Chapter 02

1109 Words
Camilla's POV Dahil sa matinding takot na naramdaman ko kaagad akong bumaba sa karo. “Camilla!” Nanginig ang mga kalamnan ko dahil sa nakakatakot na sigaw ni Mang Cario. Paglingon ko ay tumatakbo na rin pala siya at galit na hinahabol ako. “Tulong! Tulongan niyo ko!” Malakas na sigaw ko. Pero wala akong makitang bahay na malapit at pwede kong paghingan ng tulong. “Camilla! Akala mo ba makakatakas ka sa akin?! Kahit makatakas ka pa malaki pa rin ang utang mo! At ipapakulong kita kung hindi mo ko babayaran!” Mas gugustuhin ko pang makulong kaysa katawan ko ang maging pambayad sa utang ko sa kanya. “Camilla!” Dahil sa panlalambot ng katawan ko mabilis niya akong nahabol sa gilid ng kalsada. “Bitawan mo ko! Mang Cario! Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari!” Pilit kong hinihila ang kamay ko sa kanya. Kahit halos mabali na ang kamay ko dahil sa higpit na pagkakahawak niya. “Mas gusto mong ipakulong kita kaysa paligayahin ako?!” Matalim ang naging tingin niya sa akin na may halong pagnanasa dahil lumantad ang aking harapan sa kanya. “Oo, ipakulong muna ako! Pero hindi kita hahayaan na babuyin ako! Kung alam ko lang na katawan ko ang gusto mong kapalit sa serbisyong pagpapalibing sa inay ko hindi sana ako pumayag sa gusto mo!” Lalong dumilim ang mga mata niya na nakatingin sa akin. “At paano mo ipapalibing ang nanay mo?! Ibabalot mo sa banig at ililibing sa bakuran mo? Oh itatapon mo na lang sa kung saan na parang patay na hayop?” May sumilay na nakakatakot na ngisi sa kanyang mga labi. Hindi ko akalain na may mga tao talaga na kayang pagsamantalahan ang kahinaan ng iba. Masyadong malupit ang mundong ito para sa isang kagaya kong walang kakayahan na mamuhay ng normal kagaya ng ibang tao. “Please Mang Cario bitawan muna ako! Dahil kahit ano ang mangyari hindi-hindi ako papayag sa gusto mo!” Gamit ang natitirang lakas ko. Buong lakas ko siyang tinulak kaya napahiga siya sa semento. Kinuha ko ang pagkakataon na ‘yon upang tuluyang makalayo. Ngunit nagulat na lamang ako nang biglang may malakas na preno akong narinig sa pagtawid ko ng kalsada. At kasabay noon ang pagbagsak ko sa unahan ng sasakyan. “Oh my God! Miss? Miss? Are you okay?” Narinig kong sambit ng isang babae. Hindi ko alam kong anong itsura niya naramdaman ko na lang ang marahan niyang pagtapik sa akin. “Dalhin na natin siya sa hospital, Ella.” Narinig kong sabi ng lalaki. Pero hindi ko narinig ang pagtugon ng babae. Sa sobrang pananakit na nararamdaman ko ay tuluyan na akong nawalan ng malay. Ella POV Nagulat ako nang biglang may babaeng sumulpot sa unahan ng kotse ko. Mabuti na lamang at malakas ang preno ni John. Dali-dali kaming lumabas ng kotse upang tignan ang babae. “Ella tulungan mo ko dalhin na natin siya sa Hospital!” “John, look at her.” Nanginginig ko siyang pinagmasdan. “She looks like me.” Seryosong sambit ko kay John habang nakatingin pa rin ako sa mukha ng walang malay na babae. Hindi kami magkasing puti ngunit alam kong parehong-pareho kami ng physical features. Mas maganda lang ako dahil sa make-up ko ngunit alam kong pareho kami ng mukha. At wala akong idea kung paano nangyari ito. Dahil kambal lang na pinanganak ang magkamukha sa mundo. Pero malayong mangyari ‘yon dahil alam kong mag-isa lang akong anak ni Mama. “What the hell are you talking about Ella? Let’s go!” Mabilis na binuhat ni John ang babae. Kahit puno ng katanungan ang nasa isip ko nagawa kong buksan ang passenger seat para maipasok niya ito sa loob. “Diyan ka na umupo. Para maalalayan mo siya.” Naging sunod-sunuran ako sa mga sinabi ni John tumabi ako sa kanya. Habang binabaybay naming ang daan patungo sa hospital ay wala pa rin akong tigil sa pagtitig sa mukha niya. Bawat Angulo ng mukha niya ay katulad ng sa akin hindi ko alam kong bakit hindi makita ‘yon ni John siguro dahil sa pagkangarag niya dahil siya ang muntik ng makabanga dito. Pero bakit ganoon ang itsura niya? Bakit sira ang damit niya? May humahabol ba sa kanya kaya siya tumatakbo kanina? Hindi namin napansin kung may humahabol sa kanya dahil mas natuon ang atensyon ko sa kanyang mukha. Pagkarating namin sa emergency room ay kaagad ipinasok ang babae. Nakasunod lang kami ni John at iniintay kung ano man ang sasabihin ng doctor na tumingin sa kanya. Naupo kami sa labas ng emergency room dahil bawal daw kami sa loob. Maya-maya pa ay may lumabas na ang Doctor at nilapitan kami. "Okay naman ang pasyente wala naman siyang matinding pinsala sa katawan bukod sa mga galos at kaunting pasa pero kailangan parin namin siyang ma x-ray at masiguro na wala siyang ibang tinamong injury. Kaya kailangan natin siyang ma confine dahil mababa din ang heart rate niya at masyado siyang mahina." Paliwanag ng Doctor. "Okay Doc, kukuha po kami ng kwarto." Sagot naman ni John. Siya lahat ang nag-asikaso sa lahat ng kakailanganing test ng babae. Habang ako kay nag-aabang lang sa loob ng kwarto niya at inaantay matapos ang mga procedure na ginawa sa kanya. Alam kong hindi malakas ang pagkakabanga namin sa kanya. Kaya lang kailangan naming makasigurado ni John. Mabuti na lamang at kasama ko siya dahil kung ako lamang mag-isa hindi ko alam ang gagawin ko. Matagal na kaming magkasintahan ni John kaya lang dahil sa kasakiman ng mga magulang ko. Ipinakasal nila ako sa lalaking kasing tigas ng bato at kasing lamig nang yelo ang pakikitungo sa akin limang buwan na ang nakakaraan. At wala akong nagawa dahil pinilit nila ako. Ayaw nila kay John dahil mahirap lang ito. Kaya hindi siya naglakas loob na ipaglaban ako. At ngayon wala akong magawa kundi itago ang realsyon namin ni John at manatiling kasal kay Steven. Hindi naman ako nahihirapan dahil walang pakialam si Steven sa akin. Palagi din siyang wala at nasa business summit kagaya ngayon dalawang buwan siyang nasa Florida para asikasuhin ang pag-expand ng kanyang kompaniya. Sampung taon ang tanda niya sa akin hindi kagaya ni John pareho kaming labing siyam na taong gulang kaya alam kong mas bagay pa rin kami ni John. Labag man sa loob namin ang ganitong set-up alam kong darating din ang araw na makakatakas ako sa poder ni Steven at tuluyan ko ng makakasama si John habang buhay. At nang makita ko ang babaeng 'yon. Alam kong dininig na ng Diyos ang palagi kong dasal sa ibang paraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD