CHAPTER THREE – THE THREE OF THEM
“Gandang umaga, Aling Susan.” parang robot na bati niya sa kasera. Marahan siya naupo sa mesa at nangalumbaba. Hindi siya nakatulog ng maayos kagabi kaya para siyang lantang gulay ngayon.
“Anong nangyari sayo, Janine? Masama ba pakiramdam mo?” Nilapitan siya nito at sinipat ang noo niya.
“Binagungot po ako, Aling Susan.” Kung alam lang nito na hindi siya nakatulog kagabi dahil sa kung anu-ano ang pumasok sa utak niya sa tuwing pipikit siya. Napaginipan pa niyang sinayawan daw siya ni Irvin ng careless whisper tapos siya naman ay kulang na lang ay maglaway habang hinihimas-himas ang abs nito na nagiging pandesal kapal hinawakan niya.
“Good morning, Aling Susan. What’s for breakfast?” bigla siyang napatuwid ng upo. Para siyang tuod na hindi gumagalaw.
“Magandang umaga rin sayo, Irvin. Sinangag at pritong talong ang niluto ko ngayon.”
Mas lalo siyang hindi makagalaw lalo na nang umupo ito sa tabi niya. Langhap na langhap niya ang pabango nitong alam niyang mamahalin, “Good Morning, Miss Painter.” bati nito sa kanya. Ginulo pa nito ang buhok niyang magulo na nga kasi hindi naman siya nagsusuklay pagising.
“Ano ba!?” tumayo siya at hinampas ito sa balikat.
“Ganyan ka ba bumati ng ka boardmate mo?”
“Tama na iyan at kakain na tayo.” saway sa kanila ni Aling Susan. Nilagay nito sa gitna ng mesa ang platong may lamang pritong talong kasunod ng patis na may lamang kamatis. Ito ang pinakagusto niya sa boarding house niya. Mayroon siyang mabait na kasera na palaging silang pinagluluto ng pagkain.
Inis na lumipat siya ng upuan. Pinili niya ang pwesto na pinakamalayo rito. Inirapan niya ito nang mahuling nakangisi ito sa kanya. Ang sarap hambalusin ng talong ang mukha nitong nag-aasar.
“Anyway, before I forgot. Pinapasabi ni sir na may gagawin tayong activity ngayon and we need to find a partner.”
“Okay.” sabi lang niya nang hindi tumitingin dito.
“Gusto mong partner tayo?”
Inirapan niya ito ng napakatalim talim.
“In your dreams, Ambrosio.” sikmat niya bago uminom ng tubig at tumayo. “Mauna na po ako Aling Susan. Sa school ko na lang poi to kakainin. Maghahanap pa akong kapartner na tao at hindi demonyo.”
“Kayong mga bata talaga. Hanggang kailan ba kayo magbabangayan?”
“Ask her that question Aling Susan. I’m trying to be friends with her but she’s always growling at me. Tell me Janet Lim, may lahi ka bang tigre?”
“Baka iniisip mong nakalimutan ko na ang ginawa mo kahapon sa akin? Kung paano mo ako pinahiya at isa pa Janine ang pangalan ko hindi Janet.”
“I didn’t do anything, Janet”
“Bahala ka sa buhay mo!”
“Tama na!”
Parehas silang nanahimik sa sigaw na iyon ni Aling Susan.
“Sorry po, Aling Susan. Alis na po ako.” Paalam niya.
“Ingat sa daan, Miss Painter.” narinig pa niyang pahabol nito.
Hindi niya ito pinansin. Hindi niya alam kung bakit ito pa ang naging boardmate niya sa dinami-dami ng pwedeng makasama sa mundo. Sa ikalawang pagkakataon, sinira na naman ng isang tao ang umaga niya.
Konti pa lang ang estudyante nang makarating siya sa unibersidad. Agad siyang tumuloy sa kwarto nila. Wala pang tao roon maliban sa kanya. Marahan siyang naupo sa kanyang upuan at yumuko sa desk. Inaantok pa talaga siya.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa ganoong posisyon nang may narinig siyang biglang pumapakpak sa may bandang pintuan.
“Miracle! Ito ay isang himala, Miss Lim! You’re early!” Si Sir Ciriaco. Nanlalaki ang mga mata na lumapit sa kanya habang patuloy pa rin na pumapalakpak.
