bc

Artists Do Fall in Love

book_age16+
1.6K
FOLLOW
5.5K
READ
love-triangle
family
friends to lovers
comedy
sweet
YA Fiction Writing Contest
mystery
coming of age
friendship
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Dead painter, Jamaine Francisco left a will to her sons, Mark and Irvin to find her through her masterpiece in Ocassus without telling anyone, just like their old game. They both met Janine whom little did they know is the masterpiece that their mother referring to. Together, they fight for their dreams, love, and family.

chap-preview
Free preview
Chapter One - Fated Encounter
                                                                 CHAPTER ONE- THE FATED ENCOUNTER “Don’t disturb. Don’t ever dare try to knock.”   Napatingin siya sa pintuan ng kaharap na kwarto. May umokupa na rin pala roon. Nagkibit-balikat lang siya bago nagmamadaling tumungo sa kusina bitbit ang mga gamit niya sa pagpipinta. “Gandang umaga, Janine.” nakangiting bati sa kanya ng kasera niya, si Aling Susan. Hinango nito ang pritong itlog sa kawali at nilagay sa isang maliit na plato. “Gusto mong kumain?” “Hindi na po, Aling Susan. Sa school na lang ako kakain mamayang breaktime. May kailangan pa po kasi akong tapusin.” “Ganoon ba? Ikaw ang bahala.” Lumapit siya sa ref at kinuha ang pinalamig niyang tubig kagabi. Limang kwarto ang pinapaupahan ni Aling Susan. Sa ngayon, dalawa pa lang sila ng bagong lipat ang nagrerenta roon. Maliban kasi sa may kalumaan na ang bahay ay medyo malayo pa sa gate ng Central University kung saan siya nag-aaral ng BS Arts Major in Painting. Nasa huling taon na siya sa kolehiyo. Magkakilala ang kanyang lolo at Aling Susan kaya kahit ganoon ay mas pinili niyang dito na lang mangupahan. Mag-a-apat na taon na rin siyang nangangasera kay Aling Susan. Dito sila nakatira Ocassus ng kanyang lolo at lola rati ngunit umalis sila para ipagamot ang kanyang lolo roon sa Maynila. Mula nang umalis sila rito ay wala na silang bahay na babalikan dahil nabenta na nila iyon para magpatayo ng maliit na sari-sari store sa Maynila. Dito lang kasi sa Central University nago-offer ng kursong gusto niya kaya wala siyang ibang choice kundi ang mangupahan ng bahay. Mabait si Aling Susan. Biyuda na ito at ang dalawang anak na babae ay may sarili na ring pamilya. Hindi naman ito nahihirapan dahil may pensyon itong natatanggap tuwing katapusan dahil dati itong guro sa high school. “May bagong lipat na po pala sa kabilang kwarto?” bigla niyang naitanong. “Mukhang mataray base sa nakasulat sa signboard sa pinto niya. Take note, English.” aniya pagkatapos ay tumawa. Lumapit ito sa kanya at tinapunan ng tingin ang kwarto ng bagong lipat. “Iyan nga pala ang sasabihin ko sa’yo.” Napakamot ito ng ulo. “Hindi ba at sinabi kong mga babae lang ang kukunin ko?” “May problema po ba?” kunot ang noong tanong niya Hinila siya nito palabas. “Ano kasi. ang bagong lipat…” parang hirap na hirap itong sabihin sa kanya ang tungkol sa bagong lipat. “Hindi siya babae.” anito sa mababang boses. “Po? Akala ko po ba puros babae lang kami?” gulat na bulalas niya. Hindi sa nag-iinarte siya pero ayaw niyang may kasama siyang lalaki sa iisang bubong. “Kaya nga ayaw ko sanang tanggapin kagabi nang dumating pero nagpupumilit.” “Dapat sinabi niyong maghanap na lang siya ng iba.” Muli itong sumulyap sa loob ng bahay. “Nirentahan niya ang tatlo pang natitirang kwarto. Ayoko pa rin sanang pumayag kaso naglabas kaagad siya ng pera at handang magbayad ng doble.” “Ganoon siya kayaman?” mulagat na tanong niya. Dalawang libo ang renta  bawat kwarto kaya nangangahulugan na sixteen thousand buwan-buwan ang babayaran