam walang pakiramdam kahit noong unang gabi naming bilang mag-asawa ay sa sofa siya natulog. Palagi niyang sinasabi na bata pa ako at immature kaya ayaw niya sa akin. Well totoo naman dahil ayoko pang matali sa isang kagaya niya siguradong hindi niya ako maiintindihan. Puro trabaho kasi ang laman ng utak niya. At samantalang ako puro enjoy gala at waldas ng pera. I want to enjoy my life to the fullest. Until john is ready to marry me. Ayoko siyang madaliin dahil bukod na nagtratrabaho siya para makagraduate ay malaki din ang pangarap niya sa buhay kaya habang inaabot niya iyon gusto kong manatili sa kanyang tabi at enjoyin namin ang lahat ng araw naming bilang magkasintahan bumuo ng memories na magkasama para mas maging matibay ang relasyon naming dalawa.
“I’m sure gutom ka na, bibili lang kami ng pagkain okay?” Paalam ni John, kaagad niya akong hinila palabas ng kwarto.
Pagkarating naming sa labas ng Hospital ay hinarap niya ako.
“Ano bang pinagsasabi mo sa kanya Ella?”
Kunot noo na tanong niya sa akin.
“John, hindi mo ba talaga makita? Mag-kamukha kaming dalawa.”
“Alam ko. At naiisip ko ang gusto mong gawin sa kanya dahil kilala kita at kanina ka pa hindi tumitigil sa pagtitig sa kanya. Don’t tell me gagamitin mo siya?” Wika ni John. At hindi nga siya nag-kamali balak ko siyang gamitin para makatakas ng tuluyan kay Steven. Tumango ako kay John bilang pag-amin.
“What? Nasisiraan ka na ba?” Singhal niya sa akin.
“Why not? Kung siya ang magiging daan para makalaya na ako kay Steven bakit hindi? Ang kailangan ko lang naman ay mapapayag siya at ako ng bahala sa itsura niya. You know me John, I’m capable of doing this.”
“Kaya nga hindi mo dapat gawin yun sa kanya. Malayong-malayo kayong dalawa! Oo sabihin na natin magkamukha kayo pero tingin mo ba mukha katawan at pananamit lang ang kailangan mong baguhin sa kanya?” Tinalikuran niya ako at nagpatuloy sa paglakad. Kaya mabilis ang naging paghakbang ko.
“John! And what do you want me to do? Ang tuluyan ng makisama kay Steven?”
Tumigil siya sa paglakad at hinarap ako.
“No, hindi yun ang gusto ko.”
“So what do you want me to do John! Alam mo ba ang pakiramdam na makasama ang isang tao sa isang bubong na pareho kayong walang nararamdaman sa isa’t-isa? Para kaming hindi magkakilala kahit sa iisang bahay lang kami nakatira.”
“At ako naisip mo din ba ang nararamdaman ko Ella nung kinasal kayo ng Steven na yun?” Naniningkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Oo kasalanan ko dahil pumayag akong ikasal ngunit wala akong magagawa laban sa mga magulang ko nagbanta silang itatakwil nila ako kapag hindi ko sila sinunod at natakot ako dun dahil wala akong alam kung ano ang buhay ng taong walang-wala. Hindi ko naranasan maghirap para sa kakainin ko at hindi rin ako kayang buhayin ni John kaya wala akong nagawa kundi sundin sila mama at papa. Pero ayokong matali habang buhay sa lalaking yun at kung kailangan kong gamitin ang babaeng yun gagawin ko makalaya lang ako kay Steven.
“John mahal kita, at gusto ko ng makawala kay Steven, at siya ang nakikita kong paraan para tuluyan ko na siyang iwan.”
Napabuntong hininga si John. Alam kong mali ang desisyon ko pero sa ngayon ito ang naiisip kong paraan at wala ng iba.
“Ella, alam mo naman ginagawa ko to lahat para sa atin. Kahit ako ayokong umuwi ka pa sa lalaking yun. Ngunit mali ito. Baka bumalik lang sa’yo ang lahat kapag itinuloy mo ang binabalak mo.” Giit niya sa akin.
“As long as I have you John. Hindi ako matatakot magkamali.”
Naging tahimik kaming dalawa matapos naming magtalo ni John kanina. At ngayon pabalik na kami sa room ng babae ni hindi ko pa rin alam ang kanyang pangalan.
“Ito na ang pagkain Ms. Kumain ka muna.” Wika ni John. Dahan-dahang isinandal ng babae ang kanyang likod sa kama. At kitang-kita ko ang panginginig ng kamay niya nang abutin niya ang papel na supot.
“Okay ka lang ba Ms?” Tanong ko sa kanya.
Malalaki ang kagat na kinain niya ang dala naming burger na binili pa namin sa burger king. Halatang gutom na gutom siya dahil kung pwede lang magkasya sa bibig niya siguro nilunok na niya iyon ng buo.
“Ano nga palang pangalan mo?” Tanong ko sa kanya. Hindi ko maiwasan kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ko siyang kumain. Nilunok niya muna ang laman ng bibig niya bago magsalita.
“Ako nga pala si Camilla. Pasensiya na po kagabi pa kasi ako walang kain.”
Nanlaki ang mata kong napatingin ako kay John. At bakas ang awa sa mga mata niya. Siguro ay nauunawaan din niya ang kalagayan nito.
“Saan ka ba nakatira? Ano ba talagang nangyari sa’yo? Bakit ka tumatakbo sa gitna ng kalsada?”
Sunod-sunod na tanong ko. Naramdaman ko na lang ang paghawak ni John sa kamay ko. Kaya nilingon ko siya.
“Hayaan muna natin siyang makakain mamaya ka na magtanong.” Ginawa ko ang sinabi ni John. Umupo muna kami sa sofa. Habang nakatingin parin ako sa kanya. Dalawang bigmack burger na ang nauubos niya. Kaya pala nginig na nginig na siya dahil siguro iyon sa gutom. Mas lalo akong na-curios sa pagkatao niya. At mas gusto kong alamin ang buhay niya.