CHAPTER TWENTY – LET’S GET DRUNK! LET’S GET DRUNNNNK “Lilipat na daw ng boarding house si Irvin, Janine. Nasabi na ba niya sa’yo?” “P-po?” biglang niyang nabitawan ang hawak na baso dahil sa sinabi ni Aling Susan. Silang dalawa lang sa bahay dahil may pinuntahan si Irvin. Holiday kaya wala silang pasok sa araw na iyon. “S-sorry po, Aling Susan.” Natarantang pinulot niya ang mga nabasag na bubog kaya nasugatan siya sa daliri. Maging si Aling Susan ay nataranta na rin para daluhan siya. “Susmaryusep, Janine. Hayaan mo na iyan diyan at ako na bahalang magligpit niyan mamaya. Gamutin muna natin ang sugat mo.” Agad itong kumuha ng first aid kit. Nakatulalang naupo siya sa salas. “Hindi naman masakit.” Bulong niya sa sarili habang tinitingnan ang sugat sa kamay. Hindi niya alam kung dah