nito. Malaking pera na iyon para sa katulad niyang abuelo at abuela lang ang sumusuporta para makapag-aral siya. Ngumuso ito sa bandang kaliwa ng bakuran. May nakita siyang itim na kotse roon. Mayaman nga siguro dahil may sariling kotse. “Mukha naman po bang mabait? Baka masamang tao iyon, Aling Susan.” “Hindi naman siguro. Mukha naman siyang disenteng manamit at edukado kung magsalita. Hindi mo naman siguro ako masisi kung baliin ko ang patakaran, di’ba?” Ngumiti na lang siya. Ano pa nga ba ang magagawa niya. Isa pa, ito ang may-ari ng bahay kaya maaari nitong gawin ang lahat ng gusto nito sa bahay. “Okay lang naman po sa akin basta mabait siya at hindi gagawa ng kung anong katarantaduhan. Mukhang magkakasundo naman kami dahil parehong kaming ayaw madistorbo..” “Naku, salamat talaga, Janine.” “Walang anuman po, Aling Susan. Paano, mauna na po ako. Pakisabi na lang sa bagong lipat na welcome kamo.” “Sandali, Janine!” pahabol ni Aling Susan na mabilis na sumunod sa kanya. Agad niyang tinakbo ang maliit na hardin sa kaliwa ng bahay para kunin ang bulaklak na binili niya bayan kahapon para ipinta. Bigla siyang napatigil nang makita ang pinaglagyan niya ng paso. Basag na iyon at nalanta na ang kulay dilaw nitong bulaklak na kagabi lang ay kayganda pang tingnan. “S-Sino ang gumawa nito…” wala sa sariling sambit niya habang lupaypay ang magkabilang balikat na pinulot ang basag na paso. “Janine… iyan pa sana ang sasabihin ko sa iyo.” Nilingon niya ang matanda. “May pusa po bang umakyat kaya nahulog ang paso?” Nanlulumo pa rin ang boses na tanong niya. May alaga kasi itong pusa. Napakamot na naman ito ng ulo. “Hindi.. Ganito kasi, Iha. Kwan, paano ba ito?’ “I accidentally ran into it while parking my car last night.” Sabay silang napalingon sa baritonong boses na nagmula sa likuran nila. Lalaki. Magulo ang buhok nito. Parang inaantok pa ang itsura. Gusot ang suot na puting t-shirt at boxer short. Napangiwi siya nang dumako ang tingin niya sa mata nitong may makapal na eyeliner. Agad na lumapit si Aling Susan dito. “Gising ka na pala, Irvin. Siyanga pala, siya si Janine, ang okupante sa kaharap na kwarto mo.” pakilala ng matanda. “How much?” biglang tanong nito sabay hikab. Hindi niya maiwasang magtaas ng kilay. “Ako ba ang kinakausap mo?” “I said how much?” pinasadahan siya nito ng tingin. “Sabi ko magkano ang vase na nabasag ko? Ten? Twenty pesos?” Mas lalong tumaas ang kilay niya sa tanong nito. Iniinsulto ba siya nito? “Isang libo!” taas noong sabi niya. “Paso pa lang iyan. Karagdagang isang libo para sa bulaklak.” “Janine!” Hindi napigilang bulalas ni Aling Susan. Para itong pusa na hindi maihi na pupunta sa kanya tapos babalik din sa lalaking tinawag nitong Irvin. “I’ll pay it. Kukunin ko lang sa loob ang tseke. Ikaw na ang bahalang mag withdraw sa bangko. Marunong ka ba? Magpasama ka kay Aling Susan kung hindi ka marunong.” parang wala anumang sabi nito bago pumasok sa loob. Siya naman ay naiwang pilit na pinipigilan ang sarili na huwag ibato rito ang hawak na basag na paso. Agad siyang dinaluhan ng matanda. “Janine, huwag mo nang patulan.” “Kumukulo ang dugo ko Aling Susan. Akala ko ba mabait at edukado kung magsalita? Mukha siyang adik.” inis na sinipa niya ang gulong kotse nito. “Baka puyat lang. Nakita ko kasing buong magdamag na bukas ang ilaw ng kwarto niya.” “Puyat din naman ako pero hindi ako nagiging walang modo kahit na dalawang araw pa akong walang tulog.” “Kow, hayaan mo na.” Naiinis na muli niyang sinipa ang gulong ng kotse nito. “Kung hindi lang talaga ako nagmamadali ngayon.” natampal niya ang noo. “Oo nga pala, late na ako…” “Ako na ang humihingi ng