“Good morning, Sir.” tinatamad na bati niya rito.
“Anong nakain mo at maaga ka yatang pumasok ngayong araw?” tanong nito pagkatapos ay tumungo sa harap at inilapag ang bag na dala. “Anyway, sinabi ba sa iyo ni Mr. Ambrosio ang next activity niyo ngayon? Magkalapit lang daw kasi kayo ng boarding house kaya siya na ang nagprisintang magsabi sayo.”
Muli siyang sumubsob sa desk niya.
“Opo.” mahinang sagot niya.
“Then good. Magka partner na kayo kung ganoon.”
Automatic na tumaas ang ulo niya sa narinig.“Po?”
“Sinabi niyang siya na ang magsasabi sayo na kayo na raw ang magka partner.”
Kinuyom niya ang mga kamao sa narinig. Mamatay na lahat ng sibuyas at bawang pero hindi siya makikipag-partner sa lalaking iyon.
“Pasensya na Sir pero may ka partner na po ako.” bulalas niya.
Tumikwas ang kilay nito sa sinabi niya.
“And who?”
“Me.” Sabay silang napalingon sa nagsalita.
“Mark!” kumaway ito sa kanya. May bitibit itong sketchpad sa kanang kamay at milo na galing vending machine naman sa kaliwa.
“Nagpaulan ba ng miracle ngayong araw at ang palaging late ay maagang pumasok at ang palaging absent ay present?”
Umupo si Mark sa katabing upuan at nag de-kwatro.
“Milo?” tanong nito sabay abot ng hawak na cup.
“Thanks.” Kinuha niya iyon.
“Kami ang partner sa gagawin nating activity ngayong araw, Sir.”
Napakamot ito ng baba.“What about Mr. Ambrosio?”
“Bahala siyang maghanap ng ka partner niya, Sir. Isa pa, sigurado akong hindi siya mahihirapan dahil sa rami ng mga babaeng nagka crush sa kanya.”
“Let’s talk about it later. For now, just wait for others for further instructions at pupunta lang ako sa office to check some important announcements.” Anito matapos iligay sa ibabaw ng table nito ang dalang libro at class record bago umalis.
“I kept my words.” sabi nito nang makaalis na si Sir Ciriaco,
Tumawa siya sa sinabi nito.“Umulan nga siguro ng milagro ngayong araw.” aniya.
“Wait…” kinuha nito ang sketchpad at may hinanap. “Tapos ko na ang sketch mo kahapon.” pinunit nito iyon sa pad at binigay sa kanya.
Tiningnan niya ang iginuhit nito. Hindi niya mapigilang ngumiti dahil kuhang kuha nito ang mukha niya.
“Ang galing…” namamanghang bulalas niya habang pinapadaanan ng daliri ang drawing. Para siyang buhay na buhay. Nagniningning ang mga mata niya.
“May bayad iyan.”
“Ano?! Akala ko ba libre lang?” gulat na bulalas niya.
Tumawa ito ng malakas.
“Syempre joke lang.” pinisil nito ang magkabilang pisngi niya. “Pero sapat nang bayad ang pagpisil ko ng mukha mo.”
“Mark Francisco ano ba!” Maluhang-luhang hinampas niya ito ng malakas. “Ang sakit kaya.”
“Wow! Si Miss Late at Mr. Absent.” narinig niyang sabi ng kaklase nila na bagong dating.
“Sikat pala tayo?” bulong nito.
“Natuwa ka pa sa lagay na ito? Miss Late at Mr. Absent?”
“Ang cute mong magalit.” pipisilin pa sana nito ulit ang pisngi niya pero iniharang niyang cup ng milo na hawak.
“Tumigil ka na!” banta niya rito pero ngumisi lang ito. Natigilan na naman siya dahil bigla na namang pumasok sa utak niya ang nakangisi ring mukha ni Irvin.
“Can I pinch your face too?” nilingon niya ang nagsalita.
“What? Ikaw na naman?” sumimangot siya at inirapan ito. Naka program na yata ang mga mata niya na umirap sa tuwing nakikita niya ito.
Tumayo ito sa harap nilang dalawa. Binigyan nito ng makahulugang tingin si Mark bago nakangising bumaling sa kanya. Akma nitong pipisilin ang pisngi niya pero kaagad siyang tumayo at humakbang palayo rito.
