CHAPTER EIGHTEEN- ARTS NIGHT “Mark?” nanlaki ang mga mata niya nang may umagaw sa bulaklak. Kinuha nito ang kulay pink na bulaklak at nilagay sa kaliwang kamay niya. “Akala ko hindi ka pupunta?” para maiiyak na sabi niya dahil sa sobrang saya. Tiningnan niya ang itsura nito. Mas lalo itong naging gwapo sa suot nito. Mukha itong prinsipe na nagmula sa kapanahunan ni Isaac Newton. “Alam kong napopogian ka sa akin pero hindi mo ba ilalagay sa kamay ko ang bulaklak na ‘yan?” iniabot nito ang kanang kamay sa kanya. “Bakit parang batang maiiyak ka diyan?” natatawa nitong sabi habang tinatali niya ang bulaklak sa pulsuhan nito. “Akala ko wala akong makakasama.” pilit niyang pinigilang ang namumuong luha sa gilid ng mga mata niya. “Sabi mo kasi hindi ka pupunta.” “Well, I’m here. Shall w