pasensya, Janine.” Ngumiti lang siya sa matanda. “Pakikuha na lang ng dalawang libo ko sa  taong iyon, Aling Susan. Bayad ko na iyon sa susunod na buwan.” Sabi niya bago tinakbo ang gate na gawa sa kawayan. Agad siyang pumara ng de padyak. Sampung minuto rin bago siya nakarating sa  Central University. Halos liparin na niya ang hallway makarating lang kaagad sa una niyang subject sa semester na iyon. “Good morning Sir, I’m sorry I’m late.” Hinihingal na bungad niya pagkapasok pa lang sa pintuan ng classroom. Napatingin ang lahat sa kanya. Nagsisimula na ang mga itong magpinta samantalang ang iba naman ay gumuguhit at kumukuha ng litrato ng mga bagay na subject of interest ng mga ito. “Ikatlong araw pa lang ng klase pero tatlong beses ka na ring nahuhuli sa klase Miss Lim. Congratulations, the late award will surely be yours.” hindi napigilan ng ilan na humagikhik. “Sorry po, Mr. Ciriaco. Hindi na po talaga mauulit.” “Hindi na ako umaasang hindi ito mauulit dahil sigurado akong late ka na naman bukas, Miss Lim. Go to your seat and do your artwork number two.” “Yes, Sir.” Napangiwi siyang umupo sa upuan niya. “Wait Miss Lim. Where is your subject of Interest?” Mas lalo siyang napangiwi sa tanong nito. Muli na naman niyang naalala ang itsura ng Irvin na iyon. Naiinis na naman siya. “W-Wala po akong nadala Sir. Nahulog kasi ang bulaklak na binili ko kahapon-” Hindi na niya naituloy nang bigla na lang may pumasok. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala kung sino iyon. “Am I late?” Parang inaantok pa na tanong nito. Hindi niya alam kung paano ito nakapag bihis kaagad. “And who are you?” Tanong ni Sir Ciriaco rito. Inismiran niya ito nang magtama ang paningin nila. May ibinigay itong papel. Registration form yata nito. “Irvin Klein Ambrosio?” nakataas ang noong tanong ng guro. “The photographer?.” Nagkibit lang ito ng balikat bago muling sumulyap sa kanya. Muli naman niya itong inismiran. Unang pagkikita pa lang ay puro kayabangan na ang impresyon niya rito. Pumalakpak ang teacher nila na pumunta sa gitna.  “Everyone, let’s welcome Mr. Irvin Klein Ambrosio. Have you heard the sunset photography?” Tanong nito sa lahat. Nakarinig siya ng bulung-bulungan. Padabog na naupo siya sa kanyang upuan. Wala siya planong alamin kung sino man ito. Wala siya pakialam kung sikat o kilala man ito. “Siya ba yung na feature sa Photography Channel, Sir Ciriaco? Oh my god!” Unang nag react si Jonah. Ang mahilig mag-make up at mag-lipstick nang napaka pula bilang way of expressing herself daw. Photography ang kinukuha nitong kurso. Mahilig daw kasi itong mag selfie. “Really? Siya ‘yung nakakuha ng perfect photo ng sunset sa New York ayon sa mga photography analysts?” Hindi naman makapaniwalang tanong ni  Janeca, ang babaeng gustong maging manga artists kaya pati boyfriend ay drawing na rin. “Yes and it’s an honor for us na makasama siya sa klaseng ito. Makakatulong siya lalo na sa mga kumukuha ng photography. Is that right, Mr. Ambrosio?” “Sure thing. Why not.” Narinig niyang pumalakpak pa talaga si Jonah. “And to begin, you can start helping us through joining Miss Lim looking for a substitute model for her painting. Okay lang ba, Mr. Ambrosio? Besides, kailangan mo ring gumawa ng artwork number two. Sasabihin ko na lang mamaya sayo ang tungkol sa unang artwork para magawa mo at makapasa ka.” “No way!” Agad siyang napatayo. Nalaglag tuloy ang mga brush at canvass niya. “Kaya ko naman pong magpinta kahit walang model.” “May problema ba kung magkasama kayo? Isa pa, bagong salta pa lamang dito sa unibersidad si Mr. Ambrosio kaya pwede mo siyang tulungan na maging familiar dito sa atin