CHAPTER FOUR- HIS MOM
“Where are you going?” Tanong ni Irvin ng saktong pagbukas niya ng pinto ay palabas din ito ng kwarto. Napatingin ito sa hawak niyang gamit sa pagpipinta. Tinaasan niya lang ito ng kilay bago nagpatuloy pababa ng hagdan. “It’s only four in the morning.” Sumunod ito sa kanya.
“Wala kang pakialam kung ano man ang gagawin ko.” Dumeritso siya kusina at kinuha ang baunan ng tubig sa maliit na ref.
“I’ll go with you.”
Huminto siya sa paglakad at tiningnan ito. Nakasuot ito ng puting t-shirt at jogging pants. May nakasabit ding camera sa leeg nito. Mas maliit nga lang kaysa sa palagi nitong bitbit. Base sa itsura nito ay alam na niya kung bakit ito gumising ng maaga tulad niya.
“Hindi tayo close para sumama ka-” natigilan siya. Tumalikod siya lalo na ng nakita niyang gumuhit na naman ang signature na ngisi nito. “Ayaw ko ng distorbo.” Mabilis na sabi niya bago lumabas ng .boarding house.
“Panagutan mo ang ginawa mo sa kilay ko kahapon.” Pinigilan niya ang sarili matawa sa sinabi nito.
“Bakit ko pananagutan? Nabuntis ko ba ang kilay mo?” pamimilosopo niya.
“Whatever. Sasama ako sayo. Wala pa akong masyadong alam dito sa lugar niyo kaya i-tour mo ‘ko”
Hindi niya ito pinansin. Patuloy lang siya sa paglakad hanggang sa makarating siya sa sakayan ng sikad. Kahit alas tres pa lang ay may nagpapasada na ng sikad sa lugar nila. Kadalasan ay jeep ang sinasakyan papunta sa kung saan mo gusto pero mahirap makahanap ng sasakyan pag ganitong oras pa lang.
“Solis Ocassus manong.” Aniya sa driver bago pumasok sa loob. Nang dahil kay Mark ay parang gusto na niyang umakyat doon araw-araw. Alm mo ‘yung feeling na kapag natikman mo ulit ang isang napakasarap na bagay na matagal mo nang nakalimutan kung gaano kasarap ang lasa ay nahihirapan ka nang pigilan ang sarili mong tikman iyon ng paulit-ulit?
“Ako rin.” Anito bago umupo sa tabi niya. Kinapa nito ang bulsa at naglabas ng isang libo. “Dalawa kami. Keep the change.” Tuwang-tuwa naman na ibinulsa ng driver ang pera.
“Anong ginagawa mo?” Tinulak niya ito palabas ng sikad pero ni hindi man lang niya ito nausad kahit isang sentimetro lang.
“Hindi mo narinig ang sabi ko kanina? I’ll go with you. Let’s go, Manong.” Utos nito sa driver bago kinuha ang earphone at sinuksok sa tenga. Ngumisi muna ito sa kanya bago tinuon ng ang tingin sa labas kahit wala naman itong makita dahil madilim pa.
Naiinis na akmang babatukan niya ito ngunit na freeze sa ire ang kamay niya dahil lumingon ito sa kanya. Bigla niyang naibaba ang kamay sabay irap dito.
Wala silang imikan habang bumibiyahe. Parang may sariling mundo ito na napapa head bang pa at kumakanta ng mahina. Ngumingisi ito sa kanya sa tuwing nahuhuli siya nitong nakatingin. Katakot-takot na irap naman ang ganti niya. Dahil sa lalaking ito, naging mannerism na niya ang umirap.
Kahit madilim ay hindi niya mapigilan ang sariling pagmasdan ito. Iba ang mukha nito kapag hindi nakangisi. Nakangiti pero may kung anong lungkot sa mga mata nito. Iniisip niya tuloy kung may pinagdadaanan ba ito at sa kanya ibinunton ang lahat ng sama ng loob.
Mahigit isang oras din ang itinagal ng biyahe bago nila narating ang Solis. Nagmamadali siyang umakyat pagkababa niya ng sikad. Ayaw niya makasabay ito sa paglalakad. Ayaw niyang masira ulit ang umaga niya dahil dito.
