CHAPTER NINETEEN- A LITLLE BIT OF REVELATION Masakit ang ulo na nagising siya dahil sa alarm ng kanyang cellphone. Naka- set kasi iyon ng alas-sais. Nakalimutan niyang i-off kagabi dahil sa Arts Night. Fudge! Bigla siyang napabalikwas ng bangon dahil sa eksenang pumasok sa isip niya. “Then kiss me. Be my first kiss, Irvin Klein Ambrosio.” ngumuso pa siya rito. Hindi man lang siya nakaramdam ng hiya sa sinabi niya. Lasing na nga siguro siya. “J-Janine…” “Gusto mo bang ako na ang humalik sa’yo?” hinawakan niya ang batok nito at tumingkayad para abutin ang labi nitong kanina pa siya tinutukso. “f**k Janine.” narinig pa niyang anas ni Irvin na hinawakan siya sa beywang para mas lalong pagdikitin ang mga katawan nila na napahirap gawin dahil sa suot niya.. Ilang centemetro na at m