at nang maka adjust naman siya.” Bakit hindi na lang si Jonah ang inutusan nito total mukhang willing na willing naman si babaeklita na samahan ang lalaking may napakasamang ugali na mag ikot-ikot dito sa campus. “It’s fine with me. A free tour with a four-footer tour guide is more than fine.” Tinapunan niya ito ng matalim na tingin pero para wala itong pakialam na nauna nang lumabas ng classroom. Gusto niyang sumigaw na hindi eksaktong apat na tapak ang taas niya. Ilang sentemetro na lang at five feet na rin siya. Kinulang lang siguro siya ng sampung segundong tulog noong bata siya kaya hindi na siya umabot ng limang talampakan. Dinig pa niya ang mahinang tawanan na mga kaklase niya. Kailan ba magkakaroon ng The Purge dito sa Pilipinas at nang matadtad niya ng eksaktong isang libong piraso ang mayabang na ‘yun? “Then it’s settled. Bumalik kayo after one hour para sa explanation ng ginawa niyo.” pagpapasya ni sir. Binalingan siya nito. “You must thank me for letting you go with him. Magkaiba man kayo ng field ay sigurado akong may matutunan ka pa rin sa kanya.” Inis na pinulot niya ang mga nalaglag na gamit at agad na sumunod dito. Lakad takbo ang ginawa niya dahil sobrang bilis nitong maglakad. Dumeritso ito sa hagdan na papuntang rooftop. Nakabusangot na sumunod siya rito. Pagdating sa rooftop ay walang imik na kinuha niya ang kanyang canvass at mga oil paints. Patalikod siyang umupo dahil ayaw niyang tuluyang magdilim ang kanyang paniningin at bigla niya itong mahampas ng canvass habang nag-iisip kung ano ba ang pwede niyang maipinta.  Kawawa naman ang ang canvass niya lalo pa at mahal din ang bili niya sa national book store. Maliban sa tatlong bench dito sa rooftop ay wala na siyang nakita na pwedeng maipinta kaya wala siyang choice kundi ang ulap na lang. The most common subject sa mga painting pero kapag nilagyan mo ng puso ay nagkakaroon ng mas malalim na kahulugan.   Pinaghalo niya ang kulay puti at asul na oil paint nang biglang may kumislap sa mukha niya. Halos nakalimutan na nga niyang may kasama pala siyang iba dahil nakatuon na sa ginagawa ang kanyang buong atensyon. “Anong ginagawa mo?” Inis na sikmat niya rito. Wala naman kasi itong ginawa nang maka-akyat sila sa rooftop maliban sa kunan siya ng litrato. “Photographer ka ba talaga o poser lang?” “What’s your name again? Gelyn? Jenina?” tanong nito na muli na naman siyang kinuhanan ng litrato. “Ano ba?” “Come on, tell me your name.” “Janine Lim. Masaya ka na?” Inis na sabi niya bago pinagpatuloy ang paghalo ng mga kulay. “Janine Lim? Narinig ko na yata ang pangalan na yan.” saglit itong nag-isip bago ngumisi sa kanya. “Janine Lim. The one who steal billion pesos from pork barrel.” Inis na binato niya ang paint brush dito. Parang wala naman dito na nalagyan ng pintura ang kulay puti nitong t-shirt. Mahilig yata ito sa puti. “Alam mo, kung wala kang magawa sa buhay mo ngayon at ayaw mong gumawa ng pinagagawa ni sir, bumalik ka na lang sa classroom o di kaya ay lumipad ka papuntang mars, mag barbecue ka roon mag-isa. Distorbo ka.” “Are women always like that? Madaling mainis kaya ang sarap inisin.” “And boys always like that? Magaling mang-inis kaya nakakabiwisit. And take note the word “boy”. Iyan ang ginamit ko kasi boy means bata. Bata mag-isip like you, in short immature.” Lalo siyang nainis nang makitang ngumisi pa ito na tila ba may naalala. Inirapan niya ito bago kumuha ng panibagong brush at ipinagpatuloy ang ginagawa. Ayaw pa naman niya sa lahat ang nadidistorbo siya habang nagpipinta. Nawawala kasi ang concentration niya kapag may gumugulo sa kanya. Maingat ang bawat galaw ng kamay na nagsimula siyang