“Hey! Ang bilis mong maglakad.” Hinihingal na reklamo nito habang pilit na iniilawan ang dinadaanan gamit ang flashlight sa cellphone kaya mas lalo pa niyang binilisan ang paghakbang. “Witch!” Narinig pa niyang usal nito sa mahinang boses na sapat lang para marinig niya.
Tahimik siyang humalakhak. Kahit sa ganoong paraan man lang ay makaganti siya rito. Nagsimula siyang tumakbo. Kahit hinihingal na ay hindi siya huminto hanggang sa makarating siya ng tuktok. Agad siyang sumalampak sa damuhan at uhaw na uhaw na tinungga ang tubig na baon. Nilingon niya ang entrance pero walang Irvin na nakasunod sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya bago inayos ang mga gamit. Baka sumuko na ito at nagpasyang bumalik na lang. Mas pabor sa kanya kung bumalik na lang ito. Gusto niya ang tahimik na umaga. Tumingin siya sa wristwatch, mag-aalas singko na.
Nagsimula nang tumaas ang kulay pinaghalong pula at dilaw na haring araw sa silangan. Nakaramdam siya ng pananabik. Inihanda niya ang brush. Gusto niyang maipinta ng katulad na katulad ng nakikita niya ang pagsikat ng araw.
Bawat galaw ng kanyang kamay ay mabilis dahil hindi magtatagal ay tuluyan nang sisikat ang araw, hindi niya matatapos ipinta ang nasimulan niya kapag nagkataon. Hindi naman pwedeng umpisahan niya ngayon at babalikan na lang bukas dahil hindi niya natapos. Ang pagsikat ng araw ay parang fingerprints, walang magkatulad.
“H-Help….”
“Anak ng!” naitapon niya ang brush na hawak dahil sa narinig. “Sino ‘yan!” Tumayo siya at dinampot ang baunan ng tubig. Hinawakan niya iyon na parang baseball bat.
“T-Tulong…”
Never pa siyang nakarinig na may nagmumulto rito sa Solis. Hindi kaya may pinatay na drug addict tapos ditto itinapon? Anak ng banana cake, kahit hindi na siya bata ay takot siya sa mga multo-multo na ‘yan. Dahan-dahan siyang lumapit papuntang entrance ng Solis. May naaninang siyang pigura sa bandang ibaba.
“Sino ka!’ Humakbang pa siya ng mas malapit. Nakatalikod ito sa kanya at sapo ang tuhod. Namimilipit ito sa sobrang sakit. Nag-aalangan na hinawakan niya ito sa balikat. “Irvin?” Nanlaki ang mga mata niya nang lumingon ito. Nakangiwi at may sugat sa noo. Nadagdagan ang mga pasa nito na gawa ni Mark kahapon.
“H-Help me please. Help me, Janine. It hurts like damn hell.”
****
“Walk slowly!”
“Isara mo yang bibig mo bago pa ako mairita at ihulog kita ng tuluyan sa bangin.” Inis na sikmat niya habang inaalalayan itong bumaba. Hirap na hirap siyang humakbang dahil bitbit pa niya ang mga gamit sa painting. Natalisod pala ito at nalaglag sa hindi naman kalaliman na bangin kanina kaya hindi ito nakasunod sa kanya.
“Anong magagawa ko? It really hurts!” Ganting sigaw nito.
“Bakit ka pa kasi sumunod sa akin! Kung hindi ka sumunod hindi sana ito nangyari sa’yo at natapos ko pa ang ginagawa ko!” litanya niya.
“Anong magagawa ko? Gusto kong sumama sayo!”
Sinamaan niya ito ng tingin.
“Eh kung ihulog na lang talaga kita ng tuluyan para wala ka nang magawa sa buong buhay mo?”
“Whoa! Alam kong maldita ka pero hindi ko alam na wala ka ‘rin palang puso, Janine.” Wow, for the first time hindi siya nito tinawag na Janet.
“Umayos ka, Ambrosio.” Banta niya rito bago muling humakbang. Malayo pa ang lalakarin nila bago sila makarating sa paanan ng bundok. Iniisip pa lang niya kung gaano kalayo ay parang gusto na lang niyang itulak ito.