“Subukan mong hawakan ako at ibubuhos ko sa iyo ito.” Ngumisi lang ito. Naramdaman niyang hinawakan ni Mark ang kamay niya.
Nakita niyang dumako sa kamay nila ang mga mata nito. Mas lalo itong napangisi kaya agad niyang binawi ang mga kamay. Naupo sa kabila niya kaya para siyang palaman ng napapagitnaan ng dalawang loaf bread.
Wala silang imikang tatlo hanggang sa dumating na ang lahat ng kaklase nila at si Sir Ciriaco.
“Okay class. I told you to choose your partner yesterday and I’m expecting everyone having a partner already. Well, aside from Mr. Ambrosio.” baling nito kay Irvin.
“I have my partner.” tinatamad na sagot nito na tumingin sa kanya.
“The thing Mr. Ambrosio is that, Miss Lim had chosen her partner and that’s Mr. Francisco.”
“So? Ako ang naunang pumili sa kanya. Hindi ba dapat ikaw ang maghanap ng ibang kapartner, Francisco? Janet Lim is mine.”
Tiningnan niya ito ng masama.
“May partner na akong iba. Siguro naman ay alam mo na ang ibig sabihin niyon? And excuse me, hindi mo ko ako pagmamay-ari. Kay Mark ako komportable kaya siya ang pipiliin ko. Isa pa, bakit ako papayag na makipag-partner sa’yo? Eh sigurado naman akong bubuwisitin mo lang ako.”
“Stop it everybody. Can we just make you three a group instead of arguing who will going to be your partner?”
“Hindi pwede!” reklamo niya.
“No objections, Miss Lim and for sure Mr Francisco will agree.” Lumagpas ang tingin nito kay Mark. Umiling siya pero hindi siya nito pinansin.
“Sure why not.”
“Mark!” Bulalas niya.
“Three minds are better than two I guess.” Anito.
Walang nagawang humalikip na lang siya. manaka-naka niyang sinusulyapan si Irvin at iniirapan habang nagpapaliwanag si Sir Ciriaco sa mga gagawin nila.
“Pinapili ko kayo ng partner to make him or her a model. I’ll give you until next week friday to finish it. The theme is Fierce. Bahala kayo sa kung anong diskarte ang gagamitin niyo as long as pasok sa tema na binigay ko.” tumingin ito sa kanilang tatlo. “At kayong tatlo, kayo na rin ang bahala sa diskarte niyo. Hindi tayo magme-meet sa klase until the deadline. That’s my bonus to all of you. Start working on your activity now. Class dismiss.” Nagpalakpakan ang lahat sa huling sinabi ni Sir Ciriaco. “And before I forget, exempted kayo sa iba niyo pang klase. So, do good in your project because this will be your project for all your subjects. The best output will represent our school in Occasus Art Competition ngayong taon.” Mas lalong lumakas ang palakpakan dahil sa sinabi ng guro. Lahat ay excited sa narinig. Sino ba naman ang hindi mae-excite? Occasus Art Competition ay contest kung saan ang mananalo ay tatanggap ng fifty thousand at ang kanyang gawa ay ilalagay sa Occasus Contemporary Museum of Arts. Pangarap nilang lahat iyon.
Ang ingay ng lahat habang nag aayos ng mga gamit samantalang wala pa rin silang imikan hanggang sa sila na lang ang natirang tatlo. Ilang sandali silang nanatiling tahimik bago siya tumayo at hinarap ang dalawa.
“Naging pipi na ba kayo at hindi niyo magawang magsalita? Bakit hindi pa kayo kumikilos diyan?”
Tumayo si Mark at hinila siya palabas ng classroom. Sumunod naman sa kanila si Irvin. Hinila siya nito papuntang butterfly garden.
“Stay here.” sabi nito sa kanya bago tumingin kay Irvin. “Follow me.”
“Excuse me? Bakit kayo lang ang mag-uusap? Hindi ba dapat kasama ako?” Hindi siya sinagot ni Mark. Walang salita na tinungo nito ang maliit na gate papasok sa loob ng butterfly garden.
Ngumisi muna si Irvin sa kanya bago sumunod kay Mark. Kandahaba-haba tuloy ang leeg niya sa kakatingin sa loob ng hardin. Gusto niyang alamin ang nangyayari sa dalawa pero ayaw naman niyang makialam. Ano ba ang dapat nilang pag-usapan na hindi siya dapat kasali?