puminta. Bawat paghalo ng mga kulay ay parang sagradong ritwal. Manaka-nakang siyang tumitingin sa ulap na ginagaya. Saglit niyang nakalimutan ang mga nangyayari sa paligid niya. Para siyang napupunta sa ibang dimensyon sa tuwing nagpipinta siya. Pakiramdam niya ay lumilipad siya sa kakaibang mundo na siya at canvass lang ang naroroon. Masaya siya sa pagpipinta. Pakiramdam niya ay ipinanganak siya para maging pintor. Kung mamatay man siya at mabuhay ulit, hihilingin niya talaga sa Diyos na pagpipinta pa rin ang magiging talent niya. “Are you done?” “Ha?” Gulat na sabi niya. Masyado yata siyang nadala sa ginagawa. Tumingin ito sa relo.“Times up.” Napamura siya nang mahina. Nakalimutan niyang binigyan pala sila ng limit sa oras. Natatarantang nilagay niya sa parang maliit na brief case ang mga gamit niya. “I’m going first. Napakabagal mong kumilos.” Sabi nito bago naglakad papuntang hagdan. “And don’t forget this one.” Hinagis nito sa kanya ang brush na binato niya rito kanina. Muntik pa siyang tamaan sa mukha kaya muli na naman siyang napamura. “Walang modo!” Inis na sigaw niya rito. “Kung mamalasin ka nga naman. Hindi lang isa kundi sunod-sunod pa.” Matapos mailagay lahat sa lalagyan ang mga gamit ay patakbong tinungo niya ang hagdan. Hindi siya sanay sa takbuhan kaya hingal na hingal siya ng makarating sa classroom nila. Naka display na halos lahat ng gawa ng mga kaklase niya sa blackboard. Nakatayo na rin sa harap si Irvin. Nakasandal ito sa mesa sa gitna at hawak ang DSLR nito. Nakataas ang kilay na tiningnan siya nito. “As always, Miss Lim. Huli ka na naman. Dalhin mo rito sa gitna ang gawa mo.” Utos sa kanya ni Sir Ciriaco. Inirapan niya si Irvin ng mapadaan siya sa harap nito. Nilagay niya sa painting stand ang canvass niya at akmang pupunta na sa upuan niya pero pinigilan siya ni Sir Ciriaco. “Huwag ka munang bumalik sa upuan. Miss Lim. Take this chance na maunang mag explain ng gawa mo. Kayong dalawa na lang ang hinihintay namin. ” “Po?” Hindi siya ready. “I said explain why did you paint that.” Napabuga siya ng hangin na tumayo sa gilid ng gawa niya. Napatingin siya kay Irvin na nakasandal pa rin sa mesa. Para itong hari na hindi man lang pumuwesto sa gilid. “Well, this what I painted.” Simula niya. “Ulap na hugis rabbit? Nasaan ang art diyan?” Sabat ni Jonah na sinundan ng tawa. Nakataas ang kilay na hinarap niya ito. “Art is everything done or made by man. Artists man or a simple layman. Sino ba ang nagsabi na bawal magpinta ng ganito? Sino ang maysabi na hindi ito art? What about those painting na isang simpleng linya na kulay blue lang ang disenyo pero naibenta sa milyong halaga? Lahat nagiging art dahil sa simpleng appreciation ng mga nakakakita. Kapag hindi ka marunong mag appreciate then, huwag kang magsalita ng hindi maganda. It’s a common etiquette lalo na pagdating sa art. For example, sasabihin mong pangit ang lasa ng okra kasi hindi ka kumakain niyon pero para mga taong paborito ang gulay na yun, it tastes like heaven. Hindi porket pangit para sayo ay pangit na rin para sa iba, Jonah. “ Nakita niya umismid lang si Jonah. Pumalakpak naman ang ilan sa mga kaklase niya. Sina Sir Ciriaco ay amused na tinakpan ang mukha samantalang si Irvin naman ay poker face lang. Ni wala man lang expresyon sa mukha nito. Hindi kaya robot ito na nagpapanggap lang na tao? Try niya kayang mag espiya mamaya baka nagcha-charge ito ng sarili tuwing gabi. Kapag tumaas talaga ang bill nila sa kuryente ay iimbestigahan niya ito kung totoo ang hinala niya. Naalala niya tuloy bigla ang sinabi ni Aling Susan na buong magdamag daw itong gising. “Ito ang pininta ko dahil ito ang