“Fine, fine. I’ll behave.” Anito na itinaas pa ang isang kamay na parang sinasabi na suko na ito.
Tagatak ang pawis at namamanhid ang mga braso niya nang makarating sila sa boarding house.
“Upstairs.”
“Ano!? Alam mo ba kung gaano kahirap yung dalhin ka rito pauwi tapos magpapa-akyat ka pa sa taas? Hindi porke’t tinulungan kita ay aabusuhin mo na, Ambrosio.” Inis na tinulak niya ito paupo sa sofa.
“Damn it, Janine!” Mura nito sa kanya habang nakangiwi.
Tumayo siya sa harap nito.“Thank you sa tulong, Ambrosio. Na appreciate ko ang pagpapasalamat mo.” Sarkastikong uyam niya rito.
“I want to rest so please....bring me upstairs?” Sabi nito sa kanya sa tonong nakikiusap. Hindi niya maiwasang kunin ang panyo sa bulsa at punasan ang noo nitong may dugo.
Inis na tinapunan niya ito ng tingin bago tinungo ang kusina at kumuha ng isang baso ng malamig na tubig.
“Uminom ka bago ka pa tuluyang kunin ni kamatayan at ako pa ang mapagbintangang pumatay sayo.”
“I can’t move my hands.” Sabi nitong nakangiwi. “Painumin mo ako, please?” Ngumuso pa ito sa kanya. Hindi niya alam kung iinom ba ito o nagpapa cute.
“Iinom kang mag-isa o ibubuhos ko sayo ito para tumigil ka na sa kakarte mo? Pilay ka na nga pero nagagawa mo pang mapa cute.”
“Jeez. Give me that.” Hinablot nito ang baso at nilagok ang laman niyon. Biglang siyang napaiwas ng tingin nang makita kung paano gumalaw ang adams apple nito habang umiinom. Pasimple niyang kinurot ang sarili.
“Tayo.” Utos niya matapos nitong uminom. Taas ang kilay na tiningnan siya nito.
“What?”
“Tumayo ka na bago pa magbago ang isip ko.” Sukat sa sinabi niya ay agad itong tumayo kahit nahihirapan. Napaigtad siya nang hapitin ulit nito ang beywang niya palapit. Tahimik niyang pinagalitan ang sarili dahil sa iniisip.
Ilang beses yata silang muntikan nang matumba bago nakarating sa taas. Inihatid niya ito hanggang sa loob ng kwarto.
“Jesus thanks…” Anas nito matapos humiga sa kama. Nakangiwi ito at nakapikit. Siya naman ay agad nilibot ang tingin sa loob ng kwarto nito. Ang daming nakasabit na litrato ng pagsikat at paglubog ng araw sa kabuuan ng kwarto. Wala man lang siyang nakitang poster ng NBA o di kaya’y wrestling players tulad ng ibang mga lalaki. May maliit itong bookshelf sa gilid ng kama. Ang mga camera nito ay may sariling sabitan sa gilid ng pinto. Maayos ang loob ng kwarto nito hindi tulad ng tipikal na kwarto ng lalaki na wala sa ayos ang lahat ng mga gamit. Lumapit siya sa mga kuha nitong litrato na naka display. Dumako ang mata niya sa isang partikular na kuha. Parang espesyal kasi nasa gitna ito nakalagay at sa lahat ng mga litratong nandoon, iyon lang ay may nasamang tao, isang babaeng nakatalikod ito sa kuha na nakaharap sa papalubog na araw habang hawak ang buhok na nililipad ng hangin. Hindi niya mapigilang haplusin iyon. Ewan pero may kung anong emosyon na hatid sa kanya ang litrato. Nakakapanindig balahibo. Ang galing ng pagkakuha. Saktong-sakto. Perfect.
“Ang ganda….” hindi niya mapigilang usal.
“Don’t touch it!.”
“Ha?” gulat na nilingon niya ito ngunit sa dibdib nito siya tumama. Hindi niya naramdamang nakatayo na pala ito sa likod niya.
