CHAPTER SIXTEEN- TOO MUCH PAIN WILL KILL YOU “Amphy, Reppy don’t run!” labas ang litid sa leeg na sigaw ni Irvin sa dalawang bata dahil parang nakawala ang mga ito sa kulungan kung makatakbo sa loob ng mall. “Those walking mushrooms. Jeez.” Naki-usap kasi sa kanila si Aling Susan kung pwedeng ipasyal muna nila ang kambal para makapagpahinga siya saglit. Bigla kasing tumaas ang BP nito dahil na rin marahil sa pagid sa byahe tas may kasama pang dalawang bata. “Hayaan mo na kasi.” natatawang sabi niya habang sinusundan ang dalawa. “That’s why I don’t want to get married and have children anymore.” “Kaya ba nagbago ang isip mo?” Bigla itong natigilan. Fudge. She and her out of control mouth! “Ang ingay mo.” maikling sagot nito bago hinabol ang sina Reppy at Amphy dahil tumakbo na nama