CHAPTER SEVENTEEN- BROKEN “Saan tayo pupunta?” takang tanong niya. Bigla na lang kasi siyang sinakay ni Irvin sa kotse nito matapos ang last period nila sa umaga. “You’ll know when we get there.” “Baka kung anong kabulastugan na naman ito Ambrosio. Makakatikim ka talaga sa akin.” “Relax. This isn’t a prank.” Nakahalukipkip na tumahimik na lang siya. Nagulat siya nang dinala siya nito sa Mega World kung saan naroon ang mga sikat na stores at boutiques. Kung tawagin nga iyon ng ilan ay Rich Heaven dahil lahat ng may pera ay doon bumibili hindi tulad nila na sa mall or mga bangketa lang. Bawal nga pumasok doon kung hindi presentable ang suot mo. “Anong ginagawa natin dito? Alam mo bang hindi tayo makakapasok dito kung wala tayong membership-“ hindi na niya natapos ang mga sasabihin d