“That’s my mom.” anito sa mahinang boses. Nakatingin ito sa litrato. May kung anong lungkot sa mga mata nito. “The most important woman in my life,”
“N-Nasaan na siya?” Tanong niya na muling ibinaling sa litrato ang pansin.
“She’s somewhere over there. Damn, it hurts.” Bigla siyang lumingon dito. Nakita niyang ngumiwi ito. Inalayayan niya itong maupo sa kama.
“Bakit kasi tumayo pa. May first aid kit ka rito?”
“Nasa banyo.”
Tinungo niya ang banyo at kinuha ang first aid kit. Mabuti na lang at meron itong kit.
“Umayos ka ng upo.” Utos niya rito bago sumalampak ng upo sa sahig. Kinuha niya ang paa nito at ipinatong sa hita niya. Napahiyaw ito nang gupitin niya ang suot nitong jogging pants.
“That’s five thousand pesos jogging pants made with fine fabric exported from Italy for Pete’s sake, Janine!” Hindi niya alam kung maiinis o matatawa dahil sa sinabi nito.
“Yung totoo, saan ka mas nasasaktan? Sa sugat dito sa tuhod mo sa pag-gupit ko ng jogging pants mo?”
“You don’t know how much I love this jogging pants!” sigaw nito. Napasigaw ulit ito ng malakas ng tuluyan na niyang nagupit ang jogging pants nito.
“Condolence.” Binigyan niya ito ng nang-iinsultong tingin. Binigay niya rito ang kalahating naputol. “Bilhan mo ng kabaong at paglamayan natin mamaya. Bumili ka na rin ng kape at baraha. Marunong ka bang mag tong-its? Turuan kita kung gusto mo.”
“Fu** Fu**!”
“Thank you.” Nakangiti pa ring sabi niya bago kinuha ang lagayan ng alcohol at binuhusan ang sugat nito. Para itong baboy na k*****y sa sobrang ingay.
“Damn it! Damn it! Are you trying to kill me!??” Labas ang litid sa leeg nito.
“Tinutulungan kaya kita kaya umayos ka at huwag gumalaw. Minsan lang ako nagiging mabait kaya napaka swerte mo, Mr. Ambrosio.” Muli niyang binuhusan ng alcohol ang sugat nito kaya muli na naman itong napahiyaw na may kasamang malulutong na mura.
“I’ll kill you! I’ll kill you!” Paulit-ulit nitong sigaw.
“Ang ingay mo.”
“Do it slowly!” Sigaw nito habang nilalagyan ng dressing ang sugat.
“Yes, Mr. Ambrosio.”
“Tigilan mo ang pagtawag sa akin ng ganyan.”
“Sure, Mr. Ambrosio.” Masaya rin pala ang feeling kapag nang-aasar. The table now is turned. Feeling winner tuloy siya. “Tapos na, Mr. Ambrosio.” Aniya sabay diin sa may bandang sugat kaya muli na naman itong napamura.
Panay pa rin ang mura nito sa kanya nang matapos na siya.
“You witch!”
“Do it slowly, Mr. Ambrosio. Slowly, slowly.” Nakangiting asar niya bago tuluyang lumabas.
“Anong nangyari, janine?”
“Anak ng slowly!” Napasandig siya sa pader sapo ang dibdib nang bigla na lang may nagsalita.
“Ano yung narinig kong slowly ha?” Usisa sa kanya ni Aling Susan sa mahinang boses. “At bakit nasa kwarto ka ni Irvin?” Nagdududang tanong nito.
“Wag ka nga Aling Susan. Ginamot ko lang ang taong iyon.” Sabi niya na hinila ito pababa ng hagdan. Pagdating sa baba ay pabagsak siyang naupo sa sofa.
“Ginamot?” Kunot ang noong tanong na naupo sa tabi niya. “Magkwento ka sa akin, Janine. Ano ba talaga ang nangyari.?”
Walang nagawa na sinabi niya rito ang nangyari.
“Ang tigas kasi ng ulo Aling Susan. Tao ba talaga yun o batong nakakita ng genie at nag wish na maging tao?”
Nakataas ang kilay na sinukat siya nito ng tingin.
“Talagang walang may nangyari sa inyo? Hindi kayo nag-” anito na ngumuso pa
“Ang dumi mong mag-isip, Aling Susan. Never in my wild wild dreams na magkakagusto ako sa lalaking iyon.”
“Sayang naman. Shipper niyo pa naman sana ako.” Hindi niya mapigilang tumawa sa sinabi ng matanda.
“Kailan mo nalaman yang shipper na yan, Aling Susan? Huwag mong sabihin na KPOP fan ka rin.”
“Ay oo. Sa atin lang ito ha?” Lumapit ito sa kanya at bumulong. “Fan ako ni Soong Joong Ki.” Lalo siya humagalpak ng tawa.
“Aling Susan talaga.”
“Hay, kasalanan ito ng dalawa kong apo na babae. Wala silang ginawa kundi magkuwento nang magkwento tungkol sa mga koreano sa tuwing tumatawag sila sa akin dito.” Sabi nito bago muling tinapunan siya ng nakakalokong tingin. “Pero ipupusta ko si Soong Joong Ki, magkakatuluyan kayo niyang ni Tisoy sa bandang huli.”
“Aling Susan!” Muntik na siya mahulog sa kinauupuan dahil sa sinabi nito.
****
“Janine….” Nagising siya dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto niya. Kalahating bukas ang mga mata na tiningnan niya ang cellphone. Alas sais pa lang ng umaga. Matutulog pa sana ulit siya pero muli na namang inateke ng sunod-sunod na katok ang pinto niya.
“Distorbo naman…” Inaantok na bumangon siya at humihikab pa na binuksan niya ang pinto. Automatic na tinakpan niya ang bibig nang mabungaran si Mark.
“Good Morning, Bonita.”
“Anong ginagawa mo rito?” Inirapan niya ito. Galit pa rin siya sa ginawa nito ‘nung nakaraang araw.
“Peace.” Inilabas nito sa likod ang isang mangkok. Base pa lang sa amoy ay alam na niya kung ano ang laman niyon.
“Inaantok pa ako.”
“Please?” Ulit nito.
“Hindi mababayaran ng lugaw ang inis ko, Mark kaya umalis ka na.”
“Let’s start making our project. Nasa baba na si Irvin.”
Kumunot ang noo niya.
“Nasa baba na siya?”
“Yeah. Pumayag na siyang makipag cooperate sa ating dalawa.”
Lalong kumunot ang noo niya sa narinig. Baka balak gumanti sa kanya dahil sa ginawa niya kahapon? Dapat na ba siyang maghanda ng plan A hanggang plan A10?
“Sandali lang. Maghintay ka na muna roon sa baba, susunod ako at-” kinuha niya rito ang mangkok ng lugaw. “Akin ito di’ba?”
“That’s means…”
“Not yet.” Inirapan niya ito nang nakangiti bago sinara ang pinto.
“Whoa!” narinig pa niyang tawa nito. “We’ll wait you downstairs. Take your time.”Pahabol nito.
***
Pasimple niyang sinipa ang paa ni Irvin nang dumaan siya sa harap nito.
“What the fu-!” Napasigaw ito ng malakas at sinamaan siya ng tingin. Napatingin tuloy sa kanilang dalawa sina Aling Susan at Mark na nasa kusina at naghahanda ng almusal. Nagkibit balikat lang siya nang magtama ang tingin nila ni Mark nang kumuha siya ng kutsara.
“Kumusta?” Nakangising tanong niya rito matapos niyang maupo sa kaharap na upuan. Nag de kwatro siya habang tinatanggal ang takip ng lugaw na dala ni Mark. “Lugaw?”
“Damn you, Janine!”
“Thank you, Mr. Ambrosio.” Parang wala lang na ipinagpatuloy niya ang pagkain ng lugaw. “Kumusta ang tuhod natin, masakit pa ba?”
“Gusto mo ba talaga akong mamatay?” Galit na singhal nito habang hinihipan ang tuhod. Hindi niya mapigilang tumawa sa itsura nito na parang bata. “Stop laughing.”
“Huwag mong masyadong dibdibin ang pagkahulog mo, Mr. Ambrosio. Ganyan talaga sa buhay, minsan malalaglag ka at nasusugatan ang tuhod. Take slowly, slowly, Mr. Ambrosio.”
“The fudge!” narinig niya mura nito.
“Tama na iyan, Janine at kakain na tayo.” Nilapitan sila ni Aling Susan. Muntik na siyang mabulunan nang kumindat ito sa kanya pagkatapos ay tumingin sa nagmumurang si Irvin. “Slowly, slowly.” bulong pa nito sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang mamula. Hindi niya alam kung saan bahagi ng kalawakan pinulot ni ALing Susan ang ideyang pumasok sa utak nito.
“Kakain ka pa ng kanin or lugaw na lang ang sayo? Dalawa binili ko para sa’yo.” Nanlaki ang mata niya sa narinig. Tumawa na lang ito dahil sa reaksyon niya. “I knew it. Reyna ka talaga ng lugaw.” Kinuha nito ang isa pang maliit na mangkok sa oven at binigay sa kanya.
“Hindi pa nga naubos ang isang mangkok pero hihingi na agad ng isa. Pig.” Sabi ni Irvin na naupo sa tabi niya. Inirapan niya ito.
“Doon ka sa kabila. Pwesto ni Aling Susan diyan.” Sinipa niya ang inuupuan nito.
“Okay lang, Irvin. Dito na lang ako uupo. Isa pa, mas maganda kung diyan ka uupo, diba Janine?”
“Aling Susan!”
“Kumain ka ng gulay, Janine.” Binigay ni Aling Susan sa kanya ang platong may lamang pritong talong.
“You’re right, Aling Susan. Kailangan ni Janet Lim kumain ng gulay dahil ang payat na niya. Eat this, baby.” Bago pa siya maka-angal ay bigla itong dumampot ng tatlong pirasong talong at sinubo sa bibig niya. Muntik pa siyang masuka dahil napunta pa yata sa lalamunan niya ang talong.
“Janine!” Napatayo bigla si Mark.
“T-Tu-Tubig!” Muntik na siyang masuka habang pilit na nginunguya ang talong. Maluha-luha na kinuha ang tubig na bigay sa kanya ni Mark. Inis na tinapakan niya ang paa ni Irvin na tawang-tawa sa sariling kalokohan. Napangiwi ito saglit pero muli na namang tumawa.
“Ganoon? Happy ka?”
“Of course. If you just saw how do you look like a while ago. You look like a pig, Janet Lim.” ang lakas pa ng tawa nito.
“Ahh. Masaya rin ako para sayo.” Kinuha niya ang natitirang pritong talong sa plato at ipinasok lahat iyon sa bibig ni Irvin. Hindi ito nakaiwas. Saktong-sakto dahil nakanganga ito sa kakatawa. “Be healthy, Baby Ambrosio.”
“Asdfghjk!” Nagsasalita ito pero hindi niya maintindihan. Sina Mark at Aling Susan naman ay palihim na tumatawa. Ni hindi man lang ng mga ito tinulungan si Irvin.
“Sarap?”
Paika-ika itong pumunta ng lababo at iniluwa ang laman ng bibig.
“I’ll kill you.” Galit na sigaw nito bago muling naupo sa tabi niya. “You wretch!”
“Watch your mouth, Irvin. Nasa harap tayo ng pagkain.”
Binigyan siya nito ng nakakamatay na tingin. Pulang-pula ang pisngi nito sa sobrang galit.
“Ikaw ang nauna.” Aniya nang hindi siya nito nilubayan ng tingin. Para siya kriminal na nililitis kung tingnan nito. “Gumanti lang ako.”
“This is crazy!” Pabalibag na tumayo ito at tinungo ang sala.
“Huwag kasing mag-umpisa ng away kung alam namang matatalo lang. Imbes na magpasalamat ay gagawa pa ng mga bagay na bata lang ang makakagawa.” Pasaring pa niya.
“Shut up! Hearing you talk is like breathing a poisonous gas!”
Narinig niyang tumawa sina Aling Susan at Mark. Hindi na rin tuloy niya napigilan ang sariling humalakhak.