bagay na kaagad na nakakuha ng interes ko pag akyat namin sa taas ng rooftop.” pagpapatuloy niya. “For me, ipipinta ko ang unang bagay na makakakuha ng interes ko. Iyan ang isa sa mga rules na ni-set ko as a painter.” “Very well said, Miss Lim. Next, Mr. Ambrosio, pwede mo bang ipakita sa amin kung ano ang nahuli ng iyong camera? I’m very excited to see what it is.” Agad siyang bumalik sa kanyang upuan at nangalumbaba. Hindi siya interesado sa mga sasabihin nito. Tumayo ito sa gitna at may nilagay na chords sa camera nito para makita nila sa maliit na projector sa harap ang nakuha nitong litrato. “Well, ito ang unang bagay na nakakuha na atensyon ko.” saglit siya nitong tinapunan ng tingin. “Actually, it started to catch my attention since this morning.” Muntik na siyang matumba nang bigla na lang bumulaga sa screen ang nakakunot ang noo at nakasimangot niyang mukha. Ang kintab pa ng kanyang mukha dahil nakalimutan na niyang mag pulbos sa kakamadali kanina. Mukhang siyang bata na pinabayaan ng ina. Halos lahat ng mata ay automatic na bumaling sa kanya samantalang si Irvin naman ay kay lapad ng ngisi. No, binabawi na niya ang kanyang hinala kanina na robot ito dahil walang robot na may napakasamang ugali. Bigla siyang tumayo. “Tanggalin mo iyan!” Inis na sigaw niya. “Bakit siya? Mukha siyang natipos diyan.” narinig niyang reklamo ni Jonah. “Sa dinami-dami ng ibon sa langit o di kaya ay langgam bakit mukha pa niya ang nakakuha ng atensyon mo, Irvin?” Sinamaan niya ito ng tingin. Pwede bang manakal ng tao ngayon? Nanginginig na kasi ang mga kamay niya na sakalin ito. “Let me explain why everyone.” kung pwede lang maging kutsilyo ang mga titig niya ay baka kanina pa ito nagkaroon ng pakpak at agad na lumipad para tagain ito. “That face is priceless.” Mas lalo niya itong sinamaan ng tingin. “Of course it’s priceless dahil hindi naman gulay na ibinebenta sa palengke ang pagmumukha ko para magkaroon ng presyo. Alam mo, kung natutuwa ka sa ginagawa mo, ako hindi kaya tanggalin mo iyan ngayon din!” “Priceless because it caught my interest.” Nakarinig siya ng samu’t saring reaksyon mula sa lahat. Siya naman ay saglit na natigilan. Tiningnan niya ito ng tuwid sa mata pero matapang nitong sinalubong iyon. Seryoso ang itsura nito pero unti-unting nagiging ngisi ang ngiting iyon. “Unang kita ko pa lang sa kuhang iyan, pumasok kaagad sa isip ko na bakit hindi ko ibenta ang mukhang iyan sa gumuguhit ng mga caricature para gamitin sa editoryal? Pwede rin namang sa mga cartoonist. Kikita ako ng malaki kapag nagkataon. Isang libo bawat guhit sa noo.” Binasag ng malakas na tawanan ang buong classroom nila. Pulang-pula ang mukha niya sa sobrang hiya. Nagpupuyos ang dibdib na kinuha niya ang lahat ng gamit at nagmamadaling lumabas ng kwarto nila. Kahit malayo na ay dinig pa rin niya ang tawanan ng lahat. Naiinis na talaga siya ng sobra sa lalaking iyon. Wala itong karapatan na ipahiya siya gawing katatawanan kahit na sabihin pang sikat itong photographer. Gusto niya tuloy sabunutan ang sarili nang marealize ang ginawa niya. Well, nag walk out lang naman siya sa klase nila. Ipupusta niya ang napaka itim na budhi ni Ambrosio, tiyak na ipapatawag siya ni Sir Ciriaco sa faculty office dahil sa pag-alis niya nang walang pasabi. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bewildered Love [SPG]

read
56.5K
bc

Andriano's Fat Baby

read
44.1K
bc

TEARS OF LOVE: Amy's Endeavor

read
8.5K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
529.3K
bc

Taming His Heart

read
46.5K
bc

THE ELUSIVE BADBOY

read
37.6K
bc

His Revenge

read
55.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook