Chapter Fourteen- Jealous?

3079 Words

CHAPTER FOURTEEN- JEALOUS?   Silang tatlo na lang ang naglalakad nina Irvin at Tinong paakyat ng bundok.  Marami rin silang kasabayang umakyat. Marahil ay maganda nga ang talon na sinasabi nila dahil marami ang dumadayo para makita iyon. Nakakahingal kaya tumitigil sila saglit para magpahinga at kumuha na rin ng mga litrato. “Alam niyo bang sinasabi nila rati na may diwata raw na nakatira sa bundok na ito?” ani Tinong habang naka-upo sa nakausling bato. “I’m not interested to hear more of your story.” nang-iinsultong sabi ni Irvin. Mabuti na lang hindi ito pinansin ng isa. “Pagpatuloy mo, Tinong. Hayaan mo na ang lalaking ito. Dumating yata ang kanyang buwanang dalaw kaya ganyan ‘yan kasungit. Actually, masungit na talaga siya kaso doble lang ngayon kaya habaan mo na ang pasensya mo.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD