CHAPTER FIFTEEN- BABYSITTERS Silang dalawa na lang ang umuwi ni Irvin pabalik sa Ocassus dahil nagpa-iwan muna ng ilang araw si Aling Susan para mas makasama ng matagal ang mga apo. Balik sila sa dating gawi, asaran at kulitan na para bang walang nangyari. Siguro nga ay parehong choices ang napili nila at mas okay na rin ‘yun. Mahirap nga lang sa parte niya kung minsan ay hindi niya mapigilan ang sariling bigyan kahulugan ang mga simpleng bagay na ginagawa nito para sa kanya. Kung minsan ay hindi niya namamalayan na nakatulala siya habang nakatitig sa gwapo nitong mukha, marahil ay masasanay din siya sa habang tumatagal. “I’ll do the dishes and cooking, you do the cleaning. Deal or deal?” “Deal” sa susunod na linggo pa kasi babalik si Aling Susan k