“Shut up!” Napaigtad siya nang makarinig ng sigaw sa loob. Napatingin siya kay Mang Roman.
“May mga bagay na hindi mo dapat malaman kasi wala kang karapatan pero nasa iyo rin naman kung tsismosa ka talaga.” Maikling sabi nito bago nagpatuloy sa pagdidilig ng mga halaman.
Lumunok siya bago marahang humakbang papasok. Bahala na, naiintriga talaga siya sa dalawang ‘yun.
“Who do you think you are?” galit na tanong ni Mark kay Irvin. Napatakip siya ng bibig nang makitang dumudugo ang gilid ng labi ni Irvin. “Do you really care for her? You’re just thinking about yourself!”
“And you? Do you really care about her or is it because of the will? Admit it Mark, you’re here to solve the puzzle right? We both know she loves mystery.” Napahigpit ang pagkakatakip niya sa bibig nang makitang muli na namang sinuntok ni Mark si Irvin. Sapol ang kabilang pisngi nito.
“Watch your mouth, Irvin!”
“Truth hurts?” ngumisi ito.
“Go home.”
“What if I don’t?”
“Then don’t do anything stupid like what you’ve always doing. “ Matigas na sabi nito. “And don’t you dare to touch her.”
Tumawa ito ng mapakla.
“Why? Do you like her or it is because she reminds you about her? I saw it too, Irvin. Now I know why you’re so eager to push me away. I knew it, all your dirty tactics para ikaw na naman ang magaling. Nasa iyo na nga lahat di’ba? Kulang pa ba?”
“Shut up!”
“Selfish.”
“Oh. Kung ako selfish, then what are you? Son of a home wrecker?“
“Bastard!” sinuntok ni Irvin si Mark na ginantihan naman ng huli ng isang suntok rin. Gusto niyang awatin ang dalawa pero ayaw niyang malaman na narinig niya ang away ng mga ito.
Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng dalawa. Basi sa mga narinig niya ay parang magkakilala ang mga ito. Kaya pala kakaiba ang naging reaksyon nito ng banggitin niya ang pangalan ni Irvin. Tatanungin na lang niya si Mark kung ano ang pinag-aawayan nila mamaya.
***
Nakahalukipkip at naka indian sit na palipat lipat ang tingin niya sa dalawa. Nasa iisang upuan lang mga ito pero nasa magkabilang panig sila nakaupo. Si Mark ay hawak ang sketchpad at may kung anong ginuguhit samantalang si Irvin naman ay hawak ang camera at may kung anong tiniitingnan doon. Kapwa sila may pasa ang mukha. Mas malala nga lang ang kay Irvin dahil bukod sa pasa sa mukha ay sugatan din ang kamay nito.
Tumikhim siya ng malakas pero wala man lang reaksyon galing sa kanila.
“Hindi niyo ba sasabihin kung bakit kayo nagrambulan na dalawa?” Hindi niya napigilan ang sarili.
“Ang ingay.” Walang gana na sagot ni Irvin.
“Mark!” Baling niya kay Mark pero ngumiti lang ito sa kanya. Inis na tumayo siya at nilapitan ito. “Umayos nga kayo.” Kinuha niya ang lapis sa kamay nito.
“Hey!”
“Kunin mo.” Agad niyang itinago sa loob ng suot na t-shirt ang lapis nang akmang kukunin nito iyon sa kanya.
Napahilamos ito ng mukha na muling na naupo.
“Ako na ang kukuha para sayo, Francisco.”
Natigilan siya sa sinabi ni Irvin. Bigla itong tumayo at dahang-dahang humakbang palapit sa kanya.
“A-Ano? Huwag kang lalapit!”
“Isn’t it unfair? He can get it but not me? Why? I’d love to do it for him.”
Alam niyang pulang-pula ang mukha niya sa sinabi nito.
“Stop it, Irvin.” Saway ni Mark dito. Nakangisi itong pabagsak na bumalik sa kinauupuan.
“Ang galing mo talaga. You really planned everything well to get everything away from me, huh?”
“Tumigil ka na. Mukhang ikaw nga ang may plano sa ating dalawa.” Pinaikot ni Mark ang mata sa kabuuan ng sala boarding house nila ni Irvin.
“I didn’t planned it.” tumawa ito ng mahina. “It’s destiny.”
Kunot noong nagpalipat-lipat ulit ang tingin niya sa dalawa. Nag-uusap na naman ang mga ito ng mga bagay na hindi niya makuha at maintindihan.
“Really? I know when someone lie.”
“Kung may nagsisinungaling man sa ating dalawa, ikaw iyon.”
“Hindi ba talaga kayo titigil?” Hindi niya napigilan ang sariling sumabad sa patutsadahan ng dalawa. “Kung wala kayong balak gumawa, bahala kayo. Maghahanap na lang ako ng ibang ka grupo.” Naiinis na sabi niya bago humakbang paakyat ng hagdan.
“Janine!” Narinig niya pahabol na tawag sa kanya ni Mark pero hindi niya iyon pinansin.
Inis na sinara niya ang pinto at sapo ang dibdib na naupo sa kama pero agad din napatayo sa harap ng bintana para lumanghap ng sariwang hangin. Paano nila matatapos ang mga gagawin kung maging si Mark ay dumagdag na pakikipag bangayan kay Irvin? That man really has a knack in annoying people. Hindi nga siya makapaniwala na pati si Mark ay nakaya nitong inisin gayong siya ay never nakitang nainis ito.
Bigla siyang napatago sa kurtina nang makita si Mark na palabas ng gate. Tumingin ito sa banda niya ng ilang saglit bago naglakad palayo. Napabuntinghininga tuloy siya ng malalim.
“Let’s talk!”
Napatingin siya sa may pinto. Inirapan niya iyon at hindi sumagot. Tinungo niya ang kama niya at sumalampak ng higa. Wala siyang balak na maka-usap ito at anong pumasok sa utak nito at gusto siya nitong kausapin?
“Janine! Open the door! Let’s talk about the project.”
“I-project mo mukha mo.” Naiinis na bulong niya sa sarili.
Ilang beses pa itong kumatok hanggang sa tumigil na ito. Narinig na lang niya ang lagabog ng pinto sa harap na kwarto. Mabuti naman at marunong din pala itong sumuko.
Agad siyang bumangon at kinuha ang gamit sa pagpipinta. Tinungo niya ang likod bahay kung saan siya naglalagi kapag walang ginagawa o di kaya ay naiinis siya. Hindi niya alam pero isa pinaka ayaw niyang ugali na meron siya ang madaling mainis. Siguro ay namana niya iyon sa namatay niyang tatay Eroll. Mayroon kasing duyan doon at maliit na hardin si Aling Susan. Gustong-gusto niya ang pakiramdam lalo na kapag nakaupo siya sa duyan at pinipinta ang mga sari-saring bulaklak na tanim doon.
Hindi niya mapigilan ang sariling ngumiti habang naghahalo ng mga kulay. She really love to paint and she thank Miss Jam for that. Dahil sa kanya nakilala niya ang gusto niyang gawin sa buhay. Iba kasi kapag gusto mo ang iyong ginagawa. Hindi mo mararamdaman na nawawalan ka na ng gana o di kaya ay parang tinatamad ka na kasi masaya ka at iyon ang pinaka importante sa lahat, masaya ka. Gagawin niya ang lahat matupad lang ang pangarap niyang maging professional painter bilang kabayaran sa lahat ng tulong na binigay nito sa kanya at sa lolo niya. She remembered her saying na anyone can combine colors but not all can paint with a heart. Iyon ang goal niya, ang maging painter na ginagamit ang puso. All can do painting but painting with an academic background is different and much more better. Iyan ang dahilan kung bakit nag-aaral siya ngayon.
“Say cheddar cheese!” Nagulat pa siya ng biglang may nagsalita kasunod niyon ang pagkislap ng camera. “Bad shot.” Nakangising lumapit sa kanya si Irvin.
Sinimangutan niya ito.
“Anong ginagawa mo rito?”
“I can saw you here from my room. You know what, I dunno what’s wrong with my camera dahil never pa kitang nakunan nang nakangiti or there’s nothing wrong with my cam but it’s you. Bakit ba ang ilap ng ngiti mo?”
“Hindi mailap ang ngiti ko, Ambrosio. Sadyang nakakabwisit lang talaga ang aura na meron ka kaya automatic akong napapasimangot.”
Oo nga pala, kita sa kwarto nito ang likod bahay. “Mind if I sit here? I’ve been knocking on your door but you didn’t even bother to open it.” Bago pa siya umangal ay naupo na ito sa tabi niya. Hindi na lang niya ito pinansin. Nagpatuloy lang siya sa ginagawa.
“Umusog ka nga.” Utos niya makaraan ang ilang saglit.
Umusog naman ito, iyon nga lang, mga dalawang dangkal lang dahil maikli lang naman ang duyan.
“Kailan ka nagsimulang puminta?” maya-maya ay tanong nito. Himala at mukhang wala yata itong balak na inisin siya. Hindi siya nito inaasar.
Tinaasan niya ito ng kilay.“Bakit mo tinatanong?”
“I’m just curious.” Humikab ito pagkuway humilig sa lubid na sumusuporta sa duyan. “Who teach you how to paint?”
Mas lalo niya itong pinagtaasan ng kilay.“May gagawin ka na namang katarantaduhan kaya mo ako i-n-interview ano?” Iniisip niya kung ano na naman ang binabalak nito at mabait yata ito ngayon sa kanya.
Tinapunan siya nito ng tinatamad na tingin.
“I’m serious.”
“Wow.” Tumawa siya ng mapakla. “Serious? Ikaw? Joke ba ‘yan? Hahaha.” tumawa pa siya ng peke.
“Come on, tell me who teach you how to paint.”
“Alam mo? Kahit pilitin mo ako hindi ko pa rin sasabihin sayo. Alam mo kung bakit? Hindi kasi tayo close para mag kwento ako sayo ng kahit anon a tungkol sa akin.” Sabi niya bago tumayo pero pinigilan siya nito sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya. “Alisin mo ‘yan.” Seryosong utos niya habang tinitingnan ang kamay nito.
“Sabi mo, hindi pa tayo close para magkwento ka. Then what about this close?” Napahiyaw siya ng bigla siya nitong hilahin pabalik sa duyan ngunit sa pagkakataong iyon ay sa hita siya nito bumagsak. “Close na tayo, Janine. Magku-kwento ka na ba?”
Napalunok siya na umiwas ng tingin. Napahigpit ang hawak niya sa brush at palette niya.
“Ano ba? Bitawan mo nga ako! Manyak ka, Ambrosio!” Naiinis na utos niya rito.
“Hindi kita hinahawakan.” Itinaas pa nito ang dalawang kamay. “But I’m going to hold you now para maging close pa tayo.” muli siya nitong hinawakan sa magkabilang braso. Anak ng banana cakem ang awkward ng position nila. Kapag may tsismosang makakita sa kanila sigurado kakalat ang tsismis na may relasyon silang dalawa. Halos nakakandong na kasi siya rito.
“Hindi ka ba talaga titigil?”
“Sagutin mo lang ang tanong ko, pakakawalan kita.” Ngumisi ito.
“Bakit ba interesado kang malaman!” Inis na sigaw niya.
“Dahil boardmate tayo.”
“Ay wow naman. Napaka-walang kwentang rason.” gigil na tinapakan niya ang paa nito kaya nakawala siya. Hindi pa siya nakontento, sinabunutan niya rin ang kilay nito. Sigurado siyang sobrang sakit ‘nun kasi may nakuha pa siyang ilang piraso ng buhok. “Huwag na huwag ka na ulit lumapit sa akin na manyak ka.” Gigil na gigil niyang sikmat bago nagmamadaling bumalik sa loob ng bahay.
“You sadist! It hurts!” Nilingon niya ito inirapan. Sapo nito ang sariling kilay.
Naabutan niya si Aling Susan sa loob na pangiti-ngiting sinulyapan siya habang nagwawalis sa sala.
“Matanda na ako para sabihin ito, Janine pero kinikilig ako sa inyo ni Irvin. Nakita ko kayo kanina. Para kayong mag-asawa na nag-aaway. Hay, naalala ko tuloy ang aking Arnulfo. Ganyan na ganyan din kami noong araw.”
“Aling Susan!” Nag-iinit ang mukha na umakyat siya ng hagdan. Hindi na niya pinansin ang iba pang panunudyo ni Aling Susan sa kanya.